Pamilyar sa akin ang eksenang ito. Kung noong nakaraan ay sina Ramael at Raziel ang magkaharap. Ngayon naman ay si Ramael at ang kapatid nitong si Lucille-it sounds like Lucifer, girl version nga lang.
Diretsong nakatingin sa Ramael sa kapatid niya. The usual look of him, serious and cold. Habang ang kapatid naman nito ay naka-de-kuwatro at nakahalukipkip. May mapanglarong ngiti sa mga labi nito habang nakikipagtagisan siya ng tingin.
"Tell me, what brings you here, Lucille?" Seryosong tanong niya.
Before she answer, she release a small sighs. "I need a shelter, kuya." Simpleng sagot niya. "And I think living with you is the best choice."
Kumunot ang noo ni Ramael. Parang hindi niya nagustuhan ang gusto ng kapatid niya. "What?" Mas lumukot ang mukha niya.
"Oo nga, kuya. Hindi na ako pwede sa dati kong tinitirhan." Ngumuso siya. "My victim was following me. That bastard. Tss."
Bumaling ako kay Raziel na may pagtataka sa aking mukha. Tumingin din siya sa akin. Humihingi ng kasagutan pero bigo ako. Kibit-balikat lang ang tanging maibigay niyang sagot. Ibinalik ko ang tingin ko sa magkapatid.
"How come na sinusundan ka ng biktima mo? That's lame." Naguguluhan na din si Ramael.
"He's threatening me. He will kill me sa oras na makita niya daw ako. Tss." Saka napangiwi siya. "Sumulpot lang naman ako sa kaniya noong bagong tuli siya. The fuck."
Napaawang ang bibig ko habang si Raziel naman ay rinig ko ang pagbungisngis niya. Si Ramael ay napabuntong-hininga it's because of disbelief.
"It can't be helped." Tanging kumento lang niya. "Like Raziel, you should pay the rent or cleaning something."
Tumawa naman si Lucille sa sinabi niya. "Sure, kuya. I have enough kaching here."
Pagkatapos nila mag-usap magkapatid ay nauna nang umalis sina Raziel at Lucille. Naiwan lang kami ni Ramael dito sa loob ng opisina niya.
"Are you sure, okay ka lang dito?" Malamig niyang tanong sa akin.
I give him thumbs up as my assurance. "Yep. Kung maabutan mo akong wala dito. Pwede rin naman akong magagala dito sa resort." Sabi ko.
"Alright. You should get back here when I'm done." He said while he's fixing his coat.
"Okay." Sagot ko.
Naglakad na siya palabas sa office na ito. Hiatid ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan nang nagsara ang pinto ng office na ito. Sumandal ako sa couch at napatingin sa labas. Tumayo ako at sumilip doon. Marami pa ring tao at mukhang nag-eenjoy sila maligo.
Ngumuso. Parang naaakit ako. Gusto ko rin maligo doon. Biglang may sumagi sa isipan ko kaya napatampal ako ng noo. Ang shunga ko, naiwan ko pala sa manyson ni Ramael ang mga damit ko. Tsk.
Lumipas pa ang sampung minuto ay biglang may nagbukas ng pinto. Napatingin ako doon. Si Megan!
"M-may nakalimutan ba...?"
Ngumiti siya at umiling. Lumapit siya sa akin na may dala siyang paperbag. "Para daw po sa inyo, Ma'm. Alam daw ni Sir na gustong gusto ninyo daw lumangoy." Sabi niya.
Parang nasiyahan ako sa sinabi niya. Agad kong tinanggap ako paper bag. "Pakisabi sa kaniya, salamat."
"Sige po, ma'm." Huling sinabi niya bago siya ulit umalis dito.
Masayang tiningnan ko ang paper bag? Ano kaya ito? Two piece? One piece? Bigla ako na-excite!
Bumalik ako sa couch at umupo doon. Excited kong binuksan ang paer bag saka inilabas ko ang laman nito. Pero ang saya sa aking mukha at ang aking nararamdaman ay agad iyon napalitan ng dismaya at napangiwi ako. Bakit ganito ito? Hindi siya one piece or two piece, kungdi long sleeves diving wet suits! Kahit na sabihin nating shorts iyon at hapit... Bakit ganito?!
