It's been three weeks. Naging maayos naman ang pagsasama namin ni Ramael bilang mag-asawa. Malaking adjustment pero hinid ibig sabihin n'on ay susuko na ako. Na susukuan ko na siya. Being harsh and bad is his nature. Noon palang ay tinanggap ko na kung ano talaga siya. Sa tuwing may hindi kami napagkakasunduan, ay hindi pwedeng matutulog kami na pareho ang masama ang loob. Sa katunayan pa nga ay siya pa ang sumusuyo na magkabati kami, hindi ko rin naman siya matiis kaya ganoon.
Pinatigil na din niya ako sa trabaho. Wala na rin naman ako magagawa. Sinabi ko sa mga kaibigan ko tungkol sa bagay na iyon. Naiitindihan naman daw nila. Maghahanap nalang daw sila ng ibang photographer. Nasabi ko rin sa kanila na kapag may critical situation at walang photographer, pwede nila akong tawagan. Palagi akong naghahanap ng gagawin dito sa mansyon niya. Natulong ako sa Raziel sa mga ginagawa niya. Noong una ay ayaw niya dahil baka mapagalitan daw siya ni Ramael but I insist. Sa huli ay wala na rin siya magagawa.
Pinahid ko ng bimpo ang aking noo dahil sa namumuong pawis. Napabuntong-hininga ako at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa sa pag-aayos ng mga halaman dito sa garden ng mansyon. Nagiging maayos na ito. Mabuti nalang pala ay dumating si Raziel at siya ang nag-ayos nito. Buti nalang din ay pinayagan siya ni Ramael na maggardening ang isang iyon.
"Beth, inom ka muna tubig, oh." Masiglang alok sa akin ni Raziel.
Tumigil ako sa aking ginagawa. Bumaling ako sa kaniya. Napangiti ako. Tumayo at tinanggap ko ang baso ng tubig. Ininom ko iyon saka ay ibinalik ko din sa kaniya ang baso na wala nang laman. "Salamat, Raziel."
"You're welcome. Teka, bakit hindi ka kaya muna magpahinga? Baka patayin ako ni Ramael kapag nalaman niyang napagod ka nang husto dito." Nag-aalalang tanong niya.
"Mas mabobored kasi ako kapag walang ginagawa. Saka, wala namang mali dito, eh." Pagrarason ko pa.
"Sigurado ka ba?"
Tumango ako.
Nakapameywang siya. "Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala. Napaibig mo ang isang tulad ni Ramael." Nakangiti niyang sambit.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. "Hm, bakit?"
Bumaling siya sa akin. "Ang akala ko din ay anak lang ang habol sa iyo ng isang iyon. Pero mukhang mas higit pa doon sa inaasahan ko." Dagdag pa niya.
Iyon din ang akala ko noong una. Akala ko ay iyon din ang kailangan niya sa akin. Pero nang napagtanto ko, mukhang may halong pagmamahal na din ang nananaig sa aming dalawa. Nasabi din niya sa akin na gusto niya daw magkaanak sa akin ay dahil gusto niyang makita ang bunga ng pagmamahal niya sa akin.
"Hindi ka ba natatakot sa maaaring mangyari, Beth?" Biglang sumeryoso ang tono ng boses niya nang tanungin niya ako ng bagay na iyon.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mag-asawa na kayo ni Ramael. Kahit balik-baliktarin niyo pa ang sitwasyon ay magkakaroon pa rin kayo ng anak na cambion. Hindi normal na tao..." Malungkot niyang pahayag.
Napatingin ako sa langit. "Matatakot pa rin naman pero alam kong hindi kami pababayaan ni Ramael."
Napapansin ko ang pagtahimik ni Raziel. Nababasa ako sa kaniyang mga mata ang kalungkutan. Wala akong ideya kung bakit.
Napasapo ako sa aking bibig at naduduwal.
"Beth? Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Raziel sa akin.
