XXVI

761 9 0
                                        

Chapter Twenty Six

I'M YOURS

Kinuha na ni Tyllex ang dala-dala kong paper bag kung nasaan ang librong binili ko. Saka naman niya hinawakan ang kamay ko.

Agad na umalis kami ni Tyllex doon sa Mall at pinuntahan na namin ang kotse niya at pinagbuksan ako ng pintuan agad naman akong sumakay doon at umikot naman siya sa kabila para sumakay doon.

He started to maneuver the car then he drive. While he's driving I stared at him. Ayaw ko ng alisin ang mata ko sa kaniya. Then in one swift move he already holding my hand.

Ipinatong niya ang kamay ko sa kambyo at nagpatuloy sa pagmamaneho na parang wala siyang ginawa.

Hanggang sa naipit kami sa traffic kaya nahinto sandali. Pinagsalikop niya ang kamay namin at inangat ito papunta sa kaniyang labi.

"I love you" He whispered to my hand.

I keep quiet. Gusto kong pakinggan at titigan ang mga sasabihin at gagawin niya.

"Aren't you supposed to answer me back?" He asked.

"I love you too" Sagot ko.

Nakita kong namula ang tenga niya, hindi ko man nakikita ang mukha niya alam kong namumula siya.

"F*ck I'm so in love" He murmured.

Muli niyang hinawakan ang kamay ko at ibinalik iyon sa kambyo at ipinatong niya ang kamay niya doon.

Nag-drive na siyang muli hanggang sa makauwi na kami sa mansyon. Nauna siyang bumaba saka siya umikot papunta sa akin para pagbuksan ako ng pintuan.

Kinuha niya ka agad ang kamay ko bago ako kami naglakad papunta sa may pintuan. Narinig ko agad ang mga pinsan niya.

Naglakad na agad kami papunta sa sala at nandoon ang mga pinsan niya na naglalaro doon. Hinapit niya ang bewang ko at pinukaw ang atensyon ng mga pinsan niya sa pamamagitan ng pagtikhim niya.

Nang humarap ang mga pinsan niya sa amin ay napatingin ito sa kamay ni Tyllex, na nasa may bewang ko.

"Astraea is mine now so back off" sabi niya sa mga ito.

"Sinagot mo si Tyllex?!" Tanong ni Rashon.

Nag-init ang pisngi ko at dahan-dahan akong tumango sa kaniya.

"Jusko lolokohin ka lang niyan" Sabi ni Rashon na parang confident na confident siya sa sinabi niya.

"Shut the f*ck up Rashon, I will never hurt her" Sabi ni Tyllex.

"Okay sabi mo eh" Sabi ni Rashon at bumalik na sa paglalaro.

Ang iba niyang mga pinsan ay hindi pa din kumikibo.

"Let's go" Sabi ni Tyllex at hinapit na ako paalis.

Nang paakyat na kami ng hagdanan ay may natinig kaming sumigaw.

"Isarado mo ang pintuan ng kwarto mo Astraea! Delikado ka kay Tyllex ngayon!" Boses yun ni Oreson at rinig na rinig ko ang halakhak nilang lahat.

"Huh?" Naka angat ang kilay na tanong ko kay Tyllex.

"Don't mind them" Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Ng makapunta na kami sa tapat ng kwarto ko ay humarap ako sa kaniya.

"Good Night" Sabi ko at tumingkayad ako saka hinalikan ang pisngi niya.

"I love you" Pagkatapos kong sabihin iyon ay kinuha ko na ang paper bag sa kaniya saka ko binuksan ang pintuan at ni lock iyon.

Living With The DevilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon