Pinasuot ako ni Raziel ng itim na balabal para hindi ako agad makilala na isa akong tao o nakatakas mula sa Maternal Plane. Gayudin ang mga kasama ko. Ayon kay Lucille, ang lahat ay magsusuot ng ganito sa tuwing may bibitayin lalo na ang tulad ni Ramael.
Tumambad sa amin ang mga kumpulan ng mga demonyo na halos hindi mahulugan ng karayom habang nasa gitna ang tower hill. Ibig sabihin, this is a public execution?!
Walang tigil ang pagkabog ng aking dibdib. Tumingin ako kay Raziel. "P-pwede bang makalapit tayo ng kaunti?" I plead. My voice were shaking.
Nagkatinginan silang dalawa ni Lucille. May halong awa at lungkot sa kanilang mga mata pero sa huli ay pumayag din sila. Humakbang kami at nakipagsiksikan pa para marating namin ang medyo harap. Mabuti natutulog ang baby na hawak ni Lucille. Ang totoo niyan ay tinago niya ang bata sa loob ng mahaba niyang balabal.
Ilang saglit pa ang lumipas. The horn sound were started. It announces of Ramael's death...
Inaabangan ko ang paglabas ni Ramael. Napasapo ako sa aking dibdib habang ang isang kamay ko ay humigpit sa pagkahawak sa damit ni Raziel. Ramdam ko na napatingin siya sa akin sa aking ginawa. Hindi ko rin siya magawang tingnan pabalik dahil natuon ang tingin ko sa malaking pinto kung saan lalabas si Ramael at hindi nga ako nabigo. Dahan-dahan nagbukas iyon. May iilang lumabas doon. Mga sampu sila. Including Flavius. Tulad namin ay nakasuot ng balabal na may marka na apoy na kanilang hood... They looks like a cult...
"Lucifer, the Demons Chief of Staff, the Princes of Hell and the Knights of Hell." Rinig kong sabi ni Lucille sa gilid ko.
Umakyat sila sa isa pang tore upang panoorin ang pagbitay.
Muli tumunog ang malaking tambuli. Lumabas doon ang sampung demon guards pati si Ramael habang nakagapos ng kadena. Pinapalibutan siya ng mga ito.
Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang estado niya ngayon. Parang dinudurog ang puso ko. Parang gusto kong tumakbo palapit sa kaniya upang yakapin ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka mahalata kami lalo ni Flavius. Hahanap kami ng tyempo para maitakas namin si Ramael.
Nagpaiwan ang walong guard sa ibaba habang ineescort siya ng dalawa palng guard. Sa tuktok ng tower hill, may isang lalaki na may hawak na malaking espada! Wait, is he an executor?!
"He's also a Hell torturer, Beth." Bulong sa akin ni Lucilee.
Lihim ko kinagat ang aking labi.
"Ramael, one of the Prince of Hell, with a penalty of death, so decreed and ordered by the Ordinary Court, you will be punished in betrayal. In the name of the King of Hell, Lucifer, anyone who raises his voice in favor of the criminal will be executed!" Demons of Chief of Staff said loudly.
Muli tumunog ang tambuli.
Pwersahan nilang pinaluhod si Ramael harap ng madla. Inangat ng Hell torturer ang hawak niyang espada. Humakbang siya palapit kay Ramael. Naiiyak na ako. Hindi ko na kaya na ikimkim ito. Kinuyom ko ang palad ko.
May mga lumapit na dalawang guard kay Ramael. They spread Ramael's wings. Walang sabi na mabilis pinutol ang isang pakpak niya!
"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!" Sigaw ni Ramael.
Napasinghap ako sa aking nasaksihan. Parang sinaksak ang punyal ang puso ko.
Sunod naman ang huling pakpak niya.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" May halong iyak ni Ramael sa boses niya.
Tumulo ang isang luha ko. Hindi ko na kayang makita ang paghihigat ni Ramael. 'Tama na...'
