"Sigurado ka bang iyan ang ibibigay mo kay Raziel?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Ramael. Hawak na niya ang mga pinamili niyang cellphone. "Ang mahal ng mga cellphone na pinamili mo. iPhone at latest unit pa!"
Tumaas ang isang kilay niya na wari'y nagtataka pa. "Yeah, what's wrong with that?" Tanong niya.
"Wala lang." Tanging sagot ko.
Palabas na kami sa naturang shop kung saan namin binili ang cellphone niya at para kay Raziel. Tiyak matutuwa ang isang iyon dahil binilhan siya ng Ramael. Paniguradong first time niya makakatanggap ng ganoong bagay mula sa kaniya.
Naggagala lang kami dito sa loob ng Mall. Tahimik lang itong kasama ko. Diretso lang ang lakad niya. Parang wala lang sa kaniya kung anong nasa paligid niya. Ang ignorante niya lang tingnan. First time ba niyang pumunta sa mga ganitong lugar?
"Are you hungry? Thirsty?" He finally asked. "We need to eat or drink something."
Inilapat ko ang mga labi ko saka tumango. "M-medyo..." Nahihiyang sagot ko.
He suddenly snake his arms around my waist! "Wala akong alam sa mga ganito, I think you can recommend somewhere?" He said.
"Oh... Sige."
**
Sa isang Coffee Shop pumunta. Sabay kaming pumunta sa counter. Ako na daw ang mag-order habang siya nalang daw ang magbabayad. Eh di sinunod ko naman. Dalawang blueberry cheese cake, isang espresso at isang frappe ang inorder ko.
"Ano pong ilalagay ko na pangalan?" Tanong ng cashier.
"A-ano..." Hindi ko na itutuloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Ramael.
"Mr. And Mrs. Black is enough." He answered.
Napaawang ang bibig ko. What?! Ganyan talaga ipapangalan niya? But wait, bakit ganito ang pakiramdam ko? 'Yung puso ko, parang ano... Parang nagwawala? Kasama pa ang tyan ko, parang nag-aalburuto?!
Pinanood ko pa kung papaano niya dinukot ang wallet niya mula sa kaniyang cot and I find it... Hot. Nilabas niya ang kaniyang pera mula doon sa pitaka niya sabay abot sa cashier. Napansin ko pa na medyo tulala pa ang babae sa kaniya.
Napangiwi ako. I know, ate. Hot talaga itong kasama ko. Nakakatulala nga naman talaga pero ako kasi, immune na kaya okay lang.
Bigla na naman niyapos ni Ramael ang isang braso niya sa bewang ko. "Hanap na tayo ng upuan." He said.
Tila nanumbalik ako ang ulirat ko sa sinabi niya. "A-ah! Oo... Hehe." Iyan lang ang masabi ko. Sumusunod lang ang katawan ko kung saan kami patungo hanggang sa narating namin ang bakanteng upuan sa hindi kalayuan. May mga ibang costumers din naman dito. Ang cozy ng atmosphere ng Coffee Shop na ito. Isabay mo pa ang mga acoustic love songs na pinapatugtog sa buong lugar na ito.
"May tanong ako," Sabi ko.
Bumaling siya sa akin. "What is it?"
"First time mo lang ba lumabas?"
"When it comes in this kind of place, hmm, yeah." Pag-amin niya.
Tumalikwas ang isang kilay ko na tila makapaniwala. "Really? Ano 'yon? Buong taon kang nagkukulong sa Hotel and Resort mo?" Sunod kong tanong.
"Bahay at trabaho lang ang ginagawa ko simulang nag-anyong tao ako." Seryoso at malamig niyang sagot. "Wala naman akong gagawin sa labas."
"Eh papaano ka nakakabili ng mga gusto mo?"
"I have bulter, siya ang inuutusan ko. He probably knows everything about me. All of them."
Napasinghap ako. Hindi ko akalain na mukhang inaasa niya pala ang lahat sa matandang butler na nasa mansyon niya. "Wala ba siyang balak magretire sa trabaho niya? Wala ba siyang pamilya?"