Isang pilit na ngiti ang iginawad ko pero mabilis akong lumayo sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong masuka sa isang sulok. Parang halos lahat ng kinain ko kaninang umaga at nailabas ko.
"T-teka, kailangan kong tawagin si Lucille!" Natataranta niyang sabi. Ibinaba niya ang hawak niyang gardening tools at umaribas siya ng takbo papasok sa mansyon.
Napangiwi na ako. Bakit bigla ako nakaramdam ng panghihina? Hindi naman ako ganito kahapon, ah? Bakit ako nasusuka? Ughhh...
Wala pang sampung minuto ay bumalik si Raziel, kasama na niya ngayon si Lucille na tulad ni Raziel ay may bakas na pag-aalala sa mukha nito.
"Anong nangyari?."
"I threw up..." Nanghihinang sagot ko. Sapo-sapo ko ang aking tyan.
Naniningkit ang mga mata ni Lucille. Tumingin siya kay Raziel. "Dalhin mo siya sa kuwarto. Tatawagan ko si Ramael tungkol doon."
Tumango si Raziel at maingat niya akong binuhat. Nagpahabol ako ng tingin kay Lucille. Nilabas nito ang kaniyang cellphone, dinadayal niya malamang si Ramael, idinikit niya ang telepono sa tainga nito.
**
Marahas binuksan ni Ramael ang pinto ng silid na ito. Kita ko na hapong-hapo siya pagkatapak niya dito. Agad niya akong dinaluhan.
"What happened?" Nag-aalalang tanong niya. Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan niya iyon. "Are you alright? Should I call a doctor?"
"Huwag, kuya." Mariing sabi ni Lucille.
Taka kaming tumingin sa kaniya. "What do you mean, Lucille?" Kunot-noong tanong ni Ramael sa kaniya.
Sumeryoso ang mukha nito. "I suppose, Beth is pregnant." She assured. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan niya ang isang kamay ko. May ipinakita siya. Parang peklat... "This mark... This is the sign that the cambion is in her womb at this moment."
Napaawang ang bibig ko sa aking narinig. Dumapo ang tingin sa peklat. G-ganito pala ang senyales kapag ipagbubuntis ang isang cambion? Hindi ko magawang magsalita. I'm speechless. Parang pinipiga ang puso ko sa aking nalaman. Ramdam ko ang kagalakan sa aking puso.
Bumaling sa akin si Ramael. Pareho kami napangiti. "You're pregnant, baby." Masuyo niyang sabi. Hinalikan niya ang aking noo. Idinapo niya ang maiinit niyang palad sa aking tyan. "Magkakabunga na ang pagmamahal ko sa iyo."
Tumango ako ngunit hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. "You're finally a father, Ram..." I murmured.
"And finally you're gonna be a mother of my child, Bethany."
**
[ Raziel's POV ]
Masaya ako para sa kanilang dalawa. Dahil magkakaroon na sila ng anak, Magkakabunga na ang pagmamahalan nilang dalawa. Noon pa man ay hindi ako makapaniwala na mahuhulog ang isang tulad ni Ramael kay Bethany. Hindi ko lubos maisip na mapapatunayan nila ang pagmamahal na imposible sa tingin ng iba.
Ngunit, may kapalit ang lahat ng saya. Hindi ko masabi kay Bethany ang totoo sa oras na dadalhin niya sa kaniyang sinapupunan ang batang cambion. Ayokong masaktan siya. Wala ring ideya si Ramael tungkol doon. Ang tanging alam niya lang ay tungkol sa cambion pero ang kapalit ng lahat ng mga iyon, wala. Hindi ko alam kung papaano ako makakakuha ng tyempo para sabihin ang dapat...
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lucille. I can read through her eyes the sorrow. Yes, I know. I know what are you thinking. Panigurado alam din niya kung saan ito hahantong ang lahat ng ito.
