Chapter Seven
MRS. ASTRAEA LAMINARIA
Napaubo ako ng napaubo ng may naramdaman ako ng po-pump ng dibdib ko.
"Oh god! Are you okay Astraea!?" Tanong ni Tyllex.
"Y-yes" sabi ko at umupo na nasa gilid kami ng pool.
"I'm so worried, what happened to you?" Tanong niya.
"Namulikat ang paa ko" sabi ko.
"Tumakbo ka pa kasi kanin paakyat sa kwarto mo yan napala mo para makapag picture" sabi niya sa akin.
"Bwiset ka! Akala ko naman concerned ka na talaga!" Sabi ko sa kaniya.
"Concerned ako Astraea okay? Nag-alala talaga ako kaya namulikat ka ay napagod ang paa mo" sabi niya sa akin.
"Tss" ingit ko.
"Wag kang umingit dyan ikaw na tinulungan" sabi niya sa akin.
Tumingin naman ako sa paligid nakatingin silang lahat sa amin kaya agad kong iniwas ang mata ko sa kanila.
Kitang-kitang na relieved ang pag-aalala nila dahil sa nangyari. Thankful din ako na narevived ako ni Tyllex. Dahil ayaw ko pa mamatay gusto ko pang mabuhay at makasama pa sila ng matagal.
Bumalik na din sa pag-si-swimming ang lahat habang nakaupo pa din ako sa sun lounger ay lumapit sa akin si Lessa.
"Are you okay?" Tanong niya sa akin.
"Yes" sabi ko.
"Grabe sobrang nag-alala ako sayo kanina buti na lang nasagip ka agad ni Tyllex" sabi niya sa akin.
"Buti na nga lang baka wala na ako ngayon dito kung hindi ako natulungan ng loko na yan" sabi ko naman.
"Sobrang nag-aalala din sila sayo kanina at takot na takot sila nungg hindi ka pa din gumigising habang ni re-revive ka ni Tyllex halos mag panic din sila muntik na nga silang magpatawag ng helicopter para madala ka sa hospital eh HAHAHAHA ang OA pala nila minsan" sabi ni Lessa.
"Hindi minsan palagi" pagdidiin ko.
"Ang swerte mo dahil natagpuan ka nila Ast, kaso hindi pa din nawawala sa utak ko kung paano ka nakarating dito?" Tanong ni Lessa sa akin.
"Nagising na lang ako at nandito na ako sa bahay nila" sabi ko sa kaniya.
"How? Kinidnap ka nila? O dinala ka ng parents mo dito? Pero impossible na dalhin ka ng parents mo dito saka bakit ka naman nila dadalhin dito" sabi niya na may nagtatakang mukha.
"Wala akong alam Lessa, hindi ko alam" I lied.
"Hindi ka manlang ba naglayas or nagpumilit para makaalis ka dito at makabalik sa parents mo?" Tanong niya.
"Yes nung unang araw ko dito pinilit ko na ibalik nila ako sa family ko but I saw my family here. Tinuring nila akong pamilya dito Lessa, at dito ko naramdaman na hindi ako nag-iisa lalo na nung dumating ka din. Dati nung nandoon ako sa tunay na pamilya ko parang wala lang ako yung feeling na parang hindi ako nag-e-exist sa harapan nila kasi sobrang busy nila sa trabaho nila parang yun na lang palagi ang pinagtutuunan nila" sabi ko sa kaniya.
"Nararamdaman ko din naman yan eh dahil parehong sa Business ang parents ko pero inintindi ko na lang kasi kailangan din naman namin yun eh. Nagtatrabaho sila para mahuhay kami sa pang araw-araw" sabi niya. I smiles at her. Mabuti pa siya naisip niyang ganoon.
"Tama na nga to magswimming na tayo" sabi ko tumango siya at tinanggal ang bath robe niya.
Pumunta kami ng pool at naglangoy ng naglangoy. Nag-kwentuhan din kami kasama ang walo.

BINABASA MO ANG
Living With The Devils
RomanceUNDER CONSTRUCTION!!! Laminaria Series #1 - COMPLETED I know that everything happens for a reason. But I don't understand why I am here with them. Is it for a purpose?