"RAMAAEEEEEELLLLL!" Hindi ko mapigilang isigaw iyon.
Natigilan ang lahat dahil sa sigaw ko. Agad akong kumilos. Tumakbo ako palapit sa kanila. Alam kong sumunod sa akin si Raziel.
They demon guard were starting to move to stop me. Itututok sana nila sa akin ang sibat na hawak nila pero inunahan na sila ni Raziel. Hinati niya ang mga iyon sa pamamagitan ng kaniyang puting espada. They turn into ashes.
Haharangan pa sana ako ng isa pang pares ng guards ngunit bilang sumulpot si Lucille sa harap ko. Itinutok niya ang kaniyang palad sa mga iyon hanggang sa ang dalawang demon guard ang nagpatayan sa harap ko.
"What's the meaning of this?!" Galit na galit na sigaw ng Chief of Staff. Hinawi niya ang kaniyang hood. Isa siyang babae... At puti ang kaniyang mga mata. "Lucille!"
Hindi sinagot ni Lucille ang babae sa halip ay ang sunod niyang kinalaban ay ang Hell torturer.
"Flavius!" Maawtoridad na tawag sa kaniya ng babae.
Bago man kumilos si Flavius ay mabilis narating ni Raziel kung saan nakapwesto si Ramael. Hinati niya ang kadena na nakapulupot sa katawan ng pinakamamahal ko. He's sub-conscious!
"Hold me!" Sigaw ni Lucille.
Sinunod namin siya. Pareho kaming humawak ni Raziel sa kaniya. Susugurin kami ng mga kawal ng impyerno. Bago nila kami tuluyang mahuli ay nagamit ulit ni Lucille ang kapangyarihan niya. She snapped and we turn into a dust again.
Napadpad kami kung nasaan ang portal. Agad kong nilapitan si Ramael. Lumingon sa amin si Lucille. "Umalis na kayo dito. Ako na ang bahalang humarap sa kanila. Dalian ninyo!" She command. Sabay ibinigay niya sa akin ang anak ni Trish na mahimbing pa ring natutulog.
"P-papaano ka?" Natatarantang tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya. "Huwag ninyo na akong itindihin pa. Ang importante ay umalis na kayo dito." Saka bumaling siya kay Raziel. Mas lumapad ang ngiti niya. Nilapitan niya iyon at sinunggaban niya ng halik si Raziel sa mga labi nito. W-what... "Thank you, Raziel..." Huling sinabi niya saka tinalikuran niya kami at naglakad na siya palayo sa amin.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit mas lalo kinakabahan? Bakit parang may hindi magandang mangyayari?
"Beth, Let's go." Wika ni Raziel.
Agad akong kumilos. Inakay namin si Ramael at pumasok kami sa naturang portal.
Pagkalabas namin mula sa portal ay ipinagpatuloy ang pagtakas namin. Nasa mundo na kami ng mga mortal. Sementeryo na pala ang bungad sa amin. Wait, sa pagkakatanda ko ay hindi ito ang lugar kung saan ako dinala ni Flavius bago kami pumasok sa portal na iyon. Papaanong nangyari iyon?
Papasok kami ng gubat na karugotong lang ng sementeryo. 'Please, hold on, Ram... Hold on...' Sa isip ko.
Natigilan kami nang biglang may sumulpot na apoy sa dinadaanan namin. Kasabay noon na may narinig kaming tawa. Pamilyar na tawa... Hind, kilala ko kung sino iyon! Agad ko tinago ang bata sa loob ng aking balabal.
Sabay kaming lumingon ni Raziel. Si Flavius! Hindi siya nag-iisa. May mga kasama siya... Mga kawal!
"Ang akala ninyo makakatakas kayo?" Nakangising tanong niya sa amin.
Ang akala ko...
Walang sabi na may hinagis ang isa sa mga kawal niya sa harap namin. Napaawang ang bibig ko nang makita ko kung sino iyon!
"L-Lucille..." Nanghihinang tawag ko.