I sighs because of disbelief! Ibinaba ko ang damit na hawak ko. Pinagtitripan ba ako ng demonyong iyon?!
Kakainis siyaaaa! Ano bang gagawin ko sa damit na ito eh hindi naman ako magsuscuba diving!
Biglang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko kung sino 'yon. Napasapo ako sa aking bibig nang mabasa ko ang pangalan ni Carmz doon. Agad ko iyon sinagot. "Hello, Carmz..."
"Kamusta ka d'yan?" Bungad nito sa kaniya.
"Ayos lang..." Malamanya kong tugon. Yumuko ako't hinawi ko paitaas ang aking buhok. Inilapat ko ang mga labi ko dahil medyo may inis akong nararamdaman.
"Hm... Kailan ba balik mo dito? Marami pa tayong line up na shoot dito."
Kumawala ako ng malalim na hininga. "Titingnan ko pa. Malapit na matapos..." Palusot ko pa.
"I see. Basta this coming Monday, may shoot tayo sa Camiguin. Hindi talaga pwedeng ipagliban iyon. Nakafixed na din ang schedule natin doon."
"Okay... I'll call you nalang kapag pabalik na ako ng Manila."
"Alright. Ingat ka d'yan. See you!"
Inilayo ko na ang cellphone sa tainga ko at pinutol ko na ang tawag. Muli ako napabuntong-hininga. Hindi na nga ako nakapag-enjoy dito, nadagdagan pa ang stress ko dahil sa susunod na shoot. Kailangan ko na talagang bumalik doon...
Nagpasya nalang akong lumabas sa office. Idadaan ko nalang sa paggagala ang inis ko. Siguro naman huhupa din iyon sa oras na bumalik ako sa opisina ni Ramael mamaya. Basta, naiinis pa rin ako sa kaniya. Paasa siya! Bwisit! Ugh!
Nagpasya akong ilabas ang cellphone ko saka kumuha nalang ng litrato sa pamamagitan nito. Para naman may magawa ako. Ipopost ko nalang din sa instagram ko. Kahit papaano may update pa rin doon...
"Beth?"
Natigilan ako nang may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako. Napaawang ang bibig nang tumambad sa akin ang isang lalaki. Sa histura niyang iyon ay nag-evolve siya. Guwapo din naman siya noon pero mas naging guwapo siya ngayon! "W-William?"
Ngumtii siya at humakbang palapit sa akin. "Kamusta ka na? Hindi ko akalain na makikita kita sa lugar na ito..."
"A-ako din..." I muttered.
Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid saka tumingin ulit sa aking mukha. "Mag-isa ka lang? Nasaan ang mga kaibigan mo?"
"Pumunta ako dito dahil sa trabaho, Liam. Nasa Maynila sila." Sagot ko.
Tumango siya na parang naiitindihan niya ang ibig kong sabihin. "Kung gusto mo, samahan kitang pumasyal-pasyal dito?"
Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero bakit parang akong makapang salita...
"She can't." Isang mariin at galit na boses ang narinig namin.
Itinagilid ko ang aking ulo. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ramael na papalapit sa amin. Sa hitsura niya ngayon, nakakatakot siya. Parang handa siyang pumatay!
"R-Ramael..." Mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan.
Imbis sagutin niya ako ay marahas niya akong hinawakan sa kamay. Kakaladkarin pa sana niya ako nang biglang may humawak pa sa isang kamay ko! Si Liam!
Matalim na tiningnan ni Ramael si Liam. "Sino ka para hawakan mo siya?" Mariin at galit na galit na tanong niya kay Liam.
Liam smirked. "Pare, hindi dapat ganyan ang itrato mo sa mga babae." Sagot niya. "Sinasaktan mo si Beth sa ginagawa mo."
"Kung ganoon, ikaw na lang saktan ko?" Pagbabanta niya.
