Chapter Twenty
SING FOR ME
Ng maramdaman kong huminto na ang Ferris Wheel ay tumayo na ako sa pagkakaupo sa binti ni Tyllex.
Hinawakan niya ang kamay ko ng tumayo ako saka siya tumayo ng nakasalikop na ang mga daliri naming dalawa.
Lumapit siya sa akin hawak pa din ang kamay ko naramdaman ko ang mainit na ihip sa tenga ko.
"I love you" He whispered.
Hindi ako mapapagod na marinig ang sinasabi niya lalong-lalo na kapag sinasabi niya na mahal niya ako.
Sumakay pa kami sa iba pang ride hanggang sa naramdaman kong nag-va-vibrate ang phone ko o phone ni Tyllex sa loob ng bag ko.
Kaya naman tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Tyllex saka ko binuksan ang bag ko. Phone ni Tyllex ang nag-va-vibrate kaya binigay ko iyon sa kaniya.
"Hello?"
Sagot niya sa tawag.
"Okay sa may harap yun right?"
"Yep"
"Pupunta na kami doon"
May pinindot pa siya sa cellphone niya saka iniharap iyon sa amin. Ngumiti ako. May lumapit sa aming staff.
"Sir kukuhanan ko po kayo ng picture" Sabi ng staff kaya ibinigay ni Tyllex ang phone niya sa staff.
Hinigit niya ang bewang ko saka tumingin sa cellphone ganoon na din ang ginawa ko.
"One...Two...Three...Smile!" Sabi ng staff.
"Lapit pa po kayo Sir para sweet" Imbes na simpleng lapit lang ang ginawa ni Tyllex niyakap niya ako pero hindi gaanong mahigpit at tumingin sa harap. Tumingin na din ako.
"Sweet!" Nakangiting sabi ng staff.
Lumapit na siya sa amin at ibinigay kay Tyllex ang phone.
"Thanks" Sabi ni Tyllex sa staff.
"Walang anuman po" nakangiting sabi ng staff. "Bagay na bagay po kayo Ma'am at Sir" dagdag pa nito.
"Kaya nga siya ang pinili ko" Sabi ni Tyllex.
"Magmahalan po kayo hanggang sa tumanda kayo at magkaanak. Mauuna na po ako" sabi ng staff, tumango naman si Tyllex.
"Sabi ko naman sayo eh bagay tayo kaya sagutin mo na ako" Sabi ni Tyllex.
"Kakasabi ko lang Tyllex na—"
"Na hindi ka pa handa" pagtatapos niya sa sinasabi ko.
"Nasa may harap daw sila Rashon" Sabi ni Tyllex tumango ako kinuha niya ang kamay ko at naglakad na.
Ng makita ko ang mga pinsan niya ay bumitaw ako sa pagkakahawak ni Tyllex sa kamay ko.
"Pabalik na daw si Lola" Sabi ni Krozon kay Tyllex.
Saglit lang ang itinagal ng paghihintay namin ng dumating si Lola V.
"Here magbihis na kayo alam kong nabasa kayo dahil sa rides" sabi ni Lola at binigyan na kami ng kaniya-kaniyang paper bag.
Tumango kaming lahat at naghanap ng comfort room agad namin iyong nahanap pumasok ako sa pambabae syempre.
Nagbihis na ako maong na shorts at oversized shirt ang binili ni Lola na damit para sa akin. Ng masuot ko na yun at nag-tuck in ako para kita yung shorts ko.
Bumagay iyon sa akin itim na shirt at maong na shorts bagay din sa itim kong sapatos.
Pagakatapos nun ay lumabas na ako sa isang cubicle at humarap sa salamin sinuklay ko ang nakalugay kong buhok gamit ang kamay ko sa ko kinuha ang pangipit ng buhok sa loob ng bag ko saka ako nag-ipit ng messy bun.

BINABASA MO ANG
Living With The Devils
RomansaUNDER CONSTRUCTION!!! Laminaria Series #1 - COMPLETED I know that everything happens for a reason. But I don't understand why I am here with them. Is it for a purpose?