"Magbihis ka na."
Napabuntong-hininga ako saka isa-isa ko sinusuot ang mga damit sa aking katawan. Hindi namin nagawa ang tinutukoy na home run. Instead, he just touching, lick and kiss me. Kumbaga, make out lang. Malaking pasasalamat ko dahil hindi niya ako tinuluyan. Hindi namin nagawa ang mismong bagay na iyon. May parte na gustong gusto ko magprotesta pero hindi ko rin magawa. Ang akala ko, ang lalaki lang sa panaginip ko ang may kakayahang kontrolin ang katawan ko. Pero kay Ramael, isang sabi lang niya, napapasunod din niya ako sa hindi malaman na dahilan.
"Maybe this is the right time." He said. Prente siyang nakaupo sa couch habang inaayos niya ang kaniyang long sleeves polo shirt. Hinawi niya paitaas ang kaniyang buhok na hanggang balikat ang haba.
Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ibig sabihin, may kasunod pa?! "A-ano ba talagang kailangan mo sa akin, Sir..."
"I said don't ever call me in formal way, Bethany." Mariin niyang utas na kunot ang noo. Tumayo siya saka nilapitan niya ako. Halos magkadikit na naman ang mga katawan namin. "As what I have said last night. You're gonna be the mother of my future child."
Tila may nakabara na kung ano sa aking lalamunan kaya hindi ako agad makapagsalita o magprotesta.
Napabuntong-hininga ako nang nakabalik ako sa hotel room, ni hindi namin napag-usapan ang tungkol sa trabaho.
Laylay ang mga kabilang balikat ko pagkaupo ko sa malapad na couch. Isinandal ko ang aking likod. Kinagat ang aking labi at pumikit ng mariin.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nagkakaganito ako? Ang buong akala ko ay tapos na ang pagpaparamdam sa akin ng lalaking nasa panaginip ko. Pero bumalik pa siya at may nangyari pa sa amin kagabi.
"Beth, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jasmine, katawagan ko siya ngayon through skype.
Hilaw akong ngumiti. "Yeah, okay lang ako." Sagot ko naman.
Bumuntong-hininga ako. Pilit kong maging mag-focus sa trabaho. Trabaho ang ipinunta ko dito. Ayoko munang isipin ang nangyayari sa akin. Ayokong maapektuhan iyon sa daily routines ko. Tama.
Binalak ko nalang magkulong dito. Inabala ko nalang ang sarili ko. Nakatutok ako sa harap ng laptop. Nireview ko ang mga shots na hindi ko pa natapos. Dahil sa masyado akong nakafocus sa aking trabaho ay hindi ko namamalayan ang oras. Nagpasya akong pagdala ng pagkain dito mismo sa kuwarto. Ayokong lumabas, baka magkrus na naman ang mga landas namin ng Ramael Black na iyon.
"Seriously, what's goin' on with you, Beth? May problema ka ba? You can tell us." Tanong ni Carmz, kausap ko ngayon sa pamamagitan ng telepono. "Nakaloud speaker ito. Ikaw lang ang wala ngayon."
Napalunok ako at napabuntong-hininga. . "Wala naman akong problema... Stress lang siguro ako dahil sa trabaho." Palusot ko. Sana naman ay kumagat sila o maniwala.
"Are you sure?" Segunda pa ni Jasmine.
Tumango ako. "Oo naman. Siguradong sigurado ako." Sagot ko.
"If you say so..." Si Shayne. Sa boses palang niya, mukhang hindi siya kumbinsido.
"Promise, stress lang ito sa trabaho." Paggigiit ko pa.
"Siya nga pala, naghahanap sa iyo." Si Carmz naman ang nagsalita. "Ang guwapo at ang hot niya."
"He's so smexy!" Segunda naman ni Shayne saka tumawa.
Sino naman ang naghahanap sa akin? Base sa pagkakuwento nila, hindi nilala kilala iyon. Imposible din naman si William iyon. Tsk.
Speaking, wala na din akong balita sa isang iyon. Ang huling pag-uusap nalang kasi namin ay iyong graduation namin ng Grade 10, after noon, wala na. Lumipat na din naman kami ni tita noon. Kaya okay na din. Wala nang mangungulit pa sa akin.
"Nagpakilala ba siya kung sino siya?" Tanong ko sa kanila.
"Hmm, hindi, eh. No'ng sinabi namin sa kaniya na wala ka dito , basta nalang siya umalis. Medyo suplado pero keribles pa naman." Sagot ni Carmz. "Ikaw, ha! May manliligaw ka pala nang hindi namin alam!"
I rolled my eyes. "Kahit anong piga ninyo sa akin, wala kayong mahihita sa akin. Alam ninyong wala akong panahon sa ganyan. Wala sa priorities ko ang ganyan." Saka ngumiwi ako.