Liam gasped. "Pare..."
"Bitawan mo si Beth, tapos ang usapan na ito."
Wala naman magawa si Liam kungdi binitawan ako. Hinila ako ni Ramael palayo sa kaniya. Hindi ko na nga din magawang lumingon pa kay Liam. Medyo nahiya ako dahil sa ipinakita ng isang ito. Demonyo talaga!
Hanggang sa pagbalik namin sa Mansyon ay hindi ko pa rin kinikibo si Ramael. Ramdam ko na gusto niya akong kausapin pero nag-aalinlangan siya.
"Yeah, dumating na din kayo!" Masiglang salubong sa amin nina Raziela at Lucille.
"Kayo nalang ang kumain, wala akong gana." Malamig kong tugon sa kanila at dire-diretso akong naglakad patungo sa Library. Doon nalang ako matutulog! Huwag ko lang makatabi ang lalaking iyon! Bwisit!
**
[ Third Person's POV ]
Sinundan lang ng tingin nina Raziel at Lucille si Bethany habang paakyat ito sa grand stair case ng mansyon. Nang tuluyan an itong nawala sa kanilang paningin ay nilipat nila ang kaniyang tingin kay Ramael na kakapasok lang.
"Anong nangyari doon?" Takang tanong ni Raziel sabay turo niya sa direksyon kung saan dumaan si Bethany.
"Nothing." Tamad na sagot ni Ramael sa kanila.
Tumaas ang isang kilay ni Lucille, parang hindi siya nasiyahan sa sagot ng kapatid. "Nothing? Eh ang bibigat ng mga hakbang nang nakasalubong namin. Nothing na 'yon?" May halong sarkastikong sabi niya. "Nothing na nagkasalubong ang kilay? Wow."
"Sus. Nag-away lang kayo." Sabi ni Raziel. Lumapit siya kay Ramael. Ganoon din si Lucille. "Tell us, anong pinag-awayan ninyo?"
Bago man sumagot si Ramael ay kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "I heard she want to swim when I was in the meeting. Binilhan ko siya ng damit pampaligo, she's expecting one piece nor two-piece but I prefer she would wear wet suit. Nagalit siya. Pinospone ko nga ang meeting dahil narinig ko na maggagala siya sa beach so I followed her and I saw her with that asshole-Liam. Sasamahan daw niya si Bethany mamasyal. I was furious, kaya mas lalo siyang nagalit sa akin..."
Biglang tumawa ang dalawa. Si Lucille ay napahawak sa kaniyang tyan habang si Raziel ay halos magulong-gulong na sa sahig.
"Selos ka pala, eh!" Malakas na kumento ni Raziel.
Kumunot ang noo ni Ramael. Naiirita na naman siya. "Kung wala kang sasabihin na matino, manahimik ka!" Bulyaw niya.
"Eh bakit kasi wet suit ang binigay mo?" Natatawang tanong ni Lucille. "Dismayado iyon, panigurado, ano!"
"I was protecting her body! Iisipin ko palang na pinagtitingnan siya ng ibang lalaki, makakapatay na ako!" Sigaw niya. "And about that guy, Liam, I get mad and furious because I care! That's all!"
"Wushu, wala kang maloloko dito, dude." Nakangising saad ni Raziel. "You're jealous. You know, jealous is just a sign that shows how much you really like, care or love to someone."
Ngumuso si Lucille at tumango, sang-ayon sa pinahayag ni Raziel. "And I think, hindi lang anak ang habol mo sa kaniya..." Segunda pa niya. Napatingin si Ramael sa kaniya. "You're falling for her."
"What?" Tila naguguluhan pa rin siya.
Humalukipkip sina Lucille at Raziel. Seryoso ang tingin nila sa kaniya. "Sa palagay mo, bakit basta-basta ka pumapayag na magpagupit? Sa pagkaalam ko, pakialaman na ang lahat huwag lang ang buhok mo."
"And you are gradually changing, brotha."
Natigilan si Ramael doon. Tameme siya. Maski siya ay naguguluhan na din...
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.