He shrugged. "He doesn't have a family. Matandang binata na siya. Kaya wala siyang pamilya na babalikan. As far as I know about him, his family died at Japanese Occupation time, he's the only one in his family who survived." Paliwanag pa niya. "My foster dad, Master Oliver Black, an American, helped him."
Tumango-tango ako na parang naiitindihan ko ang kwento niya. Pero siya kaya? Papaano kaya siya natagpuan ng umampon sa kaniya?
"I can tell my story someday, baby." He said and give me his devilish grin.
Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Ang daya mo talaga. Hanggang dito ba naman, nababasa mo pa rin ang isip ko." Mariin kong bulong sa kaniya. Yeah, wala daw makaalam na hindi talaga tao itong kasama ko. Baka bigla nalang magsitakbuhan ang mga tao dito sa loob ng Coffee Shop, eh di lagot na?
"Well, I really want to know what's on your mind, Bethany." He said.
"May isa pa akong tanong. Curious na talaga ako. Huwag ka sanang magalit." Naku, ngayon lang yata ako naging ganito sa isang lalaki! My goodness!
"Hmm?" Hindi maalis ang tingin niya sa akin, inaabangan ang susunod kong sasabihin.
"Papaano kayo nagkakilala ni Raziel? Kasi, palagi niyang sinasabi na kaibigan ka daw niya pero ikaw naman, hindi mo siyang tinuturing na kaibigan..." Medyo may alanganin ko pang itanong iyon. Medyo natatakot ako na baka magalit naman siya.
"Nakilala ko siya eight years ago." Mas lalo sumeryoso ang mukha niya nang sinimulan niyang ikwento iyon. "He just sensed I am a demon, for real."
Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin doon?
"He's in the mission when I met him. Ikaw ang mission niya ng mga panahon na iyon, hanggang ngayon. At nakilala na kita ng mga oras na iyon."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nanatili ang mga tingin ko sa kaniya. Wala akong makapang salita para sagutin iyon. Maraming katanungan sa isipan ko pero hindi ko magawang ilabas iyon.
"For Mr. And Mrs. Black," Biglang may nagsalita upang makuha niya ang atensyon naming dalawa. Isang babae na paniguradong crew iyon ng Coffee Shop na ito. "Here's your order." Nakangiting sabi niya sa amin. Isa-isa niyang inilapag ang mga inorder namin sa mesa.
"T-thank you." Sabi ko sa crew bago man ito umalis. Bumaling ako kay Ramael. "Kain na tayo para makabalik na tayo sa Resort mo."
Tahimik siyang tumango at iginalaw na niya ang pagkain sa harap namin. Hindi ko mapigilang hindi sumulyap sa kaniya. Guwapo si Ramael. Hindi ko maipagkaila iyon pero parang may kulang pa. Parang may kailangang ayusin iyon hindi ko lang matukoy kung ano iyon...
"Ramael," Bigla kong tawag sa kaniya.
Tumigil siya at tumingin sa akin. "Hmm?"
Bumuka ang bibig ko. Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Biglang may nagpop out sa isipan ko. "I think..." I muttered.
"You think...?" Ulit pa niya, like he's anticipated.
"I think..." Saka ngumiti ako. "You should have a hair cut."
Isang segundo siyang natahimik ngunit nanatili ang tingin niya sa akin. "Haircut?" Ulit pa niya.
Inilapat ko ang mga labi ko. Medyo nakaramdam ng hiya saka tumango. My goodness! Sa dinami-dami ng pupwedeng sabihin ay iyon pa? Baka masyadong importante din sa kaniya ang buhok niya, bakit kailangan ko pang pakialam iyon? Tanga mo talaga kahit kailan, Bethany! You're so stupid!
Kita ko na sinilip ni Ramael ang kaniyang oras sa pulsuhan pagkatapos ay bumaling sa akin. "We still have time. Why not?" Aniya.
"H-ha?" Napaamang ako.
"After this, let's go in the barber shop nearby." Suhesyon niya.
