Kahit sa harap ng pagkain ay hindi matigil ang away sa pagitan nina Ramael at Raziel. Tahimik pero ramdam ko ang itim na aura na pumapalibot sa buong Dining Area. Lalo na 'yung tinginan nilang dalawa. Parang magpapatayan na. Wala naman ako magawa kungdi manood lang sa kanila. Hinahayaan ko nalang sila. Kahit anong pigil ko naman sa kanilang dalawa, hindi magpapapigil. Mas mabuti pa ngang ituloy ko nalang itong pagkain na niluto ni Raziel. Masarap pa naman.
Ten ng umaga na kami natapos kumain ay nagpasya nang kaming umalis ni Ramael samantalang si Raziel ay magpapaiwan. Maglilinis daw siya ng mansyon. Bayad daw niya sa pagpapatuloy sa kaniya nito ni Ramael.
"Mag-iingat kayong dalawa." Nakangiting kaway sa amin ni Raziel. He's wearing simpleng printed shirt, faded jeans, crocs slippers. May apron at bandana pa. Parang maggegeneral cleaning siya sa lagay na iyan. "Oy, dude. Pasalubong, ha?"
Ramael crinkled his nose. Parang napipikon na naman. "As if." He commented.
Ngumuso naman si Raziel. "Kahit kailan hindi ka talaga nagiging sweet sa akin. Minsan mo lang ako pasalubungan kahit pagkain, wala akong matanggap." Saka pumunta siya sa isang gilid at nagmukmok. "Hindi mo ako mahal, dude."
"Gross." Kumento ulit si Ramael.
Ngumiti ako. Ganito pala ang dalawnag ito. "Ako na bahala sa pasalubong mo, Raziel." Sabat ko.
Lumingon sa akin si Raziel. From his horrible face, it turns into bright and cheerful one. Kulang nalang kuminang ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Nilapitan niya ako at walang sabi na hinawakan niya ang mga kamay ko. "Ang bait mo talaga sa akin, Beth."
Bigla naman pinulupot ni Ramael ang braso niya sa bewang ko at marahas niya akong inilayo mula kay Raziel. "Ang akala ko ba, hinding hindi mo hahawakan si Bethany, huh?!" Asik ni Ramael. "Anytime I can throw you—Tang ina, oo na, bibilhan kita ng pasalubong! Damn it."
Lalo lumapad ang ngiti ni Raziel. Inilapat niya ang kaniyang mga labi at tumayo sabay pumalakpak. "Iyan talaga ang gusto ko sa iyo, dude. Hinding hindi mo ako hinahayaang magutom dito sa mansyon."
"Whatever." Matalim siyang bumaling sa akin. "And you, get inside." Ang tinutukoy niya ang kaniyang sasakyan.
Sumunod naman ako. Binuksan ko ang pinto ng passenger's seat at pumasok doon. Tiningnan ko lang si Raziel na kumakaway habang si Ramael naman ay palapit na sa driver's seat hanggang sa nakasakay na siya dito.
**
Habang nasa sasakyan kami ay pareho kaming walang kibo ni Ramael. Nakadungaw lang ako sa bintana. Abala naman siya sa pagmamaneho. Wala rin naman akong maisip na itopic. Siguro dahil nahihiya pa rin ako buhat nang makita kami ni Raziel kanina... Ay may itatanong pala ako.
"Uhmmm..." Bumaling ako sa kaniya. "May tanong pala ako."
"What is it?" Seryoso niyang sabi ngunit nanatili pa rin siyang nakatingin sa kalsada.
"After ba nitong trabaho ko, pwede na ba akong bumalik sa Cavite? Hindi lang kasi ito ang trabaho ko. May mga naka-line up pa akong shooting."
"You really want to leave, Bethany?"
Napangiwi ako. "Atleast hindi ko plano tumakas, nagpapaalam na ako. And, I am a career woman, Ramael. Syempre, importante din naman sa akin ang trabaho ko."
"Why? Kaya naman kitang buhayin. I can provide everything you need. I can feed you, I can give you shelter, luxury, name it."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell?
"I mean it, Bethany."
"But photography is my passion, Ramael." Giit ko pa. "And you sounds like a boyfriend, ha!"
Biglang tumigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kunot-noo siyang bumaling sa akin. "Boyfriend?" Ulit pa niya.
I shrugged. "Yeah, totoo naman. Kadalasan ko naririnig 'yan sa mga palabas at nababasa ko."
Saglit siya natahimik. Tila may iniisip.
"Ano na naman iyang iniisip mo, Mr. Black?" Tanong ko.
"Can I be your boyfriend, Bethany?" Bigla niyang tanong sa akin na may seryoso sa kaniyang mga mata.
Namilog ang mga mata ko sa tanong niya. Nabigla nang husto. Ramdam ko nalang ang pag-iinit ng mga pisngi ko kasabay ang pagbilis ng pintig ng aking puso! What the hell is happening to me?!
"I'm asking you." He demanded. "Bethany."
Napalunok ako. Sa halip ay nilipat ko sa ibang direksyon ang tingin ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kinakabahan na natatakot ako. Oh my... "H-hindi ko alam..." Shocks, no boyfriend since birth ako! Madalas ko lang napapanood at nababasa ang mga ganitong bagay, pero hindi ko akalain na ganito pala ang feeling sa personal!
"Bethany..."
"M-manligaw ka muna..." Kusa nalang lumabas sa bibig ko ang mga salita na iyan. W-what—wait, ano daw? Manligaw?!
"Well, I have no idea what is that but I'll try." Sabi niya at muli niyang pinaandar ang sasakyan.
**
Dumating kami sa Hacienda Virginia. Sinalubong siya ng sekrerya niyang si Megan. Tulad ng kinagawian, sinasabi pa rin niya ang schedule ni Ramael para sa araw na ito.
May napapansin ako. Bakit parang wala akong nakikita kina Ramael at Raziel na gumagamit ng cellphone? Hindi ba uso sa kanila iyon? Kaya siguro si Megan ang nakatoka sa schedule ni Ramael?
"Wala ka bang cellphone, Ramael?" Diretsahan kong tanong sa kaniya nang umalis na si Megan para gawin ang trabaho nito.
Tumingin siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. "Cellphone?" Ulit pa niya. "Wala."
Tumalikwas ang isang kilay ko. "Oh... I see." Saka humalukipkip. "You can provide everything even luxuries, but you have no cellphone?" I mocked.
Sinandal niya ang kaniyang likod sa swivel chair. "I think I don't need that." Sagot naman niiya. Diretso nakatingin sa akin.
Tumango ako. "Well, ikaw lang ang kilala kong hindi nagamit ng cellphone." I paused for a seconds when I realized something. "I mean, kayong dalawa ni Raziel pala,"
"Bakit napasok naman si Raziel sa usapan na ito?" Bigla na naman siyang nainis.
"Sabi ko nga kanina, kayong dalawa ni Raziel ang kilala ko na hindi nagamit ng cellphone. At saka, sa pang-araw- araw na buhay, importante na sa mga tao ngayon ang cellphone. Sa cellphone na din kasi ginagawa ang ginagawa sa computer..." Paliwanag ko naman.
Naniningkit ang mga mata niya parang pinag-iisipan niya ang sinasabi ko. Ilang saglit pa ay pinindot niya ang intercom. "Come here." Utos niya.
Wala pang sampung segundo ay dumating na si Megan, yakap-yakap niya ang kaniyang tablet. "Yes, sir?"
"Lunch pa naman ang meeting ko, right?" Kompirma niya.
"Y-yes, Mr. Black." Sagotn niya.
Ramael snapped. Agad siyang tumayo. "Aalis muna kami. Pupunta kami sa mall. May bibilhin lang. Babalik din kami." Malamig na sabi niya sabay hinawakan niya ang kamay ko halos kaladkarin na naman niya ako hanggang sa marating namin ang elevator.
"Anong gagawin natin sa Mall?" Nagtatakang tanong ko.
"Bibili ng cellphone na sinasabi mo." Malamig niyang sagot.
Napaawang ang bibig ko sa sagot niya. For the first time, tinanggap niya ang opinyon ko? Seryoso?! Hala, hindi kaya may lagnat ang isang ito?! "Are you sick?" I asked.
Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin. "No, I'm not. Why?"
Ngumuso ako. "Nothing."
"Stop pouting, Bethany. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ka dito. Wala pa naman akong pakialam sa paligid ko." He said with his serious tone.
Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko. Tumingin ako sa kaniya dahil nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin. Ano na naman ba?.
"Stop biting your lip. Mas gugustuhin ko na ako ang kumagat d'yan." Segunda pa niya.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "A-ano?"
He shrugged.
Hanggang sa tumunog ang elevator. His arm snaked around my waist. Sabay kaming lumabas sa elevator. Nasa basement na pala kami. Ang akala ko sa lobby ang baba namin.
Dumiretso kami sa passenger's seat. Binuksan niya ang pinto. "Hop in." He command.
Sumunod ako. Pumasok ako sa loob. Sinara niya ang pinto. Umikot siya sa harap hanggang sa marating niya ang driver's seat.
Bago man siya buhayin ang makina ng sasakyan ay tumingin siya sa akin. Biglang inilapit ang sarili niya sa akin na ikinaatras ko. "W-what the..." Gulantang kong bulalas.
"Wear your seatbelts, mother of my child." He huskily said.
Lihim ko kinagat ang aking labi. Gusto ko nang magmura. Jusko, halos atakihin na ako sa puso sa bawat galaw at kilos ni Ramael! Jusko!
"Alam ko na kung anong ipapasalubong ko sa Raziel na iyon." Nakasimangot niyang sabi.
"T-talaga?"
"Yeah." Sagot niya hanggang sa mabilis kaming nakaalis sa lugar na ito.
**
[ Third Person's POV ]
Abala si Raziel sa pagbungkal ng lupa sa likod ng mansyon ni Ramael dahil gagawin niyang garden iyon nang dinaluhan siya ng isa sa mga maids.
"Sir Raziel!" Malakas na pagkatawag nito sa kaniya.
Tumigil naman sa ginagawa si Raziel. Taka niyang tiningnan ang maid. Napasapo ito sa kaniyang dibdib tila hingal na hingal. "Anong problema?" Tanong niya.
Bumuntong-hininga ang maid at tumingin ito sa kaniya. "May bisita po. May naghahanap po kasi kay Master Ramael. Babae po, eh."
Tumingin sa ibang direksyon si Raziel at ngumuso tila iniisip kung sino ba ang posibleng bumisita kay Ramael. Naglalaro na naman sa imahinasyon niya na baka may ibang babae ang tinuturing niyang kaibigan. Napasinghap siya na baka hindi lang si Bethany ang nagalaw nito! Baka nakabuntis na si Ramael!
Walang sabi na binitawan niya ang pala na hawak niya at mabilis siyang pumasok sa mansyon. Kailangan niyang paalisin iyon sa lalong madaling panahon. Baka mag-away sina Bethany at Ramael dahil doon!
"Nasaan ang bisita?" Nagmamadali niyang tanong sa isang bulter.
"Nasa receiving area po siya, Sir Raziel."
Dali-dali naman pinuntahan ni Raziel ang silid na sinasabi ng bulter. Pinihit niya ang pinto at marahas niya iyon itinulak. Natigilan siya nang makita niya ang likuran ng babaeng tinutukoy ni maid kanina. She's wearing all black dress, even a black hat, nakablack na stockings at itim na stilettos. Over all, she looks sophisticated!
Mukhang naramdam ng babae ang kaniyang presensya. Nilingon siya nito. Halos mapamura sa isipan si Raziel nang makilala niya kung sino ang nasa harap nito. Maski siya ay hindi niya inaasahan ang pagbisita ng naturang babae dito sa mansyon. Tumitingkad ang kagandahan ng babae lalo na sa lipstick nitong pulang pula at sa nunal nito sa bandang ilalim ng gilid ng mata nito.
"L-Lucille..." Mahina niyang tawag sa pangalan ng babae na nasa kaniyang harapan.
Sumilay na isang ngiti sa mga labi ng babae. "Kamusta, Raziel? Long time no see." Punong puno nang mapang-akit na boses nito...
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.