8 years later.
Abala kaming lahat dito sa studio. Panay sigaw ko para magbigay ng instructions sa mga models na nasa harap ko. I'm just doing my job. Professional. Walang personalan.
"Okay, change outfit and retouch!" Malakas na pagsabi ko sa kanila.
Agad lumapit ang dalawang assistant sa mga model para magpalit ng damit. Meron ding lumapit na make up artist para ayusan ang mga iyon. Dahil summer na, hindi pwedeng hindi summer outfit ang ipapasuot sa kanila. By next week may shoot pa akong pupuntahan somewhere in Visayas, hindi pa nga lang confirmed kung tuloy na talaga, nag-aalanganin pa kasi ang kliyente dahil sa budget ng buong team kaya maglileave ako ng call sa kaniya mamaya after ng shoot na ito.
Nireview ko ang mga shots na ginawa kanina. Niisa-isa ko ang mga iyon. At the same time, anong klaseng pose at background naman ang nababagay sa mga iyon.
"Mukhang busy na busy ka, ah."
Napatingin ako kung sino ang nagsalita na iyon. Si Carmz, nakahalukipkip siya habang papalapit sa akin. Wearing a sweet smile. Kung dati wavy ang buhok niya, ngayon ay talagang nagparebond ang isang ito, nagpakulay pa ng buhok.
"Parang ikaw, hindi." Then I smirked.
"Eh mas nakakapagod naman iyang ginagawa mo, panay tayo mo. Eh ako nasa harap lang ng computer at nakaupo." Saka ngumuso siya. "Kailangan ko na talaga mag-gym, panigurado."
"Natawagan mo na ba si Shayne?" Tanong ko sabay ibinalik ko ang atensyon ko sa DSLR na hawak ko.
"Yeah, at the moment, busy siya sa isang kabilang branch. Alam ko naman ang isang iyon..." Sumandal siya pader. "And Jasmine is busy. May binabantayan daw siya. Bigatin."
Nakapagtapos na kami ni Carmz ng multimedia arts, pero pinili niyang magtayo ng negosyo kasama namin ni Shayne which is ang studio. Siya ang bahalang umaasikaso sa mga designs habang ako naman ay photography, minsan videographer ako. Si Shayne naman ay nagtapos ng Marketing. While Jasmine is now a private secret agent. Talagang ginusto niya ng maaksyon na buhay, susunod talaga siya sa yapak ng tatay niya
Hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam ang tungkol sa nangyari sa akin. Tungkol sa incubus, sa karumal-dumal na nasaksihan namin ni tita noon. Kaming dalawa lang ang nakakaalam sa ganoong bagay. Wala akong balak ipagsabi sa kanila. Hangga't kaya kong itago, itatago ko.
Malaking ipinagpapasalamat ko, hindi na siya bumalik ang di umano'y demonyo. Hindi na ako ginagambala pa. Pero may times na sumasagi sa isipan ko iyon. 'Yung feeling na nakakamove-on ka na pero hindi mo pa rin makalimutan ang nakaraan. Medyo magulo pero ganoon talaga ang nangyayari.
Pagkatapos ko ng grade 10, nagpasya na kaming lumipat ni tita sa malayo. Sa Cavite. Para na din makamove on ako. Napapansin ko na ding bumabalik na din naman sa dati ang lahat. Nagagawa ko nang makihalubilo sa ibang tao, nababawasan na din naman ang takot at kaba na inabot ko. Unti-unti gumagaan ang pakiramdam ko hindi tulad noon na sa tuwing papasok ako, baon-baon ko iyon.
May isang karinderya na ngayon si tita. Ako mismo ang nagbigay sa kaniya ng ganoong negosyo para na din sukli sa hirap na dinanas niya sa akin lalo na't inalagaan at hindi niya ako pinabayaan simulang namatay ang parents ko. Hanggang ngayon, nariyan parin siya sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan.
"Nga pala, may natanggap akong tawag." Sabi pa ni Carmz. "Kliyente din. Interisado daw siya sa mga shots mo na nakapost sa website natin. Kung okay lang daw ba pumunta ka daw doon, inaadvertise nila ang kanilang hotel and resort nila."
Bumaling ako sa kaniya. "Kailan naman daw?" Seryosong tanong ko. Ganito talaga ako, kapag trabaho ang usapan, nagiging seryoso ako.
"Tomorrow, sabi ng secretary ng mismong may-ari."
