Hindi inaasahan ni Carmz na isasama ko si Ramael sa lakad namin. Naexplain ko din naman sa kaniya kung bakit. Good thing is, naitindihan niya. Pero ang masama nga lang daw ay maiinggit lang daw siya dahil magmumukha lang daw siyang chaperon, imbis na girl bonding, ang magiging kalabasan pa daw ay date pa namin ni Ramael ito. Kaya tawa lang ang nasasagot ko sa mga sinasabi niya while my boyfriend smirked.
Sa isang boutique kaming pumunta. My dear friend was busy scanning dresses at the rack. Nakadikit naman si Ramael sa akin habang iniisa-isa ko naman ang mga damit. Medyo nagulat pa ako dahil nakikitingin din siya, saglit lang siyang hihiwalay sa akin tapos babalik siya na may hawak na damit. Bagay daw sa akin, perfect daw. Natatawa ako sa inaakto niya.
Pareho kaming nakaupo ni Ramael sa sofa ng boutique na ito, nasa loob kasi ng fitting room si Carmz, sinusukat niya ang mga damit na napili niya. Hindi ko maiwasang hindi iginala ang paningin sa paligid. Most of women here, halos magkadabali-bali na ang mga leeg para lang makatingin sa direksyon namin, including the sales ladies. I assumed, si Ramael ang tinitingnan nila.
Ramdam ko ang pagpatong ng kaniyang mainit na palad sa aking tuhod. Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka. "Don't mind them, hindi ko naman sila papansinin." He said.
Ngumuso ako at tumango. Sabay kaming napatingin ni Ramael nang hinawi ni Carmz ang kurtina ng fitting room. She's wearing a white backless dress. Wala nga lang akong ideya kung bakit kailangan niyang mamili ng dress.
"What do you think?" Nakangiting tanong niya.
"Bagay na bagay sa iyo." Kumento ko. Bumalinga ko kay Ramael. "Hindi ba?"
Tango lang ang naisagot niya.
Naghintay lang kami sa labas ng boutique habang nagbabayad ng mga pinamili niyang damit.
After namin magshopping ay nagpasya na namin kumain ng lunch sa isang resto. Nang marating namin ang mesa ay nagpaalam ako kay Ramael na pupunta muna ako ng ladies' room. Pumayag naman siya.
Patungo na ako ng ladies' room ay may nakasalubong akong lalaki. He's wearing a gray three-piece-suit. Nakabrush up ang buhok. He has a distinguish feature... His cold gray eyes... There's something about that. Iba ang tindig niya, intimidating.
Nagtama ang mga tingin namin.
Natigilan ako. Bakit parang nagiging slow motion ang lahat? Bumilis ang kabog ang diddib ko sa hindi ko malaman na dahilan? Parang hindi na naman ako makahinga? Parang may mali? Matagal-tagal ko nang hindi nararamdaman ang ganito...
Sinundan ko lang ng tingin ang lalaking nakasalubong ko. Dire-diresto siya ng lakad habang nakapamulsa. Hindi siya lumingon sa akin. Napabuntong-hininga ako't sumapo ang aking palad sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Iba ang aura niya, nakakatindig-balahibo.
Umiling ako para mabura iyon agad sa aking isipan. Nagmadali akong pumasok sa banyo.
Ilang minuto pa ay bumalik na ako kung nasaan sina Carmz at Ramael. Sinundan lang ako ng tingin ng boyfriend ko. Seryoso ang kaniyang mukha. Parang sinasabi niya na, 'I can hear you. What happened?'
Ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya. 'Mamaya na natin pag-usapan...'
Tumayo siya at hinila niya ang isang upuan at doon niya ako pinaupo. Umupo naman ako at pilit maging normal sa harap nila.
Habang kumakain ay nabalitaan ko na may nakabangga si Carmz. Harold Kim daw ang pangalan. Naiinis daw siya dahil palagi daw siya sinusundan kung saan. Malaking pasasalamat niya dahil hindi daw ito nagparamdamam ngayon dahil ayaw niya talaga. Ayaw din daw niya makita ang pagmumukha nito. Base sa kwento niya, wala naman akong makitang mali sa Harold Kim na iyon. In fact, mabait pa ito sa kaniya. Napapansin ko na siguro tinutulak lang talaga ni Carmz ang lalaki papalayo sa kaniya.
She suddenly have a business meeting. Biglaan. Kaya saglit lang din ang bonding namin. Walang problema sa akin. Medyo kailangan ko din umuwi para asikasuhin ang naiwan kong trabaho sa bahay. Doon nalang kami didiretso ni Ramael. Kailangan din daw niya tawagan ang kapatid niya para hingin ang report mula doon. Kailangan din daw niyang tawagan si Raziel dahil may usapan daw sila. Basta ang sabi niya lang sa akin ay importante daw iyon. Hindi na ako nakialam o alamin kung ano iyon. I respect his privacy.
Tutok na tutok ako sa harap ng laptop. Nirereview ko kasi ang mga litrato na kinuha ko mula pa photoshoot sa Camiguin. Kailangan kong ipasa through email ang mga iyon sa magazine editor. Inedit ko lang ng kaunti, adjust lang ng contrast o ano pa.
Sumapit na ang gabi.
Tapos na din ang trabaho ko. Naipadala ko na din ang mga digital portrait through email. Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Ramael. Kumunot ang noo ko sa hitsura niya. Tumayo ako at dinaluhan siya. "Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ko.
"Tumulong ako sa tita mo sa karinderya niya." Sagot niya.
Napaawang ang bibig ko. Seryoso?
He gently snake his arms around my waist. Ang bango pa rin ng isang ito. "Well..." Panimula niya. "Can you tell me what happend earlier, hmm?" He said with his baritone voice.
Napangiwi ako. "Ano kasi..." I paused for a seconds. "May nakasalubong akong lalaki kanina habang papunta ako sa ladies' room. Wala naman siyang ginawa sa akin o ano. Napatingin lang ako sa mga mata niya. And I feel something... Parang may mali..." Pag-anim ko.
Naniningkit ang mga mata niya sa akin. May halong naguguluhan at nagtataka. Hindi niya lang siguro mapunto kung alin doon. "And...?"
"Parang naramdaman ko na rin iyon noon. Tulad nang sa iyo... Parang hindi ako makahinga o ano."
"Really?" Paniniguro niya.
Tumango ako bilang sagot.
Saglit siya natigilan. Parang lumalim ang iniisip niya. Kilala kaya niya ang lalaking iyon? May ugnayan kaya sila? O baka napapaisip siya dahil sa pagtataka?
Naputol ang seryosong usapan namin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming napatingin sa working table ko. Umiilaw ang cellphone ko doon. Marahan akong kumawala mula sa mga braso ni Ramael. Nilapitan ko ang cellphone. Si Shayne ang tumatawag! Bakit kaya? I grab my phone and answer it.
"Shayne?"
Isang upbeat na kanta at ingay ng mga tao ang naririnig ko. Wait, nasa club kaya ang isang ito? "Beeeeettthhhh!!"
"Shayne! Nasa club ka ba?" Kunot-noo kong tanong.
"Can you come over? I need youuu! Huhuhuh!"
Tumaas ang isang kilay ko. Wait, umiiyak talaga ang isang ito?
"Damn it! Kaunti nalang talaga, I wanna die!" Hiyaw niya.
Napaawang ang bibig ko. Tumingin ako kay Ramael na nakatingin sa akin. "Okay, pupunta kami d'yan. Text me kung saan ka Susunduin ka namin." I said and end the call. "Shayne called. Umiiyak. Okay lang na sunduin natin siya?"
Tumango siya. "Alright."
Pagpasok namin sa club kung nasaan si Shayne ay agad namin siyang hinanap. Medyo siya hanapin dahil sa dami ng tao dito lalo na't medyo madilim dito. Isama mo pa ang usok mula sa mga vape at sigarilyo, nagkahalo-halo pa. Tsk.
After few minutes, natagapuan namin si Shayne sa pinasulok. Mag-isa lang siya. Halos tulog na! Don't tell me, lasing na ang isang ito?
"Shayne? Shayne..." Tawag ko sa kaniya at mahina kong tinapik ang kaniyang pisngi.
Umungol lang siya. Nagkatinginan kami ni Ramael. Mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin. Nilapitan niya si Shayne at inakay namin siya hanggang sa nakalabas kami ng club. Medyo pinauna ko na si Ramael para ipasok niya sa back seat ng sasakyan niya ang kaibigan ko. Ihahatid namin siya sa mismong bahay nila. Hawak ko kasi ang gamit ni Shayne. Kinuha ko doon ang cellphone niya para tawagan ko ang ate niya.
Pagkatapos kong tawagan ang ate niya ay may isang kamay na humawak sa aking braso. Dahil sa mabilis na pangyayari ay marahas niya akong isinandal sa pader habang hawak niya pa rin ang isa kong kamay para hindi ako makawala sa kaniya! Nanlaki ang mga mata ko kung sino ang humawak sa akin.
"I-ikaw..." Tanging sambit ko.
"Nice to meet you, Bethany..." He greeted me with his devilish grin.
"S-sino ka..."
Bago man niya ako sagutin ay marahan niyang hinawakan ang chin ko at inangat ang mukha ko upang magtama ang tingin namin. Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. H-hahalikan ba niya ako?!
Pumikit ako ng mariin. 'Ram-'
Dumilat ako nang natumba ang lalaki. Napatingin ako sa gilid ko. Napaawang ang bibig ko nang makita ko si Ramael. Kung nakakatakot siya noong pinatay niya si William, mas nakakatakot siya ngayon! Parang anumang oras ay papatayin niya din ang lalaking ito.
"What are you doing here?!" Mariin at punong puno nang galit nang tanungin ni Ramael sa lalaki.
M-magkakilala sila?
Mahinang tumawa ang lalaki saka tumayo. Hinawi niya paitaas ang kaniyang mukha. "I just want to pass by. Lalo na't ang babaeng iyan pala ang magiging ina ng cambion..." Sagot niya.
Hinawakan ako ni Ramael nang mahigpit. Bakas pa rin sa mukha niya ang galit. "Don't ever touch her, Flavius. Dahil ako ang mismong makakalaban mo."
Muling tumawa ang lalaking tinutukoy ni Ramael na Flavius. "Takutin mo na ang lahat, huwag lang ako, Ramael." Saka matalim siyang tumingin. "I'm here just to make sure if she will carry the cambion in her womb."
Ano bang ibig niyang sabihin?
"Ramael...." Mahinang tawag ko sa kaniya.
Sa halip ay tinalikuran pa namin ang Flavius na iyon. Dumiretso kami sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at tumingin sa akin. "Since you met my younger sister, Lucille. Flavius is the eldest among three of us. He's the right hand of my father... My real father."
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung ano bang irereact ko o sasabihin. Ang tanging naramdaman ko sa ngayon ay kinikilabutan ako.
"Ngayon nandito na siya sa mundo ng mga mortal, hangga't naririto ako, hinding hindi ka niya magagalaw." Malumanay niyang sabi sa akin. "I'm here to protect you, Bethany. No matter what."
YOU ARE READING
Game Over
Novela Juvenil"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.