Chapter 8

5.9K 48 0
                                    

Hindi na kami nagsayang ng oras ni tita. Sinadya naming huwag muna ako pumasok ng araw ding iyon. Pinatingin muna niya ako sa isang Psychologist.

May mga pinasagot sa aking iilang psychological test. Habang sinasagot ko iyon ay kinakausap naman ng psychometrician si tita para tanungin ng iilang bagay tutal naman daw ay siya ang kasa-kasama ko buhat nang namatay ang parents ko hanggang ngayon.

Pagkatapos ng iilang test ay ininterview ako, napapansin ko lang na hindi pasyente ang tawag sa akin, kungdi client. Tinatanong ako kung kailan daw nagsimula ito at papaano daw lumulula ang takot at kaba na nararamdaman ko. Sinabi ko din ang totoo, at walang halong kasinungalingan.

Ang ending, hindi pa naman daw severe ang anxiety ko. Hindi pa malala at maaari pang maagapan. Hindi rin daw nila masabi kung may delusional disorder iyon o ano dahil palagi kong nababanggit parang totoo ang nangayayari sa akin.

"May kakilala daw ang katrabaho ko na isang albularyo. Pwede tayong dumiretso doon..." Wika ni tita habang nasa bus kami.

"Sige po." Sang-ayon ko pa.

Humigpit ang pagkahawak niya sa akin. Dahil d'yan ay napatingin ako sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti. "Pagkatapos ng gamutan mo, pwede tayong pumunta sa probinsya namin para mailayo kita."

Sa sinabi na iyon ni tiya ay kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Ramdam ko na hindi ako mapapabayaan ni tita, lalo na sa ganitong sitwasyon at estado na ako. Tulad din ng gusto ko, gusto kong bumalik ang lahat sa normal. Gusto kong maalis ang demonyo na iyon sa katawan ko, o kahit sa panaginip ko. Ayokong maapektuhan ang pag-aaral ko lalo na ang daily lifestyle ko...

Nakarating kami sa isang maliit na kubo. Nasa parte kami ng Cavite. Bandang Indang daw ito at mukhang malayo sa sibilisasyon. Malawak ang lupain, maraming puno at halaman ang pumapalibot sa naturang kubo. Naabutan naming wala masyadong tao o kaya nagpapagamot.

"Sigurado po kayong dito iyon, tita?" Hindi ko mapigilang tanong ko sa tiyahin ko.

Bago man niya ako sagutin ay tiningnan niya ang maliit na papel na kaniyang hawak. "Heto kasi ang address na binigay sa akin ng katrabaho ko. Dito rin tayo tinuro ng mga lokal..." Tiniklop niya ang papel saka ibinalik niya iyon sa bulsa ng kaniyang pantalon. "Tara, pumasok na muna tayo."

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Humakbang kami papasok sa naturang puno. Si tita ang kumatok sa pinto ng kubo.

"Tao po?" Sadyang nilakasan ni tita para marinig siya sa loob. "Tao po?! Nariyan po ba si Mang Lando?"

Maya-maya din ay dahan-dahan nagbukas ang pinto. Napalunok ako dahil sa kaba. Hanggang sa tumambad sa amin ang isang matandang lalaki. Nakasuot ito ng tsaleko at lumang pantalon na nakatupi ang laylayan nito hanggang tuhod. Siya na ba ang tinutukoy ni tita na mang Lando?

"Anong kailangan nila?" Tanong niya sa amin.

Alanganing ngumiti si tita. "Ano po kasi, ako po si Tilda, ang iyon naman po ang aking pamangkin na si Beth. Galing pa apo kaming Maynila. Tinuro lang po sa amin ng katrabaho ko itong address niyo, magpapatingin po sana kami..." Paliwanag ni tita sa kaniya. "Kayo po ba si Mang Lando?"

"Ako nga," Seryosong sagot ng matandang albularyo pagkatapos ay bumaling siya sa akin. Naniningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan niya ako. "Siya ba ang pasyente?"

"O-opo, siya nga po..." Sagot ni tita.

"Oh siya, pumasok na muna kayo. Tapos ko na din gamutin ang iba." Aniya saka nilakihan niya ang awang pinto ng kubo.

Tumingin sa akin si tita at binigyan niya ako ng sensyales na lumapit. Sumunod naman ako. Hahakbang sana ako pero parang may pumipigil sa akin. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Anong...

Nilabanan ko ang kaba at takot na iyon. Mabilis akong lumapit sa kubo hanggang sa nakapasok na kami sa loob.

