IX

1.1K 21 2
                                        

Chapter Nine

DON'T YOU DARE TO TOUCH MY WIFE

Halos tatlong oras din akong nandoon madamin na din akong nakasalamuha dahil sa paglalakad ko at paghinto ko sa may isang branch ng starbucks doon.

Naglakad na akong muli papasok sa mall of asia hinintay ko talagang magbukas iyon. Naisip ko kasing pumarito na lang kesa pumasok ako at sermunan lang ni Tyllex sa bahay.

Hinanap ko kaagad ang National Book Store dahil gusto kong magbasang muli ng libro. Halos isang taon na din akong hindi nakakabasa ng mga wattpad stories at english novel simula ng napadpad ako sa bahay nila Lola V.

Wattpad books at English novels ang pinagkakaabalahan ko kapag wala akong ginagawa sa bahay namin. Kaya naman ang dami ko ng naipon na libro sa bahay namin hindi naman ako pinipigilan ng mga magulang ko na bumili ng libro.

Ng mahanap ko na ang National Book Store ay lumapit agad ako sa mga libro.

Agad na nakita ng mata ko ang libro ng iniidolo ko. Libro ni Jonaxx agad ang nakita ko naalala ko nung nakaraang taon na nagkaroon siya ng malaking event para sa libro niyang ito.

Yung Alegria Boys Series iyon nabasa ko na iyon sa cellphone pero wala akong libro kaya kinuha ko agad ang tatlo saya lang na walang book box yun pero kinuha ko pa din.

Kinuha ko din yung isang Every Beast Needs A Beauty wala kasi ako nun at hindi ko pa iyon nababasa.

Halos magkanda-ugaga ako dahil ang bigat na ng dala ko dahil apat na makakapal na libro na ito.

Nagulat ako ng may lumapit sa akin at inabutan ako ng isang basket. Tumingin ako sa kaniya. Isang lalaki iyon na singkit na may malalim na dimple sa kaliwang pisngi.

"Nakita kita at mukhang mabigat ang dala mong libro kaya here" sabi niya at inabot ang basket sa akin.

"Thank you" sabi ko sa kaniya sabay abot ng basket inilagay ko agad doon ang libro na bitbit ko kanina at inilapag ang basket sa lapag.

"Madami ka pang mabibili kasi sale sila ngayon ng up to 70%" sabi niya sabay ngisi natawa din ako.

"Mukha ngang madami akong mabibili" sabi ko.

"Mauuna na ako" sabi niya tumango ako ng tumalikod siya saka ko nakita ang bitbit niyang isang box ng mechanical pencil.

Hindi ko na muli tiningnan ang lalaking umalis at bumalik na sa pagpili ng libro. 

At hindi nga nagkamali ang lalaki kanina dahil halos nasa doseng libro ata ang nakuha ko.

Dinala ko na iyon sa cashier saka ko iyon binayaran. Lumabas na ako sa National at saka naman ako pumunta sa H&M para tumingin ng bagong damit.

Tumagal ako doon ng dalawang oras hanggang sa natapos na ako at binayaran ko na ang binili ko.

Isang simpleng itim na two piece na dress yun kaya kita ang tiyan doon at tube lang ang top nun kaya napaka sexy nun pero maganda.

Isang puting strapless na dress dahil nagandahan din ako dun dahil plain lang iyon.

Then dalawang off shoulder top isang black at isang white. Saka dalawa ding high waisted pants.

Pagkatapos nun ay lumabas na ako dala ang mabigat na bitbit ko. Kumain muna ako sa isang restaurant.

Binuksan kong muli ang cellphone ko para tingnan ang oras.

Mag-a-alas dos na ng hapon pinatay ko na lamang muli ang cellphone ko dahil panay ang text at tawag ng magpipinsan.

Lumabas na ako ng mall at nagpahatid na sa mansyon bahala na kahit bungangaan ako ng walong lalaki na yun. Alam ko namang hindi nila ako sasaktan physically.

