Chapter 23

3.7K 41 0
                                    


I got a grumbling stomach with a dinner buffet at the dining table. Paniguradong masasarap ang mga iyon. Hindi ko alam na talagang pinaghandaan nga ni Ramael ang gabi na ito. Beef pot roast, honey glazed spare ribs, pescado ala romana and fresh garden salad with dressing and fruit platter in season ang nasa mesa. This date was so grand and really luxurious.

I really appreciate this. Hindi talaga mawala-mawala sa kaniya ang mga ganitong sopresa. Mukhang hindi siya mauubusan.

"I hope you like my surprise for you, baby." Wika ni Ramael bago kami kumain.

Isang malapad na ngiti ang binigay ko. "I love it, Ram. Sobra-sobra na nga, eh." Then I chuckled. "Hindi ka talaga nauubusan ng sweet bones sa katawan, my dear boyfriend."

Napangiti na din siya. "I'll do everything just to make you happy and I'll always see your smiles." He said.

Habang kumakain kami ay napatingin ako sa papalubog na araw. This is the first time. Watching the sunset with my boyfriend. Siguro dahil sa no boyfriend since at hopeless romantic ako noon ay pinapangarap ko din na makasama ko ang magiging first boyfriend ko na mapanood ang ganito. Ganito pala ang feeling. I feel delighted. Kahit naman na wala na ang ganito, sobrang saya ko na dahil kahit simple lang naman ang ibigay sa akin ni Ramael ay masaya na ako doon...

It's a one hour tour yacht tour pala ito. Hindi na din masama. Tanaw ko ang Manila Skyline, Solaire and Mall of Asia. Mas lalo ako nasiyahan nang mapanood namin ang fire display sa MOA. Mas lalo nadagdagan ang kasiyahan na nararamdaman ko. This is such a wonderful experience with him. Dobleng swerte ko pagdating sa kaniya.

Ramdam ko ang pagyapos niya sa aking bewang habang pinapanood namin ang fireworks. "Fireworks are sign of happiness, Bethany. I want to celebrate how much I'm grateful that you now mine." Anas niya sa aking tainga. Niyakap na niya ako mula sa likuran. Ginawaran niya ng isang maliit na halik ang aking balikat bago man niya ipinatong ang chin niya doon. "I promise I'll take you anywhere you want."

"Ram naman..." May halong hiya nang sambitin ko ang pangalan niya. "Simple life is enough. Basta ang gusto ko lang, makasama lang kita. Iyon lang."

"Malapit na, baby. You should be ready in my next move. Hmm?"

**

Tumigil na ang sasakyan ni Ramael sa bahay namin. Pinark niya iyon sa tapat. Oh, bukas pa pala ang karinderya ni tita? Pansin ko, mas dumami ang mga kumakain doon.

Unang lumabas si Ramael hanggang sa pagbuksan niya ako pinto. Hawak niya ako sa bewang hanggang sa pumasok kami sa naturang karinderya.

"Ay, nariyan na kayo!" Tuwang-tuwang bulalas ni tita Tilda nang makita niya kami. Agad niya kaming sinalubong. Niyakap niya ako. "Kumain na ba kayo?" Tanong niya sa amin.

"Opo, tita." Masayang tugon ko. "Mukhang mas dumami ang costumers ninyo..." Karamihan pa ay mga babae!

Bumungisngis si tita. "Papaano kasi, may inaabangan sila..." Tumingin siya kay Ramael at ngumuso. "Dahil sa kaniya."

Tumaas ang kilay ko at bumaling kay Ramael. May bakas sa mukha ko ang pagkamangha. "May fans ka na pala." At tumawa ako.

Kumunot ang noo niya. "Fans?" Ulit pa niya, parang hindi niya alam ang ibig kong sabihin doon.

"Tagahanga. Marami ka nang tagahanga dahil sa kaguwapuhan mo." I said with a tease.

"Tilda! Nand'yan na ba ang boyfriend ng pamangkin mo?" Biglang tanong ng isang bakla na nasa bandang likuran namin.

Sabay namin nilingon ni Ramael iyon. Napaawang ang bibig ko kasi over naman sa pagiging fashionista ang isang ito. Gabi na nga pero nakasuot pa siya ng Rayban sunglasses. Nasaan ang sense ng fashion niya dito? Hmm...?

