[ Ramael's POV ]
Kanina pa ako hindi mapakali. Inis na inis ako. Ang tagal naman tingnan ng doktor si Bethany. Pumaparito't pumaparoon ako. Basta hindi ako mapakali. Alam kong nahihilo na ang dalawa kong kasama dahil sa ginagawa ko.
"Kuya, can you please stop? Nahihilo na kami ni Raziel sa iyo, oh." Iratadang suway niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Pinili ko nalang na huwag nalang magsalita. Basta ang sa akin lang ay kailangan kong malaman kung ano na ang nangyayari kay Bethany! Iba din ang pakiramdam ko. Alam kong uminom siya sa naturang bar na iyon. Tang ina. Hinding hindi mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyayari sa kaniya na masama!
Napatingin kaming lahat sa pinto nang lumabas na doon ang doktor pati ang kasama nitong nurse. Agad ko sila nilapitan. "What happend to her? Is she alright?" Hindi ko mapigilang itanong iyon.
Humarap sa akin ang doktor. "Okay na siya. She's under alcoholic beverages. Kumuha na din kami ng samples para malaman kung talagang nakatake siya ng drugs." Sagot niya. "Bukas ay ipapadala ko ang resulta, Mr. Black."
"Ihatid ko na po kayo sa labas, dok." Rinig kong alok ni Raziel sa kaniya.
Tumango ang doktor at sinundan niya si Raziel palabas sa mansyon na ito. Papasok na sana ako sa kuwarto nang bumaling ako kay Lucille. "You should take some rest , too. See ya tomorrow."
Ngumiti siya at tumango. "Ikaw din, kuya. Please take care of her. See you." Then she left.
Tuluyan na akong nakapasok sa loob ng kuwarto. Nilapitan ko ang kama kung nasaan nakahiga ngayon si Bethany. Nakapagpalit na din siya ng damit. She's now wearing victoria night gown bilang pampatulog niya. Umupo ako sa gilid at marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. She's peacefully sleeping right now.
I know, she's scared. She saw everything a while ago.
Hinayaan ko lang na masaksihan niya ang karumal-dural na sinapit ng Wiliiam na iyon. Yes, I know that guy. Siya ang dating nanliligaw kay Bethany. Galit na ako noon pa sa kaniya pero mas nadagdagan pa ang galit dahil sa ginawa niya-I will never forgive that asshole. Kahit na pinatay ko na siya.
"You think, she has a potential to make a cambion with you?" They asked me.
Tango lang ang naging sagot ko habang nakatitig lang sa kaniya.
Noon palang ay sinusubaybayan ko na siya. Isang beses palang na pumasok ako sa panaginip niya, alam kong masyado pa siyang bata para gawin ko sa kaniya ang bagay na ito pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko. Bukod pa doon ay hindi naman niya agad malalaman na ako iyon dahil wala pa akong katawan. At ang unang plano ko talaga ay mabigyan niya ako ng anak mula sa kaniya ngunit mukhang nagkamali pa yata ako.
"Buhat nang nagkrus ang mga landas natin, Bethany, masyado ka bata. You're now a fully grown beautiful and alluring. Ngayong may katawan na ako, malayang malaya na akong makakalapit sa iyo. Malaya na kitang mahawakan, makausap..." Mahinang sabi ko.
Being harsh on her is my nature. But it turns upside down.
I didn't know I could feel this. Ang pakiramdam na nararamdaman din ng mga tao. I care, I scare and I'm falling. Hindi ko akalain na mararamdaman ko iyon sa kaniya...
Hinawi ko ang takas niyang buhok mula sa kaniyang mukha. Napangiti ako nang masilayan ko ang maamo niyang mukha.
"Out of thousand ways to find happiness, I choose to look at you." Sabi ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak ko sa kaniyang kamay. "I want to be honest with you, Bethany. I don't want to keep secrets. I want you to be comfortable when you're with me. I really want to feel you when you are around me." I plant a small kiss at the back of her palm. "Mukhang tama nga si Raziel. I'm completely in love with you."
I sighed.
Gumalaw na ako at tumabi ako sa kaniya sa pagtulog. Humarap ako sa kaniya. "Good night, mother of my child. I'm looking forward for you beautiful smile. I hope you can talk to me..."
**
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Mukha ni Bethany ang bumungad sa akin. Magkaharap kami ng higa.
"Ramael..." She softly called my name. "Morning..." Then she give me her sweetest smile.
Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. The last time I check is, she's mad at me. She's ignoring me, but suddenly... Nasa harap ko siya ngayon, siya ang bumungad sa aking umaga, at binigyan niya ako ng kaniyang ngiti. "Bethany..." Mahina kong tawag sa kaniya, namamaos.
"Thank you." Sabi niya.
"For?"
"For saving me." Aniya.
Natigilan ako saglit. I don't know what to say. Basta ang alam ko, this lady give me butterflies on my stomach. "H-hindi ka na galit sa akin?" Imbis ay iyan ang naging tanong ko.
"Ako dapat ang magtanong niyan sa iyo, eh." Malumanay niyang sambit. "I was stubborn. Dahil doon ay muntik pa akong mapahamak."
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. "It's my duty as the father of your child." Sabi ko. Masuyo kong hinawakan ang kaniyang kamay at hinalikan iyon. "Bethany, I'm inlove with you. I want to protect you no matter what. I want to give my everything I have for you. I want... I want you to stay with me."