**
I knocked three times at the Library's door. Pinihit ko ang pinto at tumambad sa akin si Ramael na nakatayo habang nakadungaw sa full-sized windows. Tanging liwanag mula sa mga bintana ang nagiging ilaw ng buong silid na ito.
"Pinatawag mo daw ako?" Panimula ko nang nasa likuran ko na siya.
Nakapamulsa siya saka humarap sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha. "The child's coming." He said with his baritone voice.
Sumeryoso din ang aking mukha. Alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin.
"Flavius might take Bethany and my child eagerly, soon." Dagdag pa niya. Nilapitan niya ang desk at sumandal doon. Humalukipkip siya. "I violated some rules in Nine Hell and I deserved to be punished."
Kumunot ang aking noo. "A-anong ibig mong sabihin?"
"Bethany is my host. Human. And I am an incubus. A demon. The only thing I need from her is to have a child. No emotional attachment. And I violated that rule." Tumingin siya ng diretso sa akin. "Falling in love with my host is prohibited."
Hindi na maganda ang pakiramdam ko dito. "A-anong pinaplano mo?"
"Baka pupunta dito si Flavius dahil sa dalawang bagay." Tumigil siya saglit. "Para dakpin ako at isasama niya si Bethany sa maternal plane para doon manganak sa gayon ay makuha niya ang anak ko."
Parang tumigil ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Parang nabubuhol ang utak ko sa pangyayari! Shit.
"I know your mission as well, Raziel." Muli niyang sabi. Napaawang ang bibig ko. "Misyon mo ay bantayan si Bethany, hindi ba? Dahil humingi ng pabor sa iyo ang tatay niya bago man ito namatay sa aksidente.
Napalunok ako. Papaano niya nalaman? Damn. Totoo ang sinabi niya. Nakilala ko noon ang tatay ni Bethany. Guro siya noon sa Stoneford. Napapansin ko kasi na unti-unti itong naghihina sa hindi malaman na dahilan. Nakarating ako sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente.
"B-bantayan mo ang a-nak ko, R-Raziel...P-pakiusap..." Naghihingalong sambit ng tatay ni Beth bago man ito pumanaw at isugod sa Ospital.
Kaya hangga't maaari ay kailangan kong bantayan si Beth. Ginawa ko ang lahat para mahanap siya ngunit naunahan lang ako ni Ramael....
"May sapat kang kapangyarihan para maprotektahan mo si Bethany, Raziel. Kahit na kalaban ang tingin ko sa iyon noon pa, malaki ang tiwala ko sa iyo. Kahit ngayon lang." He smirked. "Because you are a Nephilim."
Napayuko ako. Sumilay ang isang gilid ng aking labi nang ipinaalala niya sa akin ang totoo kong pagkatao. Yes, I am a nephilim, a race of being who are half-human and half-angel. We are initially appear to be perfectly normal human, or we can be combining angelic energies with human soul.
"Ito ang unang pagkakataon na hihingi ako ng pabor sa iyo, Raziel." Sabi niya at humakbang palapit sa akin. Pinatong ng isang palad niyasa balikat ko. Napatingin ako sa kaniya. He smirked ngunit nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Ikaw lang ang maaasahan ko. Hindi pwedeng si Lucille dahil paniguradong pipigain lang siya ni Flavius at gagamitin niya ang kaniyang kapangyarihan, wala siyang pakialam kung kapatid pa niya iyon o hindi."
"R-Ramael..."
"Protektahan mo ang mag-ina ko, Raziel. Kahit anuman ang mangyari."
Kinuyom ko ang aking palad. Seryoso akong tumango. "I will."
He offer me a small smile. Parang nakahinga siya ng maluwag nang pumapayag ako sa pabor na hinihingi niya.
Hindi lang si Bethany ang kailangan kong iligtas. Pati na din ang anak nila.
YOU ARE READING
Game Over
Novela Juvenil"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.