Iginala ko ang aking paningin sa loob. Puros mga imahe ng mga santo at ng Panginoong Hesus. May mga kandila din na nakapalibot doon. May mga bilao ng mga tuyong dahon sa gilid at meron naman na pinapatuyo pa. May mga ugat din ng puno at halaman, wala akong ideya kung para saan iyon gagamitin.

Medyo madilim dito. Pero dahil sa nakabukas ang mga bintana at mga kandila sa paligid, iyon ang nagsisilbing liwanag.

"Maupo muna kayo." Sabay lahad niya ang mababa at mahabang bangko sa gilid. Tahimik naman kaming umupo ni tita. Nasa bandang likuran namin ang bintana. Ramdam ko ang malainis at malamig na simoy ng hangin dito. "Anong problema, mga iha?"

Bago man kami sumagot ay nagkatinginan kami ni tita.

Ipinaliwanag namin ni tita ang nangyayari sa akin. Malinaw at walang mintis para magawan ng paraan ng matandang albularyo ang problema ko.

"Kung ganoon ay matinding operasyon ang gagawin ko sa iyo, iha." Seryosong sabi niya.

"Operasyon?" Kunot-noo ko pang ulit. Naguguluhan.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka naman masasaktan. Isang demonyo na gustong gumagalaw sa iyo." Dagdag pa niya. "Pero bago iyan ay kailangan muna kita pausukan at dasalan ang aparasyon." Tumayo siya at pinuntahan niya ang mga bilao kung saan may mga tuyong dahon. May kinuha din siyang mga bato sa mga garapon. Ang tanging alam ko lang sa mga iyon ay ensenso.

Kumuha din siya ng uling at sinindihan niya iyon. Tumutulong si tita sa ginagawa niya samantalang ako ay nanatiling nanonood lang sa kanila.

Hanggang sa nagkaroon na ng baga. Nilipat niya ang mga iyon sa isang paso at nilagay niya iyon sa aming gitna. Kumbaga, nakapalibot kami sa naturang paso na iyon.

"Ihanda mo na ang sarili mo, iha." Wika ng matanda sa akin.

Tumango ako. Pilit ko pa tinatatagan ang loob ko sa kabila ng kaba at takot na gumapang sa aking didbib.

Unang nilagay niya ang ensenso. Mas kumapal ang usok. Pinapanood ko lang ito. Napatingin sa akin ang albularyo pero ang akala ko ay sa akin talaga siya nakatingin, lumihis kasi ang tingin na iyon na parang may tinitingnan siya sa bandang likuran ko.

"N-nandito na siya... Galit na galit siya..." Kinakabahang sabi niya.

Ano daw? Sino ang nandito? Sino ang tinutukoy niya?

Ngunit may napapansin kaming kakaiba sa usok na iyon. Nagiging purong kulay itim na ito. Nanalalaki ang mga mata ko nang unti-unti itong naghuhugis tao! Mayroon ding itong mga mata. Nanlilisik at kulay pula ang mga iyon. Napunta ang usok sa mismong pwesto ng albularyo at tumalsik sa dingding, napasubsob siya sa altar hanggang sa nakahandusay na siya sa sahig.

Napatayo kami ng tiyahin ko dahil sa aming nasaksihan. Napahawak ako sa kaniyang damit. Mahigpit.

"U-umalis na kayo dito! Masyado siyang m-malakas! Hindi ko siya kakayanin!" Malakas na pagkasabi ng matanda.

Hindi lang iyon ang nasaksihan namin. Muling gumalaw ang itim na usok at pumalibot sa matanda. Dahan-dahan umangat ang albularyo na parang sinasakal siya na kung sino.

"U-malis na ka-yoooo..." Nahihirapang sabi niya.

Biglang may gumalaw na isang bagay na malapit lang sa amin. Isang itak! Unti-unti din iyon umangat at patungo iyon sa direksyon kung nasaan si tatang at ang usok.

Mas matindi pa ang nararamdaman kong takot at kaba nang kusang sinaksak ng naturang itak sa dibdib na dahilan para ikamatay niya iyon!

Napatili si tita dahil umagos sa sahig ang dugo mula sa katawan ng porbeng matanda habang ako naman ay nanigas sa aking kinakatayuan. Naramdaman ko nalang ang kaniyang kamay sa aking braso at nagmamadali kaming umalis sa kubo!

**

Hindi na namin kinaya ni tita ang nangyayari sa buhay namin. Agad kami dumiretso sa pinakamalapit na simbahan. Nakiusap kami sa isang clerk ng simbahan na makausap namin ang pari. Halo-halo ang kaba at takot ang nararamdaman namin.

