Dalawang araw nang nakalipas. Naririto parin ako sa nakakatakot na lugar na ito. Ang Impyerno. Sa Maternal Plane. May mga kinakain ang mga kasamahan ko, hindi ko lang magets kung ano iyon pero itim na sabaw. Ang sabi sa akin ni Trish, ang kausap kong babae na buhat nang dumating ako dito, ito daw talaga ang kinakain ng mga ina ng mga magiging cambion. Kadalasan nakikita ko sa kanila ay halos buto't balat at namumutla. Gustuhin ko sanang magtanong tungkol doon pero hindi ako makahanap ng tiempo dahil mahigpit kaming binabantayan ng mga bantay sa lugar na ito.
Pagkatapos kumain ay agad kaming pinapabalik sa mga selda.
Natigilan ako nang may may naririnig akong sigaw ng isa sa mga kasamahan ko.
"AAAAHHHHHHHHHHHH!"
Kumunot ang aking noo at bumaling ako kay Trish. "A-anong sigaw iyon?" Hindi ko mapigilang tanungin siya. Bumuhay ang takot sa aking dibdib.
"Manganganak na siya." Sagot niya na may hilaw na ngiti.
Napaawang ang bibig ko. Speechless. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Base sa sigaw niyang iyon, namimilipit siya sa sakit na may halong panghihina. Parang...
"Ano bang tinatayo-tayo ninyo d'yan?! Pumasok na kayo!" Bulyaw ng babaeng demonyo sa amin, isa siya sa mga bantay dito sa Maternal Plane. Malakas kaming tinulak. Halos masubsob ako sa sahig pero si Trish ay talagang natumba.
Pagkasara ng pinto ay agad ko siyang dianluhan para tulungan siyang makatayo ng maayos. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.
Napangiwi siya at bumaling sa akin. "K-kaya pa..." May bahid na panghihina nang sagutin niya iyon.
Inakay ko siya hanggang sa marating namin ang pinakasulok ng silid na ito. Inaalalayan ko siyang makaupo ng maayos. Pinagpapawisan siya ng matindi. "Trish..."
Pumikit siya saka hinimas niya ng marahan ang kaniyang tyan. "Pinangarap kong maging ina pero hindi sa ganitong paraan..." Mahina niyang sambit. "Pakiramdam ko... H-hindi ko mahahawakan ang anak ko... Pagkasilang niya..."
Umiling ako. "Huwag kang magsalita ng ganyan." Sabi ko.
Isang hilaw na ngiti ang iginawad niya sa akin. "May hihilingin ako sa iyo, Beth... Sana mapagbigyan mo ako..."
"A-ano iyon?" Umupo din ako sa tabi niya.
Lumungkot ang mukha niya. Tiningnan niya ang kaniyang tyan. "May lakas ka pa, Beth. Sa oras na may pagkakataon kang makatakas at dumating sa punto na... Hindi ko na kaya... I-isama mo ang anak ko... A-ayokong mamuhay siya sa ganitong lugar... Ayokong... Maranasan niya ang hirap dito... K-kahit na..." May tumulo na isang butil ng luha mula sa kaniyang mata. Marahas iyon umagos sa kaniyang pisngi. "Kahit na... Hindi siya kikilalanin ng kaniyang... Ama." May bahid na sakit at paghihinagpis nang sabihin niya iyon. Sa akin naman siya tumingin. Ngumiti siya kahit na may lungkot sa kaniyang mga mata. "Napakaswerte mo, Beth. Napakaswerte mo dahil minahal ka ng demonyo na siyang ama ng dinadala mo ngayon."
Parang pinipiga ang puso ko sa aking narinig. "Makikita mo pa ang anak mo, Trish. Huwag ka naman magsalita ng ganyan... Kailangan ka din niya."
"Gugustuhin ko man, Beth. Alam ko kung hanggang saan nalang ako..."
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya. Kahit na kakakilala lang namin, naging malapit naman kami kahit papaano. Siya ang palagi kong kasama simula noong dumating ako sa lugar na ito. Hinaplos-haplos ko ang kaniyang buhok.