Bago man ako sumagot ay dinukot ko ang cellphone ko. Pinuntahan ko ang calendar para tingnan kung may appointment ba ako ng araw na iyon and... "Alright, available pa naman ako. So meeting palang? Ayaw idaan sa phone or video call?" Tanong ko.
Umiling siya. "Ang sabi ng kausap ko, gusto ng mismong may-ari, mameet ka daw niya personally. Para maexplain din ang mgha gusto niyang shot para sa advertisement." Sagot pa niya.
Tumango ako. "Okay, then. No problem. Saan nga pala iyan?"
"Batangas. Sa Nasugbu."
**
Pagdating ko ng bahay, tulad ng inaasahan ko ay marami pa ring costumer si tita. Napangiti ako nang makita ko ang masayang mukha ni tita. Mukhang nag-eenjoy siya sa negosyo niyang ito. Minsan naiisip ko na bakit hindi kami gumawa ng catering tutal naman ay may koneksyon naman ang trabaho ko sa mga events, si Shayne, dahil sa pagiging madaldal niya ay minsan ay gumaganap siyang bilang emcee or host sa mga events na dinadaluhan namin. Sumasama din naman sa amin si Jasmine lalo na't day off niya kaya hindi pa rin siya nawawala sa cirlce of friends namin.
Binuksan ko ang pinto ng driver's seat at lumabas. Buhat-buhat ko ang mga gamit ko papunta sa kaniya.
"Oh, nariyan ka na pala, anak!" Masiglang salubong sa akin ni tita nang makita niya ako. Humalik ako sa pisngi niya. "Kumain ka na ba?"
Mas lumapad ang ngiti ko. "Hindi pa po, eh."
"Aba, kumain ka na. Huwag papalipas ng gutom." Aniya.
"Sige po." Lumapit ako sa isang bakanteng upuan.
Bungalow itong bahay na nilipatan namin. May garahe, kaya dito nakapwesto ang kaninan ni tita. Napapansin ko na mukhang nagiging patok ang mga luto ni tita sa mga tao dito.
"Anong gusto mong ulam, anak?" Tanong ni tita.
"Chicken curry nalang po saka ginisang gulay po." Sagot ko.
"Alam kong napagod ka sa shoot mo kanina, dadamihan ko nalang itong kanin mo tutal ay hindi ka naman takot tumaba o sabihin ko nalang na hindi ka talaga nataba."
Natawa naman ako. "Grabe ka naman tita."
Ilang saglit pa ay bumalik sa pwesto ko si tita. Nilapag niya ang pagkain sa mesa mula sa tray. Bumaling ako sa kaniya. "Siya nga po pala, tita. Aalis po ako bukas. May pupuntahan akong client para sa advertisement ng hotel ang resot." Paalam ko.
"Oh, baka naman gabihin ka naman ng uwi."
"Hmm... Tatawag nalang po ako kapag hindi ko na kaya magdrive pa."
"Basta mag-iingat ka doon."
Ngumiti ako saka sinimulan ko na kumain.
**
Dapit-hapon na ng nakarating ako mismong Hotel and Resort.
Halos malaglag na ang panga ko sa aking nakita. Hindi ko akalain na masyadong bongga ang hotel and resort itong pupuntahan ko. Maraming tao sa paligid. Marso ngayon kaya nag-uumpisa nang dumayo ang mga parokyano. Pero nakakapagtataka lang, sa ganda ng hotel and resort na ito. I can sense this is a luxury hotel and resort!
Hindi ko maiwasang hindi mamangha nang nakarating ako sa loob. Unang tumambad sa akin ang engrande at malawak na hagdan, may mga malalaking paintings na nakasabit sa pader ng lobby. May mga ornamental plants pa na nakadisplay sa bawat sulok ng lugar na ito. Napukaw ng atensyon ko ang kisame. Mas namangha ako sa ganda ng chandelier na nakasabit, halatang pinagkagastusan ito.
"Good morning, ma'm. Welcome to Hacienda Virginia Hotel and Resort." Nakangiting bati ng isa sa mga receptionist.
Sinuklian ko siya ng ngiti. Sinabi ko sa kaniya ang sadya ko saka nagcheck in na din ako. Overnight.
"Mr. Black was busy at the moment, Ms. Arles. Tatawagan nalang po namin kayo kapag available na po siya, you can leave your number here," Sabay inabot niya sa akin ang maliit na notebook at ballpen. Sinulat ko naman doon ang pangalan ko pati ang numero ng cellphone ko pagkatapos ay ibinalik ko iyon sa kaniya. "Thank you po, ma'm."
"Thank you din." Sagot ko saka kinuha ko na ang swipe card na suski ng room hotel kung saan ako nakacheck in.
Hindi naman madami ang dala ko kaya okay lang. Nagbaon lang ako ng iilang damit pamalit. Hindi ko rin sigurado kung maliligo ba ako sa dagat kasi ang aim ko lang naman ay ang trabaho pero mukhang may madadagdag pa sa plano ko. Hehe.
"Wow." Bulalas ko nang nakarating na ako sa mismong room hotel. Ang cozy sa feeling ang kuwarto na ito. Puros puti ang pagkapintura sa buong silid. Nilapitan ko ang malapad na couch saka pinatong ko doon ang back pack ko. Nilapitan ko ang malaking bintana. Marahan kong hinawi ang kurtina. Mas lalo ako namangha sa dagat ng karagatan. Maraming tao sa tabing-dagat, may mga jeski, banana boat at kung ano pang pwedeng paglibangan ng mga parokyano dito.
Nagpasya naman akong gumala-gala. Mamaya nalang siguro ako kakain pagbalik ko ng Hotel.
Ang tanging dala ko lang ay aking cellphone. In case na baka tawagan na ako para sa appointment ko.
Napadpad ako sa kagubatan. Sinilip ko ang cellphone ko. Thankful naman ako dahil hindi nawawala ang signal kahit nandito ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko na namalayan na medyo madilim na ang paligid. Inactivate ko ang flash light ng cellphon ko para makita ko pa ang daan.
Ilang saglit lang ay may naririnig akong tunog. Tubig?
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para ipagpatuloy ko pa ang paglalakad ko. Parang may humihila sa akin...
Unti-unti ko nang natatanaw ang isang ilog. Mas lumapit pa ako. May mga malalaking bato sa paligid. Tumingin naman ako sa kanan, napaawang ang bibig ko nang may nakita akong talon. Ang mas ikinamamangha ko pa ay may mga alitaptap sa paligid ng ilog na ito...
"Beautiful, isn't it?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumulong sa aking tainga. Agad kong nilingon kung sino iyon. Napaawang ang bibig ko nang tumambad sa akin ang isang lalaki. Matangkad, matipuno... O sabihin nating makisig. He's topless! Ang tanging suot lang niya ay board shorts. Kitang kita ang ganda ng katawan niya na paniguradong alaga ng gym...
"W-who are you?" Hindi ko mapigilang itanong iyon.
Bigo akong makatanggap ng sagot mula sa kaniya. Sa halip ay humakbang pa siya palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko pero puno na pala ang nasa likuran ko. Lalayo pa sana ako ngunit ikinulong ako ng mga braso niya sa magkabilang gilid ko na ikinagulat ko. "It's been a while, Bethany..." He said with his soft and small voice.
Wait, papaano niyang nalaman ang pangalan ko? Eh hindi ko nga kilala ang isang ito at ngayon ko lang siya nakita!
"S-sino ka?" Ulit ko pa, medyo kinilabutan ako dahil sa kaniyang boses.
Hindi niya ulit ako sinagot. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napapikit ako ng mariin saka tinagilid ang mukha ko para iwasan na baka halikan niya ako!
Ang akala ko ay mga labi ko ay hinuhuli niya pero hindi. His lips were brushing on my neck!
Tila nanigas ako sa aking kinakatayuan. Hindi ako makakilos. Parang pamilyar sa akin ang ganitong pakiramdam...
Napunta ang mga labi niya paakyat sa aking tainga. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa ginawa niya!
"You wanna know who am I, hmm?" Aniya na ganoon pa rin ang tono ng kaniyang boses. "I'm gonna be the father of your child, Bethany."
Napaawang ang bibig sa kaniyang sinabi kasabay ang pagbilis ng pintig ng aking puso dahil sa kaba. Anong pinagsasabi niya?!
Gustuhin ko man siyang itulak pero wala akong lakas ng loob upang gawin iyon. Anong nangyayari sa akin?! Bakit parang may pumipigil sa akin?!
"Ramael Corson Black, baby. And remember, you shall kneel before me naked and unashamed." Bahagyang inilayo niya ang kaniyang mukha at nakipagtitigan sa akin. He give me his devilish grin. "I swear to you I won't stop until your legs are shaking and scream my fucking name, Bethany."
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.