Chapter 3

8.1K 79 2
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay tita o sinuman sa mga kaibigan ko ang nangyayari sa akin. Pero bakit ganoon? Parang may pumipigil sa akin na gawin ko ang bagay na iyon? Sa halip ay ginapangan ako ng kaba at takot sa oras na gagawin ko ang bagay na iyon.

Balak kong huwag na muna pumasok kahit isang araw sa school pero ayoko din naman magmiss ni isa sa mga discussion. Lalo magtataka sina Shayne, Carmz at Jasmine sa oras na malaman nilang aabsent ako na walang dahilan. Alam kasi nila ang ugali ko, kahit na nilalagnat pa ako ay papasok pa rin ako.

Pilit kong ibalewala ang nangyari. Pilit kong labanan ang takot at kaba na aking nararamdaman. Sa tuwing nag-iisa ako, lalo na sa kuwarto ako, bigla nalang sumasagi sa isipan ko ang nangyari sa amin ng lower class man ko. He took my virginity for real. Kitang kita ko kung papaano dinugo ang pagkababae ko nang makuha niya iyon. Para akong napunit nang paunti-unti... Parang mas nawawasak ako... Shit.

Umiling-iling ako. Kailangan kong burahin sa isipan ko ang bagay na iyon.

Nagdesisyon akong hanapin ang lalaking iyon. Lalakasan ko ang loob ko na kausapin siya ng harap-harapan. Nilibot ko ang building ng high school pero ni anino niya ay hindi ko mahagilap. Nagtatanong-tanong din ako sa taga-lower class kung may nakakilala sa kanila pero ang tanging nakukuha ko lang na sagot ay wala naman daw silang kaklase na ganoon.

Saan ko ba pwede makita ang lalaking iyon?

"What are you doing here, Miss Arles?"

Napalingon ako nang may nagsalita sa bandang likuran ko. Pamilyar na lalaki, palagay ko ay siya ang tinutukoy ng ibang estudyante dito na bagong PE teacher. "W-wala po..." Sabay binawi ko ang aking tingin.

Ang akala ko ay aalis na siya ngunit nagkamali pa ako. Nagawa niyang tumabi sa akin. Saka ko ulit siya tiningnan na parang nagtataka. "You seems you're in trouble." Aniya pa.

"Not really, sir." Tugon ko pa.

Tumango siya. "I'll go, then. See you around." He said until he left.

Napabuntong-hininga ako. Bigla kong naalala, noong binanggit sa akin ni Shayne na may bago daw kaming PE, hindi ako mapakali noon. Parang may mali. Pero nang nakilala ko ang naturang teacher na iyon, he seems like... Harmless. Baka naging judgemental lang ako. Or nagiging delusional na ako Hay, ewan.

Pabalik na ako ng classroom nang nakasalubong ko si William. He's wearing his sweet smile. Naglalakad siya palapit sa akin. "Hi, Beth." Masaya niyang salubong sa akin.

"Bakit, William? M-may kailangan ka ba?" Tanong ko, medyo nag-alinlangan pa kung ngingiti ba ako o hindi.

"Are you free after class? Aayain sana kitang kumain sa labas, hmm, kung okay lang din ba ihatid kita pauwi sa inyo?" Siya naman ang nagtanong, hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Hindi ako makasagot. Sa halip ay yumuko.

I heard him chuckled. "Masyado bang mabilis? Oh sige, ganito nalang... It's just a friendly date nlanag. Para kahit paano ay hindi ka mailang..."

Inilapat ko ang mga labi ko. Sa huli ay tumango ako bilang pagpayag.

"B-Bethany?"

Tumingin ako sa kaniya. "Basta friendly d-date lang, William. U-una na ako..." Saka nagmamadali na akong umalis sa harap niya.

Nang marating ko ang classroom ay napatingin sa akin ang tatlo kong kaibigan, naputol lang ang pag-uusap nila nang maramdaman nila ang aking presensya.

"Saan ka galing?" Bungad na tanong sa akin ni Jasmine.

Hilaw akong ngumiti. "Nagmuni-muni lang," Tipid kong sagot sa kanila. Dumiretso na ako sa arm desk ko at umupo na doon.

"Hindi ka man lang nag-aya." Nakangusong sabi ni Shayne.