"Kung babae man ang magiging anak ko, gusto ko siyang ipangalang Sherianna... Kapag lalaki naman, Rhys..." Hanggang sa ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Nakatulog na siguro siya.
Hinilig ko ang ulo ko sa kaniya. Tatanggapin ko ang hiling ni Trish. Malaki din naman ang naging utang na loob ko sa kaniya. Ang pag-aalaga ko sa anak niya ang magiging sukli sa magandang pagtrato niya sa akin habang nandito kami sa Maternal Plane.
**
"Beth? Beth? Please, wake up..." Mariin ngunit mahinang boses ng babae ang aking naririnig.
Bahagya akong gumalaw. Unti-unti ko idinilat ang mga mata. Naaninag ko ang pamilyar na mukha. Nang napagtanto ko kung sino iyon ay nanlalaki ang mga mata ko. Bago man ako makapag-react at agad niyang inilapat ang hintuturo niyang daliri sa kaniyang mga labi upang sabihin na huwag akong maingay. Papaano siyang nakarating dito?
"Tumayo ka na, we need to escape..." Nanatiling mahina pa rin ang boses niya. "Mamaya ko nang sasabihin ang buong detalye kapag tuluyan ko na kayong naitakas."
Agad kong tiningnan si Trish na mahimbing pang natutulog. Mahina kong tinapik ang kaniyang pisngi. "Trish, gising ka muna... Trish..."
Gumalaw ng kaunti ang ulo niya.
"Huwag kayong maingay habang tinatakas ko kayo dito." Mariing bilin niya sa amin.
Tinulungan kong makatayo si Trish. Nauna sa amin si Lucille. Sinilip niya ang mga sulok na baka may makakita o mahuhuli kami. Nagbigay siya ng senyales na lumapit na kami. Mabilis kaming naglakad habang akay-akay ko si Trish.
"Humawak kayo sa akin. Huwag na huwag kayong bibitaw." Sabi niya.
Nagkatinginan kami ni Trish na may pagtataka sa aming mukha pero sa huli ay ginawa namin tulad ng gusto ni Lucille. Humawak ako sa kanang balikat niya habang si Trish sa kaliwang balikat nito. Inangat ni Lucille ang isang kamay niya. She snapped her fingers and we turn into a dust!
W-what...
Hanggang sa napadpad kami sa kagubatan.
"Nagagawa ko lang ang kapangyarihan na iyon kapag nandito ako sa Impryerno. Hindi ko siya magagamit kapag nasa mundo ako ng mga mortal." Paliwanag niya nang bumitaw kami sa kaniya. "Kailangan ko na kayong ihatid sa portal para makabalik na kayo sa totoo ninyong mundo..."
"P-pero si Ramael..." Hindi ko mapigilang sabihin iyon.
Mataimtim na tumingin sa akin ni Lucille. May nababasa akong lungkot sa kaniyang mga mata. "Ililigtas ko din si kuya, Beth. Mas kailangan lang kitang unahin. Sa oras na nagawa kong iligtas si kuya, ihahatid ko siya sa iyo."
"Sasamahan ko kayo." Sabi ng isang pamilyar na boses.
Napatingin kami sa halamanan. Lumabas mula doon ang bulto ng isang lalaki. Napasinghap ako nang makita ko siya. Papaanong... "R-Raziel..." Hindi makapaniwalang bulalas ko.
Ngumiti siya. May hawak siyang puting espada. "Sorry kung hindi ko kayo naabutan, Beth. Sorry kung napabayaan kita..."
Umiling ako. "Pero, papaano ka nakarating dito...? Hindi ba..."
"Pwede rin makarating ang mga Nephilims dito. Nagpanggap lang akong demonyo by appearance para hindi nila ako matunungan."
"A-aaw..." Rinig kong daing ni Trish. Lumipat ang tingin namin sa kaniya. Sapo-sapo na niya ang kaniyang tyan. Mas lalo siya nagmumukhang nanghihina. "M-manganganak na yata ako..." Pahina nang pahina niyang sambit.