Bigo ako makakuha ng sagot mula. Nakahandusay lamang ito sa lupa habang nakadapa. W-wala na siyang buhay?!
Sumeryoso ang kaniyang mukha. "Sumama ka nalang pabalik sa Maternal Plane, Bethany at ibigay mo nalang sa amin si Ramael para matuloy na ang pagpaparusa sa kaniya."
Bago man ako nakasagot ay biglang humarang si Raziel sa amin. "Dumaan muna kayo sa akin bago mo sila makuha, Flavius." Seryosong sabi niya, kasabay na humigpit ang pagkahawak niya sa espada.
Napabuntong-hininga si Flavius. Binalingan niya ang mga kawal na kasama niya. Iginalaw niya ang kaniyang ulo para sabihin na sugurin si Raziel.
Gumalaw ang mga tauhan nito. Sabay-sabay nilang sinugod si Raziel! Niyakap ko si Ramael sa gayon ay maprotektahan ko siya.. Kinuha ko ang oportunindad na iyon para itago ang bata sa likod ng puno na malapit lang sa amin para hindi makita iyon ni Flavius. Pagkatapos ay binalikan ko si Ramael.
"Ramael..." Mahinang tawag ko sa kaniya.
"B-Bethany..."
"Ram..." Kumalas ako ng yakap sa kaniya. Ikinulong ko ang mukha niya. "Huwag na huwag kang bibitaw, ha? Kaunti nalang makakauwi na tayo..."
Ngiti lang ang naging tugon niya sa akin kahit na namumungay na ang mga mata niya dahil sa panghihina. Napatingin siya sa direksyon kung nasaan sina Raziel. Pilit niyang inaangat ang isang kamay niya saka tinutok niya sa direksyon na iyon. Naglabas siya ng apoy mula sa palad niya at walang sabi na tumilapon ang mga kawal maliban kay Raziel. Is that... Pryokinesis?
Natigilan si Raziel sabay tingin kay Ram. Bakas doon na hindi makapaniwala.
May sumugod na apat pa kay Raziel. Nanlaki naman ang mga mata ko na kuhang umangat ang katawan ko at walang sabi na hinags ako palayo kay Ramael! Napadapa ako. Inangat ko ang tingin ko. Nakita kong tahimik na lumalapt si Flavius kay Ramael.
"R-Ramael..." Nanghihinang tawag ko sa kaniya.Gustuhin ko man gumalaw pero hindi ko magawa. Parang... Parang nakokontrol na naman ako sa ilalim ng kapangyarihan ni Flavius!
"Tang ina... Tang ina talaga!" Bulalas niya sa harap ni Ramael saka tumawa nang malakas. Tumingin siya ulit kay Ramael saka sumeryoso ang kaniyang mukha. Galit na galit. "Ito na siguro ang pagwawakas ng buhay mo, Ramael."
Hinawakan ni Flavius si Ramael sa leeg. Inangat niya iyon. "Ayaw mo bang magpaalam sa mag-ina mo? Bibigyan kita ng oras..."
"Flavius!" Malakas na tawag sa kaniya ni Raziel.
Susugurin niya sana ito nang biglang sumulpot ang malalaking apoy sa paligid nina Flavius at Ramael. Ginawa niyang harang ang apoy na iyon para hindi kami makalapit...
'No... No...'
Ngumisi si Flavius. Inangat niya ang isang kamay niya at sumulpot ang isang malaking espada , nag-aalab ang blade?! Binitawan niya si Ramael. Napaluhod ito sa harap niya. Inangat niya ang espada at walang sabi na sinaksak niya si Ramael sa dibdib. Napasinghap si Ramael kasabay ang pagbulwak ng dugo mula sa kaniyang bibig at sugat.
Parang sinaksak din ako sa nasaksihan ko. Binuka ko ang aking bibig. "RAMAEEEEELLLLL!" Sigaw ko kasabay marahas tumulo ang mga luha ko.