"Ay, buti pala naabutan kita, pogi!" Tili ng bakla sabay dikit kay Ramael.

Ramdam ko na mas humigpit ang pagkahawak ni Ramael sa bewang ko. Na tila ayaw kong pakawalan!

Bago ulit nagsalita ang bakla ay may dinukot siya mula sa kulay dilaw niyang coat. Inabot niya iyon kay Ramael. Tinanggap naman niya. Sabay naming binasa ang nakasulat. Nagkatinginan kaming dalawa na may halong pagtataka. Sabay kaming bumaling sa bakla na parang naghihintay sa aming sagot. Talent scout pala siya?

"Guwapo ka naman, maskulados ang datingan mo! Hindi ka lang pang model, pwede ka rin maging artista, pogi!" Talagang binago pa niya ang boses niya na parang nang-aakit.

"I refuse." Diretsahang sagot ni Ramael.

Laglag ang panga ng bakla sa sagot ni Ramael.

Natawa naman kami ni Tita Tilda sa reaksyon niya.

"Ha? Bakit naman? Sayang naman ang gandang lalaki mo kung hindi mo ipapakita sa mundo, pogi! Mas kikita ka ng malaki dahil sa mga offer sa iyo."

"I am not interested. I have a permanent work." Mas idinikit pa ni Ramael ang katawan ko sa kaniya. "I'm a part time businessman and soon to be her full time husband and a father of our future kids. So, you may now leave." Pasuplado niyang sagot at sabay na naming tinalikuran ang baklang talent scout. Hindi kaya masyadong harsh 'yung sinabi ni Ramael doon? Pero, infairness, kinilig ako sa sinabi ng boyfriend ko. Lihim ko kinagat ang aking labi para pigilin ang kilig ko.

Naiwan yata naming tulala at hindi makapaniwala ang bakla dahil sa sagot at inakto nito ni Ramael. Kung sabagay, pabor din naman ako sa desisyon niya. Medyo magulo kasi ang industriya sa mga artista. Kung papasukin man ni Ramael iyon, paniguradong malulula siya.

**

Hindi na nag-abalang magcheck in si Ramael sa mga sa hotel or inn dahil mas gusto niya daw ako kasama kaya dito siya magsestay dito sa bahay namin. Okay lang naman sa akin. Pero nakakaloka lang, gustong gusto talaga niyang magkatabi kami matulog dito sa mismong kuwarto ko. Si tita Tilda naman, ayon, push na push. Wala siyang pake, eh. Basta ba kikiligin siya, no problem. Hays!

"Nakahanda na ang damit pamalit mo, Ram." Sabi ko sa kaniya. Ipinatong ko ang mga damit niya sa kama.

"Thanks, baby." Masuyo niyang sabi. Ipinatong niya ang tuwalya sa balikat niya. "Gusto mo bang sumama sa akin o makisabay?" May halong pang-aakit na naman nang sabihin niya iyon.

"Tumigil ka nga, sige na. Ako naman ang maliligo pagkatapos mo." Natatawang sabi ko.

Natawa din siya at iginiya niya ang sarili niya patungong banyo. Pagkasara niya ng pinto, ay tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyon binasa ang text message. Galing kay Carmz?

Carmz :

Hey, I miss you na, girl! Kita naman tayo bukas. Ano? Bonding!

Ngumuso ako pagakatapos kong basahin ang kaniyang mensahe. Magpapaalam ako mamaya bago kami matutulog ni Ramael.

Pagkatapos ng sampung minuto ay lumabas na rin si Ramael. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang nakatapis lang sa ibabang parte ng kaniyang katawan! Wet look pa! Oh my, tumutulo pa ang tubig mula sa dulo ng buhok niya. Uhm...

"I told you, sumabay ka na sa akin sa pagligo." Nakangisi niyang sabi.

Napalunok ako't umiwas ng tingin pero nahagip ng aking paningin ang isang parte ng kaniyang katawan. Sa kaniyang tagiliran. Kumunot ang noo ko. Tumayo ako saka lumapit sa kaniya. Alam kong nagtataka sya sa kinikilos ko. "Saan mo nakuha iyan?" Tanong ko sa kaniya, which I refer the scar shot. Umangata ng tingin ko sa kaniya. Bakas sa aking mukha na humihingi ng kasagutan sa aking tanong.

