Chapter Twenty Four
TWITTER HEADER
Astraea Xielxen Cybele
I'm not feeling well pa din pero kailangan kong pumasok ngayong araw dahil Lunes kaya naman agad akong nag-ayos at nagluto para sa aming lahat.
Sunod-sunod na pumasok ang magpipinsan at naupo sa kani-kanilang upuan.
"God I miss this" narinig kong bulong ni Oreson.
"Namiss ko din tong luto ni Astraea" Sabi naman ni Rashon.
"Aish kumain na nga lang kayo" Sabi ko sa kanila.
Kumain naman na kami ng tahimik at walang nagabalang magsalita sa aming lahat. Matapos akong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko.
Umakyat ako ng kwarto ko saka nag toothbrush muli saka pinasadahan ng suklay ang buhok ko. Matapos ako ay bumalik ako ng kusina.
"I will go now, bye boys!" Paalam ko sa kanila.
Lumabas na ako dahil balak ko lang namang mag-commute ngayon araw kasi hindi na ako nakakapag-exercise kahit jogging hindi.
Habang naglalakad ako ng magulat ako ng may huminto sa harapan kong kotse at kotse yun ni Tyllex.
"Bakit nagmamadali ka?" Kunot noong tanong nito.
"Gusto kong pumasok ng maaga" sabi ko.
"Edi sumakay ka na sa kotse ko" sabi naman niya sa akin habang kunot na kunot ang nok na parang pinagsakluban ng langit ay lupa.
"Gusto kong mag-lakad Tyllex, kasi gusto ko namang ma-exercise ang mga binti ko" Sabi ko naman sa kaniya.
"Then this Saturday dadalhin kita sa gym kung saan kami nag-gi-gym okay? Sumakay ka na" Sabi niya sa akin.
"Ayoko" pagmamatigas ko at dahil doon lumabas na siya ng kotse niya at lumapit sa akin.
"What are you doing?" Tanong ko ng mas lumapit pa siya sa akin ng sobra at napatili na lang ako ng pangkuin niya ako.
"Ibaba mo ako Tyllex! Sasakay na ako!" Sigaw ko sa kaniya.
"Gusto mo naman to diba? Parang yung ginawa lang natin kahapon kaya wag ka nang malikot okay?" Sabi niya at binuksan na niya ang pintua ng kotse niya at yumuko para maiupo ako ng maayos.
Napapikit ako ng halikan niya ang noo ko.
"Good Morning baby, I love you" Sabi nito napatulala na lang ako. He's so in love. I can see it clearly on his emerald eyes.
Isinara na niya ang pintuan at sumakay na siya sa driver's seat at agad na nagmaneho. Ng makarating kami ng school ay agad akong bumaba at hindi pinahalata na sa kotse ako ni Tullex bumaba.
At katulad ng inaasahan hindi talaga ako mapapansin dahil agad na sinalubong ng mga babae si Tyllex.
Nagmadali na akong naglakad at pumunta ako sa locker ko para kuhanin doon ang gamit ko. Umakyat na ako sa classroom ko at agad akong sinalubong ni Lessa at yumakap ako.
"I miss you!" Sabi nito.
"Saglit lang naman ako nawala ang OA mo!" Sabi ko sa kaniya at mabuti na pinakawalan na ako nito.
"Thanks god, you're already fine now" She said.
"I'm already okay Lessa, since Friday pa hindi lang ako nakapasok kasi nga kakalabas ko lang sa hospital nung Friday" Kwento ko sa kaniya.
"Nag-alala kasi ako masyado kasi hindi ka naman nag-a-absent" Sabi niya.
"OA mo talaga! Paupuin mo muna kaya ako diba?" Angil ko sa kaniya napairap na lang ito at naupo na.

BINABASA MO ANG
Living With The Devils
Roman d'amourUNDER CONSTRUCTION!!! Laminaria Series #1 - COMPLETED I know that everything happens for a reason. But I don't understand why I am here with them. Is it for a purpose?