Nankatitig lang siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Y-you're inlove... With me?"
"I hope you can accept me. Although I'm a demon, I'm willing to give up. I'm willing to change..."
"Tanggap ko naman kung ano ka pa." Aniya.
What?
"I'm inlove with you too, Ramael."
T-totoo bang narinig ko? She's inlove with me?
Parang pinipiga ang puso ko. Parang hindi ako makahinga. Dahil ba sa galak ito?
"Desidido na ako, Ramael. Payag na ako..."
Hindi ko mapigilang mapangiti. Dahil doon din sa aking emosyon ay walang sabi na umibabaw ako sa kaniya. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong mahalikan siya sa kaniyang mga labi.
Damn. Oo, ginalaw ko siya ng ilang beses pero ngayon ko lang siya nagawang halikan. Ngayon ko lang naramdaman ang kaniyang mga labi. Ganito pala ang pakiramdam kapag hinalikan mo ang babeng gustong gusto mo.
"I... I love you, Bethany." Namamaos na sabi ko na nakatitig ng diretso sa kaniyang mga mata.
Ngumiti siya. Marahang dumapo ang kaniyang maiinit na palad sa aking pisngi. "I love you too, Ramael."
Natigil lang ang magandang eksena nang biglang may kumakatok. "Hoy! Ramael! Gising na ba si Bethany?! Nakahanda na kami ng almusal dito! Lumabas na kayo! Oh, ayan! Kumakatok na ako, ha?!" Rinig kong sigaw ni Raziel mula sa labas ng kuwartong ito.
Putang ina talagang gagong ito. May oras talaga na panira.
"Gutom na ako, Ramael." Rinig ko namang sabi ni Bethany.
Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at walang sabi na binuhat ko siya na parang bago kaming kasal. Napatili siya sa ginawa ko.
"Ibaba mo ako, Ramael!" Tili pa niya.
"No, ayokong mapagod ka." Sabi ko. Naglakad na ako patungo sa pinto. "Open the door, baby." I asked.
Sinunod naman niya ang sinabi ko. Pinihit niya ang pinto. Nilakihan ko pa ang awang ng pinto sa pamamagitan ng paa ko. Tumambad sa amin si Raziel na nanlalaki ang mga mata nang makita niya kami.
"Woah!" Bulalas niya. "Hoy! Anong gagawin mo kay Bethany?!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up, Raziel. Inaalalayan ko lang ang mahal ko patungo sa kusina para hindi siya mapagod. Tss." Iritado kong sabi. "Tumabi ka nga!"
Nag-give way naman ang gago. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Nakasunod lang sa amin si Raziel mula sa likuran ko. Alam kong hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya.
Hanggang sa dumiretso na kami ng Kusina. Naabutan namin si Lucille na inaayos ang mga kurbyertos, kasama niya ang mga butler at maid. Napatingin sila sa amin ni Bethany. Nabitawan niya ang hawak niyang kutsara at laglag ang panga. Alam kong ganyan din ang magiging reaksyon niya.
"K-kayo na?!" Bulalas niya sabay turo sa amin ni Bethany.
"Yeah." Tipid kong tugon na seryoso ang mukha.
Gumuhit ang kasiyahan sa mukha ng kapatid ko. Mabilis siyang lumapit sa amin. "I'm happy for ya, kuya! Bethany! Congrats!"
"Yeah, thanks." Sabi ko at muli naglakad patungo sa upuan kung saan palagi nakapwesto si Bethany. Hinila ko ang upuan sa pamamagitan ng isang paa ko. Hanggang sa nagawa kong paupuin si Bethany sa silya. "There, my lady."
Tumawa siya. "Thank you..."
Bumaling ako sa isang bulter na hindi kalayuan sa akin. "Ibigay mo kay Raziel ang paperbag na nakapatong doon." Sabay turo ko sa mesa na katabi ng malaking plorera. Agad naman sinunod ang utos ko at bumalik din na dala na niya ang paperbag. Nilapitan niya si Raziel sabay abot niya ang paperbag.
"Cellphone?" Takang tanong ni Raziel saka tumingin sa akin. "S-seryoso?"
"Suggested by Bethany." Sagot ko. Umupo na din.
"Wooooohhh!" Halos magtatalon-talon ang tukmol dahil sa binigay kong cellphone sa kaniya. Nilapitan niya ako at walang sabi na niyakap ako! Fuck! "Sabi na nga ba, mahal mo talaga ako, dude!
"Bitaw o papatayin kita?" Banta ko pa sa kaniya. Tang ina, kaya ayaw kong narito ang isang ito sa pmamahay na ito.
"Sabi ko nga." Natatawang sabi niya at bumitaw. "Thank you, pare!"
Bumaling ako kay Bethany. "I heard you need to go back in Manila next week," Sabi ko.
Tumingi siya sa akin. "Ah. Oo, eh. Kailangan. Nakafixed na din kasi ang schedule ko para sa next shooting." Sagot niya.
Ngumiti ako saka hinawakan ko ang kamay niya. "I'll go with you."
"H-ha? Okay lang naman..."
"It's my duty as your boyfriend, baby. Don't worry, hindi ako manggugulo sa trabaho mo. Maliban nalang kung may magtatangkang kumuha ni pangalan mo." Sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi. "I'll file a leave just to be with you, baby."
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.