I saw him adam's apple moved. Is he nervous? May dapat ba akong huwag malaman tungkol sa kaniya? I was curious. He promised me, he will tell his story someday. Hindi pa ba ang tamang pagkakataon ngayon na malaman ko naman ang tungkol sa kaniya?

"If you don't want to share it, it's alright. I understand." Nakangiting sabi ko.

Kita ko ang pagbuntong-hininga. "I will. Just a second." He moved. Nilapitan niya ang mga damit niya na nakapatong sa kama. "I'll tell everything once you done at the shower, baby." Then he smiled.

Tumango ako at ako naman ang pumasok sa loob. Bakit parang kumalabog ang puso ko? Kinakabahan na ano? Ramdam ko din ang takot... Curious na din ako sa nangyari sa kaniya noon.

Hindi rin naman ako nagtagal sa shower. Nakabihis na din ako pagkalabas ko. Nadatnan ko si Ramael na prenteng nakahiga sa kama. Mukhang hinihintay na nga niya ako.

Dumiretso ako sa gilid ng kama at umupo hanggang sa nakatabi ko na siya sa paghiga. "Are you okay? Are you sure na sasabihin mo sa akin? Kung hindi ka pa handa, ayos lang din naman sa akin." Masuyo kong sambit.

He offer me a small smile. "It's alright, baby. You have rights to know about me because you are my girlfriend. I promised, no secrets." Then he plant a kiss on my temple. "Eight years ago. Iyon ang panahon na naging anyong tao na ako... No home, tanging pagkain lang sa gubat ang dahilan para makasurvive ako... Then one day, I was looking for a food for dinner, I got a gun shot. Of course, I got unconscious until one morning, I woke up. Dalawang matandang lalaki ang nakita ko. Kasama na doon ang matandang butler sa mansyon, and the other one is Master Oliver Black."

Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagkukwento. Naroon ang antisipasyon at kuryusidad sa aking mga mata.

"That was an accident. Hindi niya alam na may tao sa gubat dahil madalas siya nangangaso doon. Hunting is his hobby. And he found out, wala akong pamilya. In order to survived, nagsinungaling ako. Sinabi ko na naglayas ako sa masamang kamag-anak at parehong patay na ang mga magulang ko para pagtakpan ang totoo kong pagkatao." Seryoso niyang pahayag. "He decided to adopted me. Binigay niya sa akin ang pangalan niya. Binihisan, pinatira, pinaaral, pinakain. Palagi akong pasado sa acceleration exams kaya madali para sa akin na makapag-aral ako ng kolehiyo. Business management. He wants me to manage all of his business, someday."

Napasinghap ako. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan niya...

"Ang akala ko noon, wala lang sa akin ang pera at kayamanan na meron ako ngayon. Ang akala ko puro pagtatakbo lang ng mga kompanya ang alam ko sa loob ng walong tao. Pero," He paused. He staring at me. He hold my hand so tight. "Hindi ko alam na may isa na naman akong natutunan sa pagiging anyong tao ko. Iyon ay mahalin ka, Elizabethany Arles."

I gasped. "Y-you know my... Real name?"

He smirked. "Of course, alam ko ang lahat tungkol sa iyo." Mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. "You are my favorite person, baby. I know everything about you."

Napalunok ako. "Ayan ka na naman, eh." Saka inirapan ko siya. "Ang stalker mo talaga pakinggan."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "I'm not a stalker, I'm just your admirer who was head over heels with you." Then he chuckled.

Ngumuso ako. "Ewan ko sa iyo. Siya nga pala... Nagtext sa akin si Carmz bukas. Inaaya niya ako. Bonding daw." Pag-iiba ko ng usapan.

"Then I'll go with you."

Pilit kong titigan siya ng diretso sa kaniyang mga mata. "I was worried it'll bored you to death. You know, girl's stuff..." Sabi ko.

"No, it won't. I'll come with you." Sabi naman niya. "Just when it comes to you, I'll never be bored, baby." Then he plant a light kiss in my lips before we sleep.

Game OverWhere stories live. Discover now