Chapter Twenty Three
SOON
Tyllex Cye Laminaria
Ng lumabas ako ng kwarto ni Astraea mabuti at wala ang mga pinsan ko saka ako pumasok sa sarili kong kwarto at agad na pumasok sa banyo para makaligo.
Ng matapos ako ay nag-muscle shirt lang ako at nag-cargo short saka nagsuot ng sapatos. Kinuha ko ang cellphone ko, wallet at susi saka ako lumabas.
Binuksan ko ang kwarto ni Astraea at sumilip doon. She's sleeping. Bumaba na ako at nakita ko doon ang mga pinsan ko na kumakain.
"Where are you going?" Boses yun ni Krozon.
"Wala ka na dun" Inis kong singhal sa kaniya.
"Mangbababae lang yan!" Sabi ni Rashon.
"Shut the f*ck up Rashon!" I hissed.
Agad akong lumabas ng pintuan saka hinanap ang kotse ko. Sumakay na ako doon at pinaandar na ito.
Agad kong pinaandar yun sa isang mall at dumeretso sa supermarket. Mabilis pa sa minuto akong kumuha ng push cart at agad na nagpunta sa frozen foods section.
I got some french fries. Saka ako lumipat sa chocolates section at kumuha doon ng mga iba't-ibang chocolates especially dark chocolates because it's her favorite.
Kumuha na din ako ng chips sa ibang section saka ako pumunta sa counter at nagsabing bibili din ako ng cookies and cream at vanilla ice cream. Saka ko binayaran iyon.
Lumabas na ako ng mall saka pumunta sa kotse ko at ka agad na umuwi sana wala doon ang mga pinsan ko.
Hanggang sa huminto ang mga sasakyan dahil sa traffic.
"Damn it!" I shouted.
Pero nagulat ako ng biglang may kumatok sa bintana ko agad kong nakita ang isang bata doon. Binuksan ko ka agad ang bintana ko.
"Hello po kuyang pogi bili naman po kayo ng rosas na binebenta ko alam kong may girlfriend kayong maganda kaya bili na kayo bigay mo sa kaniya" sabi ng bata habang pinapakita pa ang timba niyang dala kung nasaan ang mga rose.
"Ilan na lang ba yan?" Tanong ko binilang naman niya ito.
"Walong piraso na lang kuyang pogi" Sabi niya kumuha agad ako ng pera at ibinigay sa kaniya.
"Akin na lahat" sabi ko binigay naman niya sa akin iyon saka ko inilagay sa may passenger's seat yun at bumaling muli sa bata at inabot ang pera.
"Kuya ang laki po ng isang libo wala akong panukli saka kwarenta pesos lang po ang isa" sabi niya sa akin.
"Kuhanin mo na pati ang sukli" sabi ko.
"Ha? Ang laki pa po ng sukli" Sabi niya habang gulat.
"Ano bang pangalan mo at saan ka nakatira?" Tanong ko.
"Ako po si Janjan saka po wala kaming bahay doon lang po kami sa may parke sa may centro" Sabi niya sa akin.
"Babalikan kita Janjan at ipapakilala kita sa girlfriend ko" Sabi ko.
"At yang sukli kapag pumunta kami sa parke at nakita mo ako na may kasamang magandang babae bibigyan mo ako ng rosas para maibigay ko sa girlfriend ko, saka Tyllex ang pangalan ko" Sabi ko sa kaniya.
"Kuya Lex na lang ang itatawag ko sa inyo kuyang pogi" sabi niya.
"Sige na bumalik ka na sa inyo para makakain na kayo" sabi ko.
"Salamat po!" Nakangiti niyang sabi.
"Bye!" Sabi ko at isinara na ang bintana ko at nagsimula naman ng dumaloy ang pagandar ng sasakyan at sa wakas ay dirediretso na ang andar at may nadaanan akong fast food na may drive thru kaya naman ay bumili ako.
BINABASA MO ANG
Living With The Devils
RomansaUNDER CONSTRUCTION!!! Laminaria Series #1 - COMPLETED I know that everything happens for a reason. But I don't understand why I am here with them. Is it for a purpose?