"S-sigurado ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Tango lang ang tanging naisagot niya sa akin.
**
Tulad ng napag-usapan namin, pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa barber shop. Sinalubong kami ng isa sa mga staff doon. Ang nakakaloka pa doon ay ako ang pinapili ni Ramael kung anong klaseng hair style na igugupit sa kaniya. Wala naman akong choice, ako na ang pumili. Fade ang napili kong hair style para sa kaniya. After nun ay sinimulan na siyang gupitan habang ako naman ay nakaupo lang sa may waiting area, nagbabasa ng magazine sa gilid. Nasa tabi ko din ang mga pinamili niya.
Sa tuwing napapatingin ako sa kaniya ay nahuhuli niya ako sa pamamagitan ng repleksyon ng salamin. Parang tatalon ang puso ko sa tuwing ganoon ang nangyayari kaya agad ko binabawi ang tingin at kungwari nagbabasa ako ng hawak kong magazine. But I can't help it! Napapatingin talaga ako sa kaniya. What the fuck, Beth?!
Ilang saglit pa ay tapos na siyang gupitan. Inayos din ng stylist ang kaniyang buhok. Nakabrush na ito. Nang humarap na sa akin si Ramael ay hindi ko mapigilang mapatulala.
Ibang-iba na Ramael Corson black na ang nasa harap ko. Napalunok ako. Mas tumingkad ang kaguwapuhan at mas lalo siya naging hot sa paningin ko. Hindi mo aakalain na isa siyang literal na demonyo, he's like a... Bachelor in town!
"What do you think?" Seryosong tanong niya sa akin.
"H-hot..." I muttered.
Unti-unti sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi, kahit na mahina ang pagkasabi ko ay alam kong rinig pa rin niya iyon. "Glad to hear that, baby." He said. Hinawakan niya ang isang kamay ko upang mapatayo ako. "Magbabayad na tayo, then let's go back in Hacienda Virginia."
Tumango ako. Kinuha niya ang mga paperbag na nakapatong sa mahabang upuan saka pinuntaha na namin ang cashier para magbayad na.
**
Narito na kami sa lobby ng Hotel nag makita namin si Raziel na nakaupo sa malapad na couch dito sa Lobby. Agad siyang tumayo para salubungin kami.
"What are you doing here?" Bigla na naman nairita ang isang ito. Wala pa nag ginagawa si Raziel, oh.
"Sorry, dude. But I have something to tell you." Nakangiwing sabi ni Raziel.
Nagkatinginan kami ni Ramael na may pagtataka sa aming mga mukha. Ibinalik din namin ang tingin namin kay Raziel. "What are you talking about?" Muling tanong ni Ramael.
"Pero bago 'yan, ang guwapo mo ngayon, ah. Uso pala ang gupit sa iyo?" Nakangising saad ni Raziel dabay tapik sa balikat ni Ramael.
Marahas hinawi ni Ramael ang kamay ni Raziel. "Damn you. Ano ba ang ipinunta mo dito?" Mas lalo siya nagagalit. Hays.
Bumuntong-hininga si Raziel. Magsasalita na sana siya nang...
"Ramael!"
Sabay kaming napatingin sa tumawag. Isang babae na palapit sa direksyon namin. Kasing tangkad ko lang. Balingkinitan ang katawan, maputi at maganda... Mukhang sopistikada sa suot niya. Who is she?
"Lucille?" Mahinang tawag ni Ramael sa babae. Bakas doon na hindi siya makapaniwala nang makita niya ang babae. "What are you doing here?"
Bago man siya sagutin ng babae ay niyakap siya nito. "Grabe, iyan ba talaga ang batian ngayon, kuya?" Nakangising tanong ng babae.
What—wait, kuya ang tawag sa kaniya nito?!
"She's Lucille. My younger sister." Seryosong sabi ni Ramael saka bumaling sa akin. "She's a succubus. She's a demon who's having a sexual intercourse with a man, Bethany."
Halos malaglag ang panga ko sa aking narinig. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko...
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.