XXXVII

627 4 0
                                        

Chapter Thirty Seven

MAINTENANCE

Four o'clock in the morning, Dapat tulog pa din ako but now I am fully awake. I can't sleep properly because of Tyllex. Arggh I missed him.

Should I call him? Nah, that's not a good idea.

Tumayo ako at kinuha ang phone ko. Binuksan ko ang facebook ko then I searched his name. I opened his timeline.

Nothing is updated. Ang huli niyang post ay naka link na picture namin sa instagram. We look so happy. Sobrang laki ng ngiti namin sa picture na yun.

My heart ached on that thought. Mahal niya pa din kaya ako kapag bumalik ako sa kaniya? O meron na kaya siyang iba pagbalik ko?

May iba ng babaeng nagpapasaya sa kaniya. May ibang babaeng hahalik, yayakap, at magpaparamdam kung gaano siya nito kamahal.

Kailangan ko kaya matatanggap ang annulment papers para sa kasal naming dalawa?

Humagugol ako sa iyak ng maisip ko iyon. I missed you, Tyllex...

"Astraea?!" Boses at katok ni Ate Nelia ang bumungad sa akin ng magising ako.

"Kakain na ng umagahan, bawal kang magpalipas ng pagkain!" Sabi nito .

"Opo Ate Nelia, susunod na po!" Pasigaw din akong sumagot para marinig niya.

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Ugh the warm water feels so good. Nanatili ako sa bath tub ng kalahating minuto saka umahon.

Pumasok ako sa walk in closet ng naka tapis lang ng tuwalya at saka ko pinatuyo ang buhok ko. Nagbihis ako ng maong high waisted shorts at plain black over sized shirt. Nagsuot din ako ng white skater shoes and to complete my outfit inilagay ko ang sunglasses sa ulo ko mamaya ko na yun ibaba kapag aalis na ako. Nag-spray din ako ng pabango sa katawan ko.

Lumabas na ako ng walk in closet at kinuha ang wallet saka ang phone ko na napalitan ko na ng sim card na pinabili ko kay Ate Nelia kahapon.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba at saka pumunta sa may kusina. Nandoon na si Ate Nelia na nagtitimpla ng kape. Naupo na ako sa usual na upuan ko at ng nailapag na ni Ate Nelia ang kape ko at akmang aalis na siya ng pigilan ko siya.

"Ate Nelia, please join me" I said she nodded then she seated beside me.

I started eating until my stomach is already full. I stand up them I faces Ate Nelia.

"Ate Nelia, aalis lang po ako sandali" pagpapaalam ko.

"Mag-iingat ka hija" I nodded.

"Saka po pakisabi sa guard ng subdivision na mag-lagay ng sign doon na kailangan natin ng bagong guard"

"Sige hija" Tumango ako.

Agad akong dumeretso sa may garahe at binuksan ang wrangler ko. Ibinaba ko na ang sunglasses saka ko sinimulan imaniobra ang sasakyan.

Bumaba ako sa may gate at binuksan ito saka pinaandar palabas ang sasakyan saka muling isinara ang gate.

Pinaandar ko na ng tuloy-tuloy hanggang sa makalabas ako ng subdivision.

Agad akong bumaba ng sasakyan ng nasa parking lot na ako ng mall, hinubad ko ang sunglasses ko at inilagay iyon sa dash board saka ako lumabas at inilock ang sasakyan.

Living With The DevilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon