Epilogue

7.1K 99 50
                                    

Tunog ng sirena mula sa sasakyan ng mga pulis at ambulasya. Isang aksidente ang bumulagta sa akin pagdating ko sa pinangyarihan ng aksidente. Nakita ko kasi ang pamilyar na sasakyan kanina at umiba ang pakiramdam ko nang makita ko ang mismong aksidente! Hinahanap ng aking mga mata ang taong kailangan kong makita. Natigilan lang ako nang may nakita akong isang pares ng medic na may hawak-hawak na stretcher. Namataan ko kung sino ang nakahiga doon. Agad ko iyon nilapitan at hindi nga ako nagkamali.

"Sir!" Malakas na tawag ko sa may-edad na lalaki. Napatigil ang dalawang medic. Duguan siya. May iilang bubog na nakadikit sa kaniyang katawan.

Bahagyang iginalaw niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin sa pamamagitan ng mapupungay niyang mga mata. "R-Raziel..." Nanghihina niyang tawag sa akin.

Sinikap niyang mahawakan niya ang aking kamay. Pilit siyang ngumiti sa akin."B-bantayan mo ang a-nak ko, R-Raziel...P-pakiusap... E-Elizabethany..." And he slowly close his eyes.

Natigilan ako. Kusang umalis na ang mga medic sa harap ko. Nanatili akong nakatayo na parang wala sa sarili. Elizabethany? Elizabethany Arles?

Professor Arles is such a great man. Hindi lang siya propesor kung ituring sa Stoneford, kungdi magulang sa aming mga estudyante niya. Kaya nang nalaman ng buong eskuwelahan tungkol sa pagkamatay niya—pati ng asawa niya ay labis nagdalamhati ang naramdaman nila... Lalo na ang naiwan nilang anak.

Hindi ko gaano maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Panay iyak niya habang inaalo siya ng isang babae. Pero nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Tulad ng gusto ni Prof. Arles, poprotektahan ko ang anak niya anuman ang mangyari.

Sinundan ko siya hanggang sa unang pagkakataon ay nagtama ang mga mata namin. Sa isang Coffee Shop malapit sa Unibersidad. Hindi ko mapigilang mamangha sa kagandahan niyang taglay. Parang tumigil ang nasa paligid ko at ganoon din ang naramdaman ko nang mga sumunod pa.

"What do you want from her?" Seryosong tanong ko sa lalaking ito nang marahas ko siyang isinandal ko sa pader sa isang eksinita. Nagpapanggap siyang PE teacher ngayon. Tss.

Ngumisi siya nang nakakaloko sa akin. Pinagpag niya ang kaniyang sarili at hinarap niya ako ng maayos. "She's my host." Kaswal niyang sagot. "She's gonna be the mother of my child."

Nagtiim-bagang ako. "I will never let that happen." Mariin kong sambit.

"But you're late. I touched her last night."

Parang nayanig ang mundo ko sa aking narinig. What the...? Walang sabi na kinuwelyuhan ko siya. "How dare you, you demon!"

Marahas niyang tinanggal ang mga kamay ko sa kaniya. "Don't ever touch me, you fucking angel!" Sigaw niya sa akin. "If I were you, don't butt in. She's my fucking business for hell's sake." And he left.

Kinuyom ko ang aking kamao. Pumikit ako ng mariin. I feel I lost. I feel I'm failed to protect the innocent and lovely girl.

Gumawa ako ng paraan para tuluyan nang makalayo ang demonyo na iyon kay Beth. Hindi pwedeng hindi. Kailangan maputol ang nakatadhana para sa kawawang dalagita. Hindi siya pwedeng maging ina ng cambion dahil malagim ang sasapitin niya sa takdang panahon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa mga incubus. At hindi nga ako nagkakamali. Gumawa na siya ng aksyon para mataboy ang demonyo na tulad n'on.

Hinayaan ko muna si Beth sa loob ng walong taon. Hindi ako pwedeng lumapit sa kaniya ng basta-basta ulit. Kailangang mabura sa isipan niya ang tungkol sa masamang nilalang na iyon.

Isang beses ay bumisita ako kung saan siya nagtatrabaho.

"Hmm, may I know where's Bethany Arles?" I asked.

Bumaling sa akin ang babae at napatayo sa gulat. "A-ah, wala siya ngayon... Nasa Batangas. M-may shoot."

Naniningkit ang mga mata ko. "Where in Batangas, if you don't mind?"

"Nasugbu."

I gritted my teeth. Damn it. Masama ang kutob ko, ah. Hindi kaya...

Walang sabi na tinalikuran ko ang babae. Nakalimutan ko pang magpasalamat sa kaniya dahil kailangan kong magmadali. Hindi pwedeng mapalapit si Bethany sa kaniya! Alam kong gagawa talaga ang paraan ang nilalang na iyon para maangkin niya ng buo si Beth! Talagang desidido siyang gawing ina ang magiging anak niya! Kainis!

"Hey!" Masiglang bati ko sa kanila pagkapasok nila sa opisina na ito.

Alam kong hinding hindi magugustuhan ng masamang nilalang na ito na nadito ako ngayon. Na muling nagkrus ang mga landas namin habang si Bethany ay nagtataka.

"What are you doing here?" Mariin at galit na tanong ng Ramael na ito sa akin.

Mas lumapad ang ngiti ko saka bumaling kay Bethany.. "Because of her."

Nilapitan ako ang aking sadya at walang sabi na hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Kamusta ka na? Tagal na natin hindi nagkita, ah!" Masayang sabi ko. Alam kong mas ikakagulatniya na bigla ko siyang niyakap. "Namiss kita!"

Dahil doon ay pwersahan akong hinawakan ni Ramael at tinulak. Binigyan niya ako ng sapak sa mukha! What the?!

"Don't dare to lay your hands at her!" Bulyaw niya. "Once you touch her, I will kick your ass outta here., Raziel!"

Dahan-dahan akong tumayo. Mas lalo pa akong ngumisi nang nakakaloko. "Hindi ko siya hahawakan pero hindi ko siya pwedeng iwan, Ramael." May bahid na seryoso nang sabihin ko iyon.

"Bethany, leave us for a while. I need to talk to him." Seryosong sabi ni Ramael sa kaniya. "Man to man." Matalim niya akong tiningnan.

Nang umalis si Bethany ay tumayo siya.

"Alam ko ang tunay mong dahilan kung bakit nandito ka, Raziel. Para manggulo?" Galit niyang tanong.

"Ikaw ang gumugulo ng buhay niya, Ramael. Sa umpisa palang." Naging seryoso na din ako.

"This is her fate, that's why." Saka ngumisi siya. "Why you need to protect her? Do you like her?"

Natigilan ako. He got me there. G-gusto ko nga ba si Bethany? K-kaya ko ba ginagawa ang mga bagay na ito? Kaya ba pinoprotektahan ko siya laban sa kaniya?

I admit, I like her. Siguro noong unang nagtama ang mga tingin namin. Kailangan ko lang itago ang tunay kong pagkatao sa kaniya. Kaya kailangan kong ilihim sa kaniya ang tunay na dahilan kung bakit kailangan kong manatili sa tabi niya... It's because of her father's sake. Ayokong gawin iyon sa salita... Kailangan sa gawa.

I choose to step back. Habang nakikita ko kung papaano nahuhulog si Beth kay Ramael at ganoon din si Ramael sa kaniya ay kailangan ko talagang ilihim ang nararamdaman ko. Anghel nga ako pero sa tingin ko ay hindi ako ang nararapat para sa kaniya. Nakikita ko na magiging mas masaya pa si Beth sa piling ni Ramael kaya kahit nasasaktan na ako, susuportahan ko nalang ang pagmamahal nila kahit may parte sa aking puso na nasasaktan ako. Dinadaaan ko nalang sa biro ang lahat para hindi nila mahalata iyon.

"You really like her." It's a statement, not a question.

Napatingin ako kay Lucille habang nakatitig sa akin, may hawak siyang kopita at naririto kami ngayon sa garden ng masnyon ni Ramael. Nasa Manila kasi sila ngayon at sinasamahan niya ito sa photo shoot sa Camiguin kaya kami lang ni Lucille ang naiwan dito. "How do you say so?" Saka mahina akong tumawa.

She smirked. "Halata ka naman, eh. Pero ewan ko lang kay Beth kung nahahalata niya din iyon pero tingin ko ay hindi. Kasi inlove na inlove siya kay kuya." And she sip her wine.

"Mas maganda nga na huwag nalang niyang malaman o mahalata." Sabi ko at tumingin sa langit. "Para walang gulo."

"But I like you."

Nanlaki ang mga mata ko sabay baling sa kaniya. Nagtama ang mga paningin namin. "Don't kidding around, Lucille."

She chuckled. "Kung nagbibiro ako, eh di sana hindi ako nag-iinom ngayon at sabihin sa iyo kung anong nararamdaman ko." Seryoso ang kaniyang mukha. "Pero hindi tayo pwede, Raziel. Hindi rin pwede sina kuya at Beth. Masyadong komplikado. The world was cruel. Hindi tayo nabigyan ng pagkakataon para ipakita natin ang tunay nating nararamdaman."

Ginawa ko ang lahat para maprotektahan sina Bethany at ang anak nito tulad ng hinihiling ni Ramael. Mahirap para sa akin. Kahit na magkalaban ang turingan namin ay hindi ko maipagkakaila na nagiging mabuting kaibigan siya sa akin. Kahit na alam niya na may gusto ako sa asawa niya ay nagawa pa rin niya akong pagkatiwalaan kahit na hindi dapat.

Pero nang makita ko si Lucille sa mismong harap ko na walang buhay, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Parang nayanig ang mundo ko.

"Kung kailan mahal na kita, saka mo akong iniwan." Halos mabasag na ang boses ko nang matapos kong bitawan ang mga abo ni Lucille dito sa dagat.

Napahawak ako sa aking damit sa bandang dibdib. Parang pinipiga ang puso ko. Masakit lang. Dahil hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para ipakita sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Kung dati ay si Bethany ang gusto kong protektahan ng mga oras na iyon. Kung nagawa ko lang pala siyang pigilan para makaharap niya si Flavius. Hindi sana siya namatay.

Namatayan ako ng dalawang kaibigan at minamahal.

Masakit pero kailangan kong kayanin. Hindi ko lang magawang sabihin sa tiyahin at mga kaibigan ni Bethany tungkol sa nangyari sa kaniya.

Kailangan kong umalis dito sa Batangas. Kailangan kong magpakalayo. Hindi bale na iwan sila ni Bethany nang walang kaalam-alam... Huwag lang nila malaman ang totoong nangyari sa mag-asawa dahil alam kong hinding hindi sila maniniwala.

Tumigil ako sa tuktok ng burol. Dumadapo sa aming balat ang sariwa at malamig na hangin. Maganda ang panahon ngayon. Maulap at hindi naman matirik ang araw. Tamang tama lang.

Bumaba ang tingin ko sa aking mga bisig. Mahimbing na natutulog ang dalawang sanggol. Rhys and Lilith. They are both cambion. Magkaiba ang mga magulang ngunit iisa lang ang magiging kapalaran ng dalawang batang ito sa oras na nasa takdang edad na sila.

Noong ipinanganak sila, wala silang mga pulso ngunit may mga pakiramdam sila. Marinig lang ang mga iyak nila ay buhay na sila. At normal iyon para sa may mga lahing demonyo.

Napatingala ako sa langit. Mapait akong ngumiti. "Ramael... Bethany... I promise, I will take care Lilith for you. And Trish, aalagaan ko din ang anak mong si Rhys. Papalakihin ko silang mabuti. Poprotektahan ko sila tulad ng gusto ninyo." I paused for a moment. "Lucille, I'll wait for you even thousand years... I love you..." Marahan akong pumikit.

Ramdam ko ang kakaibang hangin sa aking katawan. Parang may yumapos, humawak sa akin... Alam kong sila iyon.

Dumilat ako at tinginan ulit ang mga bata sa mga bisig ko. "From now on, I'll be your Uncle Raziel. I'm gonna be your mother and father for you."

** THE END **

AUTHOR'S NOTE : Thank you so much for reading Ramael & Bethany's story!

Game OverWhere stories live. Discover now