Marahas hinugot ni Flavius ang espada. Hindi mawala ang mala-demonyo niyang ngisi. Tinalikuran niya si Ramael at sa akin naman siyang bumaling sa akin. "Makukuha ko din ang anak mo..." Binawi niya ang tingin niya sa akin at kusang gumalaw ang malalaking apoy. They making a way for him until Flavius enters in the portal until he was gone..
Sinikap kong kumilos para daluhan si Ramael. Ganoon din si Raziel.
Agad kong niyakap si Ramael. Walang tigil ang luha ko. "Ramael... Ramael..." Garagal kong tawag sa kaniya. "H-huwag kang mamamatay... H-huwag..." Natataranta kong sabi.
Nagtama ang mga tingin namin. Pilit niyang ngumiti kahit na hirap na hirap na siya. Patuloy ang pag-agos ng dugo sa mula sa kaniyang bibig. Saglit tumigil ang iyak ko nang maramdam ko ang palad niya sa aking pisngi. "I... Need... To go... Baby..." Nanghihina niyang sabi.
Marahas akong umiling at muli umiyak. "Hindi! Ayoko! Hindi ka aalis! Hinding hindi, Ramael!" Malakas kong sabi. "Ang sabi mo... Gusto mo makita ang magiging baby natin! Ang sabi mo... Gusto mo makita ang bunga ng pagmamahalan natin... Ang sabi mo..." Hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko na bigla siya nagsalita.
"Do you still... remember what I have told you? I will love you... until the last rose fades and... years will pass and you will grow old...but my love for you will never... ever change..."
"Ramael..." Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Please... Huwag... Hindi ko kaya... Hindi ko kaya..."
Ramdam ko ang palad niya a likod ko. "Meeting you was... Enchanted, baby... That was the best... And my favorite... Part of my... Life."
Sinubsob ko ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat niya habang patuloy ang hagulhol ko. Mas naninikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Parang ilang beses sinaksak ng punyal ang puso ko.
"I promise... In my next life... If you get lost in a great, big ocean... I will look for you... I will find you... No matter what... Bethany... I love you, baby... Always." Ramdam ko nalang na bumitaw siya mula sa pagkahawak niya sa likod ko.
Kumalas ako para masilayan ang mukha niya. Nanginginig ang pang-ibabang labi ko. "M-maghihintay ako, Ramael. Mahal na mahal din kita... Mahal na mahal... Hihintayin kita..." Sabi ko. Dumapo ang tingin ko sa kamay niya. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti na iyon nagiging abo... Kahit ang paa niya at ilang bahagi ng kaniyang katawan ay nagiging abo din.
"Ram... Ram..." Natatarantang tawag ko sa kaniya.
Hanggang sa tuluyan na siyang naging abo... May nakakuha ng aking atensyon... Isang bagay na tanda ng pangako namin. Nanginginig akong pinulot iyon sa lupa.
Ang wedding ring namin...
Napayakap ako sa aking sarili. Pumikit ako ng mariin. Mas lumakas ang iyak ko. Wala akong pakialam. Ang sakit sa dibdib... Parang namatay din ako...
Biglang kumulog at bumuhos ang ulan. Nararamdaman din ba ng langit ang nararamdaman ko? Nalulungkot din ba sila para sa amin? Nasasaktan din ba sila para sa akin?
"Bethany..." Mahinang tawag sa akin ni Raziel. "I'm sorry..."
Hanggang sa kumalma ako. Hindi ako makasagot. Biglang narinig namin ang iyak ng sanggol. Sa halip ay sinikap kong tumayo. Tahimik kong niilapitan ko ang puno kung saan ko tinago ang anak ni Trish. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Marahan kong kinarga ito. Biglang may sumagi sa isipan ko. Bumaba ang tingin ko sa sanggol na nasa mga bisig ko ngayon.
'Tatawagin kitang Rhys Corson Black.'
![](https://img.wattpad.com/cover/185778006-288-k734402.jpg)
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.