"Oh my." Rinig kong sabi naman ni Lucille. "Kailangan na nating lumayo dito. Maghanap tayo ng lugar kung saan pupwedeng manganak ito."
Nawala nang kusa ang hawak na espada ni Raziel saka lumapit siya kay Trish. Binuhat niya iyon na parang bagong kasal. "Hang on, miss. Just bite my clothes para hindi nila tayo marinig." He said.
Tumango si Trish bilang sagot. Ginawa niya ang sinabi ni Raziel. Kinagat nga niya ang damit ni Raziel. Nagmamadali kaming lumayo sa mala-kastilyo na gusali at naghanap kami ng tamang lugar para manganak si Trish.
Habang nasa gitna kami ng pagtakas ay napalingon ako. "Lucille!" Malakas na tawag ko.
"Oh shit" Bulalas niya habang patuloy ang aming pagtakbo. "Natunugan tayo!"
"Hulihin ninyo sila! Malalagot tayo kay Flavius kapag nalaman niyang nakawala ang ina ng anak ni Ramael!" Sigaw ng lalaking demonyo habang sakay ng itim na kabayo, pula ang mga mata ng naturang hayop na iyon!
"Maabutan na tayo, Lucille!" Natatarantang sabi ko.
Tumigil sa pagtakbo si Lucille. Nalagpasan ko siya saka din ako tumigil. Sumipol si Lucille! Napatingin ako sa paligid. Biglang may mga lumitaw na mga iilang pares na mga mata na kulay pula hanggang sa nagsilabasan ang mga iyon. Napaawang ang bibig ko na tumambad sa akin na mga halimaw na hugis aso. Pero ang lalaki nila! Ang mas nakakatakot pa sa kanila ay naglalaway ang mga iyon at matutulis ang mga ngipin!
"Hellhounds." Rinig kong sabi ni Raziel sa gilid ko. Tumingin ako sa kaniya na humihingi pa ng sagot. "They are supernatural beasts which serves demons. Lalo na ang mga tulad nina Ramael, Lucille even Flavius."
Bumibilis na naman ang kabog ng aking dibdib. Muli kong tiningnan si Lucille. Tinuro niya ang mga demonyo na humahabol sa amin. Inutusan niya ang mga hellhounds na atakihin ang mga iyon?
At hindi nga ako nagkamali. Umatake ang mga hellhounds sa mga humahabol sa amin. Tinalikuran iyon ni Lucille saka tumakbo siya palapit sa amin. "Run! I used the hellhounds as distractions while we're escaping!"
Sinunod namin siya. Muli kaming tumakbo hanggang sa napadpad kami sa madilim na kuweba. Right spot, and assured that no one can follow us.
Maingat na hiniga ni Raziel si Trish sa lupa. Nilabas niya ang espada niya at umilaw iyon. Medyo dim pero ayos lang. Sapat na para makita namin ang isa't isa.
"Ughh..." Daing ni Trish habang hawak niya ang tyan niya. Pawis na pawis siya. Mas lalo siya nangayayat at nanghihina.
Nilapitan siya ni Lucille. Pinosisyon niya ang mga paa ni Trish—para sa panganganak nito. "B-be ready, miss." Sabi niya na may lungkot sa kaniyang mga mata.
Tumango si Trish. Binigyan siya ni Raziel ng panyo. Tinanggap iyon ni Trish saka sinubo niya ang naturang panyo para hindi siya makalikha ng ingay. Para hindi kami marinig, para hindi na kami sundan ng mga alagan ni Flavius.
"Push!" Maawtoridad na utos ni Lucille.
"Hmpppp!"
"Again, push!"
"Hmmmppppp....!"
Hinawakan ko ang isang kamay ni Trish para bigyan siya ng suporta.
Sobrang tagal ng panganganak. Hanggang sa naririnig namin ang iyak ng bata. Nihubad ni Raziel ang long sleeves polo shirt niya. Tutal naman ay may tshirt pa naman siyang suot. Inabot niya iyon kay Lucille. Nang tinanggap ni Lucille ang damit na iyon ay agad niyang binalot sa sanggol. Tumingin siya kay Trish na may ngiti sa labi. "It's a boy..."
