Isang nakakabasag na katahimikan ang nananaig dito sa loob ng opisina ni Ramael. Nasa magkabilang single couch silang dalawa. Nagsusukatan ng tingin. Habang ako naman ay nasa gitna, palipat-lipat ang tingin ko sa kanila-nagtataka.
Maraming tanong ang bumubuo sa aking isipan. Magkakilala pala sila? Magkaano-ano ba sila? Magkapatid? Magkaibigan? Magpinsan? O ano? Gustuhin ko mang tanungin ang bagay na iyon ay hindi ko magawa. Papaano kasi, ang seryoso ng atmosphere dito. At saka, mukhang nakakahiyang sumingit sa dalawang ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Sa wakas ay nagtanong din si Ramael.
Ngumuso si Raziel. "Sinabi ko na, si Bethany ang ipinunta ko dito. Hindi ikaw." Unti-unting gumuguhit sa kaniyang mga labi ang mapanglarong ngiti.
Umigting ang panga ni Ramael. Parang hindi niya nagustuhan ang isinagot sa kaniya ni Raziel. Ano ba kasing problema?!
"Leave, Raziel." Mariing sambit ni Ramael sa kaniya.
"I'm scared but I can't, dude." Sagot sa kaniya ni Raziel at prente siyang sumandal sa couch na kinauupuan niya ngayon. "I'm here for my mission."
Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Ramael. Parang iyon lang ang paraan niya para pigilan ang sariling sugurin si Raziel sa harap ko. "Bethany," Tawag niya sa akin. Bumaling siya sa akin na seryoso ang kaniyang mukha. "Leave us for a while. I need to talk to him. Man to man."
Napalunok ako. "S-sige..." Tumayo na ako saka naglakad na ako patungo sa pinto. Pinihit ko ang pinto at lumabas na. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa sekretarya ni Ramael na si Megan, abala sa pagtitipa sa kaharap niyang computer.
Mukhang hindi naman niya napansin ang presensya ko kaya muli akong naglakad. Until I reached the elevator. Pumasok ako doon at pinindot ko ang buton kung saan ako lalabas-sa ground floor. Maggagala-gala na muna ako. But wait, nakalimutan ko yata ang DSLR ko doon sa office!
"Tsk." Sabay sumandal ako sa pader. Humalukipkip ako. Sumagi na naman sa isipan ko ang nangyari kanina. Napapaisip na talaga ako kung anong koneksyon ng dalawang iyon. Kung ano bang relasyon nilang dalawa. Kung bakit ganoon ang galit ni Ramael na makita ni Raziel. May alitan ba ang dalawang iyon? Ay, sandali. Oo nga pala, si Raziel pala ang nagbanggit sa akin tungkol sa incubus. Bakit ba niya ako tinulungan noon?
Pagkatunog ng elevator ay siya naman ang pagbukas ng pinto nito. Agad akong lumabas at lumabas sa Hotel.
Una kong pinuntahan ang sea shore. Talagang dinadayo ang resort na ito. Maganda din naman ang view dito kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang dumadayo dito. May natatanaw din akong mga isla. Kaya pala nag-ooffer sila ng island hopping.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Sayang, wala sina Carmz, Shayne at Jasmine dito. Paniguradong mag-eenjoy din ang mga iyon dito. Mahilig din sila sa mga ganito. Sa mga beach.
Hinahayaan ko lang na paglaruan ng hangin ang aking buhok. Dinadama ko din ang simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat.
Hindi ko na namamalayan na napadpad ako sa gubat. Tumigil ako sa paglalakad. Hindi kaya maligaw ako dito? Hindi ko pa man din dala ang cellphone ko! Kainis!
Muli ako natigilan nang may naririnig akong tunog. May rumagasang tubig. Tingin ko ay medyo malapit na ako doon. Muli akong humakbang para sundan ng tunog na iyon.
Hinawi ko ang mga nakaharang na halaman sa harap ko. Mas lalo ako lumapit. Bumungad sa akin ang ilog na may kadugtong na talon. Wait, kung hindi ako nagkakamali, ito 'yung lugar kung saan ko nakilala si Ramael noong nakaraan, ah!
Mas gusto ko ang lugar na ito kapag gabi.
Nilapitan ko ang ilog at pinagmasdan ko iyon. Malinis at parang tago ang lugar na ito, ah. Bigla akong may naisip. Mukhang wala namang ibang tao dito...
Hinubad ko ang aking damit. Ipinatong ko ang mga iyon sa taas ng mga malalaking bato. Dahan-dahan ko isinulong ang aking katawan sa tubig. Halos mapahiyaw ako dahil sa lamig ng tubig! I instantly feel refreshing!
Ang saya lang. Parang akong bata na mag-isa na naglalaro sa ilog na ito.
Napatingala ako sa talon. Mataas din iyon parang gusto kong subukang tumalon mula doon kaso...
"Parang nakakatakot." Sabi ko saka napabuntong-hininga. "Maybe next time."
Ilang saglit pa ay umahon na ako. Pinuntahan ko ang malaking bato kung nasaan ang mga damit ko.
"Have you enjoyed?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may natinig kong pamilyar na boses sa bandang likuran. Agad kong nilingon para makompirma kung sino iyon. Napasapo ako sa aking dibdib nang bumungad sa akin ang mukha ni Ramael sa akin. Nakatayo siya habang nakahalukipkip. "Bakit ang hilig mong manggulat?" Medyo naiirita kong tanong.
"I asked first. You should answer my question first." He demand. Seryoso pa siya sa lagay na iyan.
"Malamang, hindi naman ako magtatagal kung hindi." Inis kong tugon. "Tanong ko naman ang sagutin mo." I mocked.
Tumaas ang kilay niya. "Alam kong dito ka makakarating. I secretly following you after talked with Raziel." Sagot naman niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Sumilay na naman ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ano na naman?" Mabilis kong isinuot ang aking mga damit kahit basa pa ang under garments ko. Mamanyakin na naman ako ng lalaking ito.
"I just feel like pinning you to the wall as soon as we come home..." Nang-aakit niyang sabi. "Which will you choose? At the car? The couch? The bed? The floor? Kitchen table? Or... Here?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Walang preno talaga bibig mo, Ramael!" Bulalas ko. "Bakit ba ang manyak mo? Ganyan ka ba talaga?"
He come closer and he snake his arm on my waist. "It's not that I'm horny all the time, Bethany. It's just that you're always fucking sexy..." He whispers huskily in my ear. "I can't wait to bed you later..."
Napalunok ako. Bakit ganito na naman ang nararamdaman ko? Kumalabog ang puso ko. Sa takot kaya? Sa kaba?
"Bethany..." He whisper my name.
Walang sabi na tinulak ko siya. Nagulat pa siya sa aking ginawa. "May kondisyon ako!" Malakas kong sinabi iyon.
"Kondisyon?" Kumunot ang noo niya. "What conditions?"
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Namumuro ka na kasi!" Sabi ko. "Hahayan kitang galawin ako sa normal na paraan! 'Yung hindi mo gagamitin ang mga abilidad mo! No hypnotizing and controlling!"
Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Alam kong nagulat din siya. "W-what..."
"Yes, Mr. Black. Sa oras na na gagamitin mo iyon, ako mismo ang papatay sa bunga na gusto mo sa akin!"
He gashed. Unbelievably what he heard from me. "Seriously, Ms. Arles?" He asked once more.
"Yes, I'm serious!"
Binuka niya ang kaniyang bibig. Binasa ng dila niya ang kaniyang pang-ibabang labi. Bumaling siya sa ibang direksyon tila may iniisip. "Is that you really want, hm? I can touch you but no abilities to force you to sex with me, huh?"
"T-that's right."
Oh no, ano ba itong pinagsasabi ko! Shit, ngayon ko lang narealize ang katangahan ko!
**
Sabay na kaming bumalik ni Ramael sa nakakatakot na mansyon. Sabay din kaming pumasok doon. Sinalubong pa rin kami ng butler.
"Welcome home, young master. May bisita po kayo..."
"Who?" Kunot-noo niyang tanong.
"Hi!"
Sabay kaming napatingin sa lalaking papalapit sa amin. Si Raziel! May suot siyang apron...
"What the fuck are you doing here?!" Hindi mapigilang bulyawin ni Ramael ang bisita. "Sinong may sabi sa iyong pumunta ka dito sa pamamahay na ito?!" Walang sabi na kinuwelyuhan niya si Raziel!
"Ganda ng greetings mo, dude, Kahit kailan talaga." Natatawang sabi sa kaniya ni Raziel. "Oy, bitaw nga. Ang mahal nitong damit ko, eh."
Marahas siyang binitawan nito. "Lumayas ka dito!" Singhal ni Ramael.
"Ayaw."
"Aba't..." Akmang susuntukin ni Ramael si Raziel na bigla akong humarang kaya napigilan pa niya ang sarili niya. "Umalis ka d'yan, Bethany."
"Sabihin ninyo nga sa akin, magkaano-ano ba kayo? Bakit kilala ninyo ang isa't isa?" Lakas-loob kong tanong sa kaniya.
"I'm just his friend, Beth." Nakangiting sagot ni Raziel sa akin. Bumaling siya kay Ramael. "Diba, dude?"
"You'll never be my friend, Raziel." Mariing sagot nito sa kaniya.
Naguguluhan pa rin ako. Tiningnan ko si Raziel may pagtataka pa rin sa aking mukha. Humihingi pa rin ng sagot. Inilapat niya ang kaniyng mga labi, pumikit at tumango. Parang sinasabi niya na iyon na iyon. What the...
"By the way, dito muna ako tutuloy, dude." Nakangiting paalam ni Raziel. "Ang pagluluto ko nalang ang bayad ko dito..."
"I don't need a maid like you, Raziel. The door is open, you may now leave."
"Kahit kailan talaga, ang sweet mong kaibigan, ano, pare?"Sabi ni Raziel saka tumawa siya. "Pupunta muna ako ng Kusina, baka masunog na ang niluluto ko." Tinalikuran na niya ako saka tumungo siya sa kusina para balikan ang kaniyang ginagawa doon.
Bumaling ako kay Ramael. "Incubus din ba siya?" DIretsahan kong tanong.
Diresto siyang tumingin sa aking mga mata. "No. Definitely not." Seryoso niyang sagot.
"Kung ganoon, ano naman siya?" Sunod kong tanong.
"I can't tell you. Malalaman mo kapag maayos na ang lahat." Sagot niya. Siya naman ang napabuntong-hininga. "Well, he's living here. Damn that dude. Tss." Aniya saka umalis na siya.
Naiwan ako ditong naguguluhan pa rin. Nakakainis. Bakit sunod-sunod na kawirduhan na nangyayari sa buhay ko?
Marahan akong pumikit at kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Napakamot ako sa aking pinsgi. Bahala na nga!
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.