Hindi rin nagtagal ay lumabas ang pari ng simbahan. Halos lumuhod na kami para tulungan kami. Naiyak na kami sa harap niya. Sinabi namin sa kaniya ang buong pangyayari. Mukhang naniwala siya sa amin kaya inutos niya sa dalawang sakristan na kunin ang holy water at bibliya.

"May awa ang Diyos, mga anak. Hinding hindi nila kayo pababayaan." Marahang sabi sa amin ng pari.

Hindi kami makasagot. Pareho kaming nasa state of shock ni tita. Wala kaming makapang sagot o salita para tugunan si Father.

Wala pang sampung minuto ay dumating na ang mga sakristan. Dala ang mga gamit na kailangan ng padre. Binuklat niya ang bibliya ay biglang humangin ng malakas dito sa loob ng simbahan. Isang malakas na hangin. Hanggang sa lumitaw paunti-unti ang itim na usok na nagpakita sa amin!

"Diyos ko!" Bulalas ni tita habang nakayakap siya sa akin.

"Kung sino ka man, nakikiusap kami sa iyo na huwag na huwag mo silang gagambalain pa..." Kalmadong sabi ng pari. Ni isang bakas ay wala siyang kinakatakutan.

Kumalat ang usok sa loob. Mals humigpit ang pagkayakap sa akin ni tita. Napatingin kami sa pari na parang nakikiramdam.

"Pater noster, qui es in caelis, sanctificetur nomen tuum, adveniat regnum tuum, fiat voluntas tua, sicut in coelo et in terra, panem nostrum qoutidianum da nobis hodie, et dimitte nobis debita nostra, sicut et nos dimittimus debitoribus nostris, et ne nos inducas in tentationem sed libera nos a malo, amen." Malakas na pagkabigkas ng pari. Pamilyar na lengguwahe iyon. L-latin ba iyon? Bakit parang pakiramdam ko, Ama Namin ang dinadasal niya?

"Pater noster, qui es in caelis, sanctificetur nomen tuum, adveniat regnum tuum, fiat voluntas tua, sicut in coelo et in terra, panem nostrum qoutidianum da nobis hodie, et dimitte nobis debita nostra, sicut et nos dimittimus debitoribus nostris, et ne nos inducas in tentationem sed libera nos a malo, amen." Palakas na palakas niya ibigkas iyon.

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!" Isang malakas na daing na narinig namin sa hindi namin malaman kung saan nanggaling iyon. Nakakakilabot na boses! Wait, parang nanghihina siya...

"Lisanin mo ang lugar na ito, ngayon din!" Mariing sabi ng pari. At muling sinabi niya ng malakas ang mga dasal kanina.

"AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

Unti-unti nang nawawala ang usok sa paligid. Para akong hinihingal dahil sa mga nakikita ko...

"Wala na siya, mga anak. Naitaboy ko na ang demonyo." Marahang sabi ng pari sa amin.

Napakapit kami sa kaniya. "Salamat po..." Hindi na namin mapigilang mapahagulhol ni tita.

"Ang usok na nakikita natin kanina, siya iyon." Nakangiting sabi niya. "Wala pa siyang katawan. Kaya kung anu-ano ang anyo niya para makalapit sa iyo, iha."

Napasapo ako sa aking bibig. Diyos ko, sana isang bangungot nalang itong nangyayari sa akin!

**

[ Third Person's POV ]

Napadpad ang itim na usok sa isang malayong lugar... Sa isang gubat. Malapit siya sa malakas na pagragasa ng ilog na mayroon ding malawak at mataas na talon. Tumigil siya sa isang malaking puno.

At doon ay unti-unti nag-iiba ang porma nito. Unti-unti nawawala ang usok at napapalitan iyon ng isang anyo— a buff male human! mula sa paa nito na mahaba, mabalbon at maganda ang calve muscles, maski ang mga kamay nito, nakakuyom ang mga kamao nito na mistulang lumiltaw ang mga ugat nito sa braso, may v-line... Nahahawi din ang usok kaya mapapansin ang walong abs pati ang malapad nitong mga dibdib... Ang huling nawawal na usok ay sa bandang mukha nito. Matangos ang ilong, seryoso at malalamig nitong mga mata, manipis ang mga labi, makakapal ang mga kilay, he has a great beard and is therefore, hot— hanggang balikat ang kulay ginto nitong buhok—he turned into a hot-like-model guy. Or maybe attractive like a celebrity aim to be...

Napaluhod siya dahil sa panghihina. Hinihingal. Natigilan siya saglit at dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang tingin sa kawalan na may bahid na poot at galit na sa kaniyang mga mata...

Game OverWhere stories live. Discover now