Binatukan naman siya ni Carmz. "Nagmuni-muni nga, ibig sabihin gusto niya mapag-isa. Ay, talaga naman!" Sermon pa niya kay Shayne.

May humawak sa isang balikat ko. Tiningnan ko kung sino iyon. Si Jasmine. Seryoso ang mukha. "May bumabagabag ba sa iyo, Beth?" Pati sa tono ng pannalita niya ay seryoso pa rin.

Tipid akong ngumiti. "Gusto ko lang mag-unwind, iyon lang." Sagot ko.

Mataimtim niya akong tiningnan. Tila hindi siya kumbinsido sa aking sagot. Kumawala siya ng isang buntong-hininga. "Kung hindi mo na kaya, pwede mo namang sabihin sa amin." Saka ngumiti siya na iyon ang maging dahilan para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

Tahimik akong tumango.

**

Sumapit na ang uwian. Tulad ng pinag-usapan namin ni William ay nagkita kami. Alam kong hindi niya inaasahan na sumama sa amin sina Carmz, Shayne at Jasmine. Ang akala ko pa nga ay magagalit si William dahil sumama sa sila, hindi naman pala. Panatag din ako dahil may makakasama ko ang mga kaibigan ko. Hindi kasi ako mapakali kapag kaming dalawa lang ni William, medyo natatakot na din ako dahil sa nangyari sa akin.

Marahas akong umiling para mabura sa aking isipan ang masakit kong sinapit. Bumaling ako sa mga kasama ako na busy sa pakikipag-usap.

"Aba, magtataka na ako sa iyo kapag hindi ka pa naattract sa mga lalaki, Jaz!" Bulalas ni Shayne.

Wala si William dito, nasa counter siya dahil siya ang mag-oorder ng kakainin namin dito sa isang Food Park. Libre daw niya.

"Huwag mo ako itulad sa iyo, Shayne." Seryosong sabi sa kaniya ni Jasmine, nakahalukipkip at prenteng nakasandal sa upuan. "Sa ating apat lang naman, ikaw lang naman ang mahilig sa ganyang bagay."

Ngumuso si Shayne, bumaling siya kay Carmz. "Ikaw ba, beshy? May crush ka?"

"Wala," Mabilis niyang sagot. "Ikaw ba, Beth? Anong feeling mo kay Willian?"

Wari'y nagulat pa ako sa tanong niyang iyon. "Okay naman si William, pero..." Ngumiti ng kaunti. "Wala akong nararamdamang intimacy sa kaniya o kahit ano. Kaibigan, pwede pa."

Nanlaki ang mga mata ni Shayne sa isinagot ko. Agad niyang nilingunan ang direksyon kung nasaan si William. Sinundan ko iyon ang tingin niyang iyon, mukhang busy ito sa pag-oorder. Ibinalik sa akin ng kaibigan ko ang tingin niya. "Ang akala ko, narinig niya, tiyak masasaktan iyon kapag narinig niya iyang sagot mo."

Nagkibit-balikat ako. "Totoo naman ang sinasabi ko..."

"Pumayag lang naman si Beth na sumama kay William dahil friendly date lang naman ito." Dagdag pa ni Jasmine na abala ito ngayon sa kakakulikot sa kaniyang cellphone. Sinilip ko. Nagtitingin siya ng mga items tulad ng baril-na ginagamit sa airsoft. Talagang balak talaga niyang sumunod sa yapak ng tatay niya?

"May punto din naman si Jasmine. Kung pagpipilitan ni William na hindi friendly date ito, paniguradong tatanggi talaga itong si Beth."

Natahimik nalang ako. Bumaling ako sa labas. Naniningkit ang mga mata ko nang may naaninag akong bulto ng lalaki sa kabilang kalsada. Seryoso siyang nakatingin dito sa aming direksyon. Teka, siya iyong PE teacher na nakausap ko kanina, ah?

**

Pagkatapos namin kumain ay ako na mismo ang nag-aya na umuwi na. Palusot ko, mag-aaral pa ako.

Sabay kaming naglalakad ni William. Pareho kaming tahimik, binabalewala ko lang iyon. Tama naman siguro na pinagbigyan ko lang siya sa gusto niyang ito. Ayoko nang maulit pa. Hindi ko talaga maibibigay sa kaniya ang gusto niya kahit na sabihin nating malinis pa ang intensyon niya.