Pumara agad ako ng taxi ng makasakay na ako ay sinabi ko na ang location kung saan ako baba.

Nakatingin lang ako sa may bintana ng taxi. Hanggang sa malapit na kami siguro mga isang kanto na lang ay nandoon na ako.

Pero may nakapukaw ng atensyon ko at nakaramdam ako na gusto ko talagang pumunta muna sa ganoong lugar.

"Kuya pakihinto na lang po dun sa may bar" sabi ko.

Dahan-dahan namang inilagay ni manong ang taxi sa parking lot sa harapan ng bar. Saka ko siya binayaran at saka ako bumaba.

Hinarang ako ng dalawang bouncer na nakatayo na sa may pintuan.

"Hindi kayo pwede dito Miss" sabi niya sa akin.

Agad kong kinuha ang isa kong I.D. sa loob ng bag ko at iniharap sa kaniya.

"19 years old means hindi na ako teen kaya pwede na akong pumasok sa Bar niyo yun naman ang rule niyo right?" Sabi ko sa kanila dahil kitang-kita ko pagkababa ko pa lang ng taxi ang malaking sign na nagsasabing "MINORS IS NOT ALLOWED"

"Sorry po Miss sige na po pasok na po kayo" sabi ng isang bouncer.

Ng pumasok ako dun ay kalmado pa ang mga tao doon dahil maaga pa naman para mag-party ang mga tao.

Pumunta agad ako dun sa may Bar island nila at kinausap ang bartender.

"One bottle of vodka please" I said.

"Uhhm are you sure Miss?" He asked.

"Of course!" Medyo napalakas ang boses ko kaya nagmadali ang lalaki.

Naupo naman ako doon sa may gilid ng bar island malapit lang din sa may pintuan para walang makialam sa akin doon at malayo sa may dance floor.

Lumapit na sa akin ang server agad ko iyong binayaran. Ibinigay na din niya ang kailangan ko para mainom ang alak na binili ko.

Ininom ko lang ng ininom ang alak hanggang sa makalahati ko ito ng biglang may lumapit sa akin at naupo sa tapat ko.

"Are you alone?" Tanong ng lalaki sa harapan ko.

"No, I'm with my fiancé and other friends" I lied.

"Oh okay" sabi niya at bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya kanina.

Mas gusto ko lang mapag-isa ngayon dahil gusto ko munang malihis ang iniisip ko. At mawala muna sa reyalidad ang isip ko.

Halos maubos ko na ang iniinom ko at hindi ko na alam ang pinaggagagawa ko.

"Hi Lady" bati sa akin ng isang lalaking may hawak na bote.

"Let's dance!" He said.

"No thanks" I said.

"Come on!" Sabi niya at hinihila niya na ako patayo.

"I said no!" Sabi ko.

"Pabebe ka pa!" Sabi niya at hinila pa din ako.

Ng biglang may sumapak sa lalaking humihila sa akin.

"What the f*ck!?" Sigaw ng lalaking humila sa akin.

"Don't you dare to touch my wife!" Sigaw ng lalaki hindi ko mamukhaan ang lalaki.

At anong sabi niya wife? Sinong asawa niya? Ako? Ni wala nga akong boyfriend pinakasalan pa kaya.

"Let's go baby let's dance!" Tumayo pa din ang lalaki at hinila ako palapit sa kaniya pero hinila ako ng lalaki at bigla siyang may hinugot sa may tagiliran ng guard na nasa likuran niya dahil naka uniporme itong itim.

"Pull her again and you'll be alive no more, f*cker!" Sabi nito may hawak siyang baril isang Calibre 45.

"Huwag" sabi ng lalaki at napatakbo na.

Yun na lang ang nakita ko ang pagtakbo ng lalaki hanggang sa natumba na ako at nagdilim ang lahat.

Living With The DevilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon