Chapter 6

5.9K 48 0
                                    


Wala ako sa sarili habang naglalakad ako pauwi ng bahay. Sapo-sapo ko ang aking dibdib. Maingay at abala ang mga tao sa paligid ko. Nakapagpalit na din ako ng damit habang umiiyak ako. Buti nalang ay may tinatago akong damit sa locker...

Bakit nangyayari sa akin ang mga ito? Bakit kailangan kog danasin ang mga ganito? Sa dinami-dami ng tao ay bakit ako ang pinili nilang babuyin? Bakit ako?

"Oh, Beth... Bakit ngayon ka lang?" Nagtatakang tanong sa akin ni tita nang nakarating na ako ng bahay.

Napalunok ako. "M-may tinapos lang po sa school..." Pangsisinungaling ko. "Papasok na po muna ako sa kuwarto..." Hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin ni tita. Nagmamadali akong tumungo sa kuwarto ko.

Sinara ko ang pinto at sumandal doon. Napasapo ako sa aking bibig. Nagsisimula na naman akong umiyak. Pinadausdos ko ang aking likod hanggang sa napaupo ako sa sahig. Marahas kong hinawakan ang aking damit upang ilabas ang galit sa aking sarili.

Bakit hindi ko magawang manlaban? Sa tuwing manlalaban ako, nagiging paralisado ako. Ni mga daliri ko ay hindi ko magawang igalaw! It's so unfair... Sila lang ang malakas, sila lang ang may karapatan...

Pilit kong ilihim ang lahat sa mga kaibigan ko kung ano ang nangyayari sa akin. Mas lalo ako nagiging tahimik tuwing kasama nila ako. Pilit kong kumilos ng normal sa tingin ng mga taong nakapaligid sa akin. Pilit kong mag-aral ng husto para kahit papaano ay hindi ako maapektuhan.

Nabalitaan ko na din na nagresign ang PE teacher. Ipinagtataka ko, inunahan na ba niya ako bago man ako magsampa ng reklamo sa kaniya?

Sinubukan kong itanong kung anong pangalan ng PE teacher na iyon pero bigo akong makahanap ng sagot. Palagi kong nakukuhang sagot ay hindi rin daw nila alam, tanging principal daw ang nakakaalam... Kung ganoon, bakit? Bakit ang principal lang ang nakakaalam ng kaniyang pangalan at hindi ang ibang guro at estudyante dito? Masyadong misteryoso.

Naglakas-loob akong pumunta sa Principal's Office. Hindi naman ako nabigong makausap ang mismong principal at sabihin sa kaniya ang pakay ko.

"PE teacher?" Wari'y nagtataka pa siya. "Wala akong nahired na bagong PE teacher, iha..."

Bahagyang kumunot ang noo ko sa aking nalaman. Mas lalo ako naguluhan. Wala siyang nahired na bagong PE teacher? Eh bakit malaya siyang nakakagala dito sa loob ng campus nang basta-basta? Bakit?

Pilit akong ngumiti. "S-salamat nalang po, Ma'm." Sabi ko at tumayo na. Nagpaalam ako't lumabas na sa kaniyang Opisina.

Pagkalabas ko ay tumigil ako. Dumapo ang tingin ko sa sahig. Malalim ako napaisip. Wala talaga akong makukuhang sagot sa mga katanungan sa aking isipan...

Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga saka pumikit ng mariin. "Kaya mo 'to, Beth... Kaya mo 'to." Bulong ko sa aking sarili.

Sumapit na ang Lunch Break.

Tulad ng kinagawian, sumama pa rin ako sa mga kaibigan ko para kumain. Mahihirapan ako kapag nag-iisa ako. Sa tuwing nag-iisa ako ay hindi mapigilang sumasagi sa aking isipan ang mga imahe na nangyayari sa buhay ko. Ang lalaki sa aking panaginip, ang lower class man na gumahasa sa akin pati ang PE teacher na iyon. Anong pakay nila sa akin para sirain nila ang buhay ko?

"Beth, may napapansin ako." Biglang kinausap ako ni Shayne habang kumakain kami.

Tumingin ako sa kaniya. "Ano 'yon?"

"Binasted mo ba si Wiliam?" Diretsahang tanong niya sa akin.

Saglit ako natigilan. Lumihis ang tingin ko sa direksyon kung nasaan si William, nasa isang mesa siya, kasama niya ang mga kaklase niya. Nagkukwentuhan at nagtatawanan. Bumaling ako kay Shayne na naghihintay ng aking sagot. "Oo." Sabi ko.

Napaawang ang bibig nila ni Carmz na parang hindi makapaniwala, habang si Jasmine naman ay seryoso lang nakatingin sa akin.

"S-seryoso?" Sabi ni Shayne na kulang nalang ay tumalsik ang kanin mula sa bibig niya.

"Kailan pa?" Segunda pa ni Carmz.

"Kahapon." Sagot ko at yumuko. Ipinagpatuloy ang aking pagkain.

"Anong sabi naman ni William sa pambabasted mo sa kaniya?" Si Jasmine naman ang nagtanong.

"Noong una, hindi niya tanggap pero alam ko matatanggap din niya iyon. Marami pa siyang makikilala na higit pa sa akin." Seryosong tugon ko sa kanila. "Mga bata pa naman tayo, marami pa tayong makikilala, marami din tayong goals sa buhay. Iyon ang iniisip ko sa ngayon."

Nagkatinginan sina Carmz at Shayne, habang si Jasmine naman ay tumango na parang sang-ayon sa aking sinasabi.

"Isang William Peñaranda, binasted?!"

Rinig namin mula sa mesa kung nasaan si Wiliiam. Napatingin ang tatlo doon, maliban lang sa akin. Alam kong hahantong sa ganito ang pambabasted ko sa kaniya.

"Ang tanga naman n'on, Liam." Rinig kong boses ng babae. "Guwapo, mayaman, at matalino... Tapos, babastedin lang ng isang walang kwentang babae? Ha!"

Bumaling sa akin si Jasmine. "Gusto mo bang patulan ko ang mga iyon?" Tanong niya sa akin.

"Hayaan mo lang sila, magsasawa din ang mga iyan." Seryosong sagot ko, ipinagpapatuloy ang aking pagkain.

"Ano ba kasing nakita ko sa kaniya, Liam? She's just a freaking nerd, a nobody, malinaw na hindi kayo bagay! Duh!" Dagdag pa ng babaeng iyon.

"Pinaparinggan ka, beshy." Naiinis at mariing sabi sa akin ni Shayne. "Sabihin mo lang, gugulpihin ko ang hinayupak na babaeng iyon."

"Back up ako." Segunda pa ni Carmz.

"Huwag ninyong ibaba ang lebel ninyo sa isang tulad niya." Sabi ko tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid ko.

Tumayo na ako. "Tapos na akong kumain. Tara na." Aya ko na sa kanila at humakbang paalis na ng Cafeteria.

Hindi ko inaasahan na magiging usap-usapan ang balita na pambabasted ko kay William. Kung sabagay, kilala din siya sa eskuwelahan na ito. Galing siya sa kilala at bueña familia, Bukod pa doon ay kasali siya bilang varsity player ng basketball team at sa student council.

Bakit ba kailangang patulan ang mga ganoon? I mean, kung gusto niya si William, eh di dapat sabihin niya ng idretsahan sa kaniya, hindi iyong nanahimik ako dito, guguluhin pa nila. Hindi naman ako 'yung tipo na kailangan patulan o kumagat porke ako ang nililigawan ng isang kilalang estudyante sa eskuwelahan na ito. Famewhore ang tawag doon. At hindi ako ganoon.

Sa bawat dinadaanan ko ay walang mata na nakatuon sa akin pagkatapos ay magbubulungan pa. I released some of a small sighs everything they doing that. Pilit kong kumilos ng normal na aayon sa aking lebel. Ayokong patulan o mapikon, hangga't maaari pa ay titiisin ko nalang hanggang sa makagraduate ako. Tutal ay isang taon na din naman. Kakayanin ko pa naman.

"Bakit ba kasi tayo nandito?" Naiinis na tanong ni Jasmine kay Shayne. Nandito kami ngayon sa loob ng Coffee Shop na malapit sa Stoneford University.

"Saglit lang naman kasi, may inaabangan ako." Sabi niya na nakatitig sa pintuan ng Coffee Shop.

Napakamot ng ulo si Jasmine, nakahalukipkip naman si Carmz habang ako ay prente lang nakaupo dito, hawak ang macchiato.

"OMG! Nand'yan na sila!" Pinigilan mapatili si Shayne sabay pinaghahampas niya ang braso ni Carmz.

"Sino ba kasi?" Naiinis na tanong ni Jasmine.

"Sila." Sabay turo ni Shayne ang pintuan.

Sabay kaming napatingin sa naturang pinto. Nagbukas iyon at isa-isa pumasok ang isang grupo ng mga babae at lalaki. Tumalikwas ang isang kilay ko. Hindi mapigilang mamangha nang makita ko ang mga magagandang lahi na nasa harap namin.

"OMG, nandito si Farris Wu, Dominic Kim... Si Jaxon Figueroa, Si Xander Do, Howard Oh... Si Harold Kim, Maynard Magdalo. Ughh... Ang ganda talaga ni Bella at Jester pati ang kakambal niyang si Eula! Huhuh!" Pinipigilang bulalas ni Shayne.

Napatingin kami sa kaniya. "Kilala mo ang mga iyan?" Hindi makapaniwalang tanong namin sa kaniya.

Umingos siya. "Malamang, anak sila ng The Twelve Heirs, noh." Sagot niya sabay kinuha niya ang kaniyang Frappe at sinipsip niya iyon.

"The Twelve Heirs?" Ulit pa ni Jasmine.

"Oo, generation by generation ang pagkakaibigan nila. Mula sa mga lolo at lola nila, hanggang sa mga magulang nila hanggang sa kanila na... Ang cool kaya nila. Hahaha!"

Hindi ko na nasundan pa ang mga sinasabi ng kaibigan ko. Parang may nag-utos sa akin na tumingin sa pinto.

Muling nagbukas ang pinto.

Tumambad sa akin ang isang pamilyar na lalaki. Wait, siya 'yong college student na nakita ko noong nakaraan, kung hindi ako nagkamali. Mala-anghel ang histura... Pero kahit ganoon ay pakiramdam ko talaga may mali.

Nagtama ang mga tingin namin. Seryoso ang kaniyang mukha habang patuloy siya sa paglalakad. Parang nagslow motion ang nasa paligid ko... Ilang saglit din ay binawi na din niya ang tingin na iyon hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo.

Biglang bumuhay ang kaba sa aking dibdib.

Anong ibig sabihin nito?

Game OverWhere stories live. Discover now