Pagod na ngumiti si Trish kahit na hinihingal. Lucille handed the baby to her. Nang nasa bisig na ni Trish ang anak niya ay napaiyak siya. "Anak..." Mahina niyang sambit. "Finally, nakita na kita... Lagi mong... Tatandaan na... Mahal na mahal kita, anak... Kahit na..." Kusang tumulo ang luha at umagos iyon sa kaniyang pisngi. "Hindi namin ginawa dahil sa pagmamahal..."
Parang tinusok ang puso ko sa aking nakikita. Masaya ako para kay Trish dahil isa na siyang ganap na ina...
Bumaling siya sa akin. "B-Beth..." Nanghihinang tawag niya sa akin. Nagawa niyang ngumiti kahit na umiiyak na siya. Sa akin naman niya inabot ang bata. "Alagaan ang anak ko, Beth... I-ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko..."
Napaawang ang bibig ko. "A-anong sinasabi mo?"
"Masakit man para sa akin na... Iwan ang anak ko... I-ito na ang nakatadhana sa akin..." Saka nakapabuntong-hininga siya. Kusang may lumabas na dugo mula sa kaniyang bibig. Umagos iyon at tumulo sa lupa. "T-thank you for... Meeting you, Beth... Sana, makita mo ulit ang asawa mo..." At dahan-dahan na niyang ipinipikit ang mga mata niya.
Parang hindi ako makahinga. Hinawakan ko si Trish. Niyuyugyog ko siya. "N-no, g-gumising ka... K-kailangan ka ng anak mo, Trish. G-gising..." Kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Ngunit bigo ako. Isang walang buhay na Trish na ang nasa harap ko. Napayuko ako habang yakap ko ang anak niya. Ramdam ko ang isang pares ng mainit na palad sa magkabilang balikat ko.
"Beth..." Lucille called me. Almost broke her voice.
Napatigil lang ang iyak ko nang may narinig kaming ingay.
"Oh shit." Mariing mura ni Lucille.
"N-no way..." Sabi naman ni Raziel, hindi makapaniwala.
"W-what is it?" Garagal kong tanong sa kanila.
Sabay silang bumaling sa akin na may pag-aalala sa kanilang mukha.
"That sound... Signs of execution of Ramael." Nanghihinang sagot sa akin ni Lucille.
Napaawang ang bibig ko. Mas lalo ako hindi makahinga. Pilit kong tumayo at binigay ko kay Lucille ang sanggol. Lalabas na sana ako ng kuweba nang humarang sa dinadaanan ko si Raziel. "Raziel!" Suway ko sa kaniya.
"Hindi ka pwedeng pumunta doon, Beth." Kalmado niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. "A-ano? Raziel, asawa ko iyon! Ama ng anak ko ang bibitayin! Bakit kailangan mo akong pigilan?!" Hindi ko mapigilan ang sarili kong masigawan siya. Hindi siya sumagot pero diretso siyang naktingin sa aking mga mata. Kalmado at seryoso. Nag-uumpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. "Please, puntahan natin siya... Raziel... Nakikiusap ako... Iligtas natin siya... H-hindi pwedeng ako lang ang uuwi. S-sa oras na nawala si Ramael... Hindi ko alam ang gagawin ko..." Nanghihina ako lalo lumuhod na ako sa harap niya. "H-hindi siya pwedeng mawala..." Halos mapiyok na ako dahil sa kakaiyak.
Raziel do a lower squat. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Kailangan ay kasama kami. We'll come with you." Halos mabasag na din ang boses niya nang sabihin niya iyon. Niyakap niya ako saka inalo.
Pumikit ako ng mariin. Humigpit ang pagkakapit ko sa damit niya.
"Ililigtas natin siya..."
Inilibing muna namin ng maayos ang katawan ni Trish bago man kami umalis sa lugar na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/185778006-288-k734402.jpg)
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.