"Wala daw. Eh bakit no'ng nagtanong ang lalaki parang kilalang kilala ka niya, ha?" Sabat naman ni Shayne. "Ang daya mo, hindi ka nagseshare ng secrets mo."
I sighed. "Wala nga akong ideya kung sino yang tinutukoy ninyo, manliligaw pa more." Inis na sabi ko.
"Maiba nga ako, ano na pala ang nangyari trabaho mo d'yan? Nakausap mo na ba ang kliyente?" Tanong ni Jasmine.
Bigla ako natahimik. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanila? Alangan sabihin ko sa kanila na may ibang nangyayari sa amin? Instead photograhy ang ganap naging porno na! "A-ayos lang naman..." Ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Kailan ka daw magsisimula?" Si Carmz naman ang nagtanong.
Ngumiwi ulit ako. "Uhm, still on going pa... Wala pang confirmation..."
"Basta mag-iingat ka d'yan."
Pagkatapos namin mag-usap ay niligpit ko na ang mga gamit ko. Balak ko nang magcheck out. Dumiretso ako sa elevator habang suot ko ang back pack ko. Naghintay ako hanggang sa kusang nagbukas iyon. Napasinghap ako nang madatnan ko ang hindi inaasahang bulto ng isang lalaki sa aking harap. Nakatingin siya sa akin na blangko ang ekspresyon sa kaniyang mukha, kasabay pa na biglang kumalabog ang aking puso.
"Pumasok ka na." Malamig niyang utos sa akin.
Tila nanumbalik ang ulirat ko nang nagsalita siya. Mabilis akong humakbang papasok sa pinto. Siya na din ang pumindot ng buton na dahilan para magsara ang pinindot. Nakita ko pa na pinindot niya ang B1—Basement 1. Kung nasaan ang Parking Lot. Naroon din ang sasakyan ko.
I pressed my lips. Sinadya kong huwag masyadong dumikit sa kaniya dahil sa takot na aking nararamdaman.
"Hindi mo kailangang lumayo, Bethany." Malamig niyang sambit. Humakbang siya palapit sa akin. Napaatras ako kaya napasandal ako sa pader ng elevator na ito. "Dahil kahit anong layo mo, masusundan at masusundan pa rin kita." Aniya saka ngumisi nang nakakaloko.
Nanginginig ang kalamnan ako. Maski ang aking bibig ay bahagyang nanginig dahil sa takot na gumagapang sa akin.
"S-sino ka ba... B-bakit ginagawa mo sa akin ito?" Pilit kong lakasan ng loob ko nang itanong ko iyon.
Itinapat niya ang kaniyang mga labi sa aking tainga. "Because you are my desire, Bethany."
W-what...
Tumunog ang elevator. Hudyat na nasa tamang palapag na kami. Bigla niyang hinawakan ang aking kamay saka marahas niya akong kinaladkad hanggang sa marating anmin ang kaniyang sasakyan.
Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at bumaling sa akin. "Hop in." Matigas niyang utos sa akin.
"May sarili akong sasakyan. Babalik na ako—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang nagtama ang mga tingin namin. Matalim niya akong tiningnan. Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"You are not going anywhere. May pupuntahan tayo." Matigas niyang sambit.
Ipinagdikit ko ang mga labi ko. Kahit labag sa kalooban ko ay pumasok ako sa loob ng sasakyan.Sinara niya ang pinto. Pinanood ko lang siya kung papano siya naglakad sa harap hanggang sa marating niya ang driver's seat. Binuhay niya ang makina. Sinuot niya ang seat belts. Bumaling siya sa akin. "Wear your seat belts, Bethany."
Sinunod ko ang utos niya. Sinuot ko ang seatbelts.
Mabilis kaming nakaalis sa building.
"S-saan mo ako dadalhin, R-Ramael...?" Lakas-loob kong tanong sa kaniya. Nagtataka na natatakot. Iba kasi ang way ng pag-uwi na sinasabi niya. Iba ang daan ang tinatahak namin ngayon. Bakit kasi nagagawa akong sumunod sa kaniya?!
"Bring you home, Bethany."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "A-ano?"
Kahit na naka-side view siya, kitang kita ko pa rin na nakangisi siya. "You're going to work with me starting tomorrow. You're gonna be the mother of my future child. All I have to do is to stay close with you."
Why he keep telling me that I'm gonna be the mother of his future children? Iyon lang ba talaga ang kailangan niya sa akin?
"I don't understand!" Hindi ko mapigilang mapasigaw nang sabihin ko iyon. "Ibalik mo ang sasakyan sa Hotel, Ramael! This is kidnapping!"
He smirked while his eyes on the road. "Don't give a damn order around me, Bethany. I won't ever listen and I will do whatever I want."
Pumikit ako ng mariin saka yumuko.
Bigo ako.
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.