"Salamat sa paghatid, Liam..." Sabi ko nang nandito na kami sa tapat ng bahay.

Ngumiti siya at napakamot ng ulo. "A-ako dapat ang magpasalamat, Beth. Kasi... Pinagbigyan mo ako." Sabi niya pero nakatingin sa lupa.

Hilaw akong ngumiti. "Mauuna na ako sa loob... Mag-iingat ka nalang sa pag-uwi." Sabi ko. Hindi ko na hinintay pa na magsalita pa siya. Sinadya ko talaga na pumasok sa loob dahil gusto ko nang tapusin ang usapin na ito. Hindi rin naman ako interisado sa panliligaw niya, bukas na bukas din ay sasabihin ko sa kaniya ang totoo.

"Buti nakauwi ka na," Masayang salubong sa akin ni tita nang tagumpay akong nakapasok sa loob ng bahay. "Naghanda na ako ng makakain mo..."

"Kumain po kami sa labas, tita. Medyo busog pa po ako. Kakain nalang po ako kapag ginutom po ako ulit." Sabi ko.

"Ahh, oh sige. Nandito lang sa mesa ang pagkain." Wika naman niya.

"Thank you po." Saka umakyat na ako patungo sa kuwarto ko.

Pinihit ko ang pinto saka pumasok sa kuwarto. Ipinatong ko ang aking back pack sa gilid ng kama. Binuksan ko iyon saka inilabas ko ang iilang text books na pag-aaralan ko mamaya. May nalaglag pa sa sahig. Kumunot ang noo ko. Isang sulat? Wait, ito 'yung sulat na binigay sa akin ni William noong nakaraan, ah?

Kinuha ko iyon saka binuksan. Tumayo ako saka humarap sa bintana ng kuwarto ko. Mukhang confession ang nilalaman ng sulat ni William para sa akin.

Bethany,

Sana kapag nabasa mo ang sulat kong ito para sa iyo, huwag mong tawanan ha? Kasi, hirap na hirap ako kung papaano ba ako magsusulat ng love letter. First time ko kasi kaya pasensya na.

Freshman noong nakilala kita. Hindi lang kita kilala sa pangalan pero mukha mo ang nagiging palatandaan para malaman ko kung anong pangalan mo. Nagtatanong-tanong ako sa mga schoomate natin na kilala ka. Inabot pa ako ng mahigit isang buwan bago ko pa malalaman ang pangalan mo. Medyo matagal pero prang worth it din naman.

Sinubukan kong pumasok sa mga organization para madali nalang para sa akin na makalapit ako sa iyo. At heto na nga, nakikilala at nakakausap na kita. Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya ng mga araw na iyon, Beth.

Ang totoo niyan, gusto na kitang ligawan noon pa, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa iyo ang nararamdaman ko. Sana, mapagbigyan mo ako. Sana mabigyan mo ako ng chance. Pero kung tatanggihan mo man, handa pa rin ako maghintay hanggang sa matanggap mo ako na mapasok d'yan sa puso mo. Hihintayin ko ang magiging sagot mo kapag handa ka na.

Salamat.

William

Tiniklop ko ang sulat at napabuntong-hininga. Ipinatong ko sa study table ang sulat ni William. Nagcocompose na ako kung ano bang sasabihin ko sa kaniya sa oras na babastedin ko siya. Sana ay maging handa siya sa anumang isasagot ko sa pagtatangkang panliligaw niya.

Ilang segundo pang lumipas ay may pumukaw ng aking atensyon. Naniningkit ang mga mata ko nang makita ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaki sa hindi kalayuan. Nakatayo siya sa tabi ng poste.

Napaawang ang bibig ko nang makilala ko kung sino ang lalaking iyon. S-siya ang PE teacher kanina, ah? Papaano at bakit siya narito sa tapat ng bahay namin?

Biglang bumuhay ang kaba na aking nararamdaman nang nakatitig siya sa akin. Igting ang kaniyang panga at nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Sa mga tingin niyang iyon ay parang papatay siya ng wala sa oras!

Game OverWhere stories live. Discover now