Tumigil ang sasakyan sa isang Mansyon. Kahit nasa loob palang kami ng sasakyan ay agad ko na iginala ang paningin ko sa paligid. Old-English style ang bahay. Ang mas ikinabahala ko ang aura mula palang sa labas ng Mansyon na ito! Daig pang haunted house, eh! May mga patay na puno at halaman sa paligid! Tas wala man lang bukas na ilaw sa loob ng malaking bahay na iyan?!
"Welcome to my home," Nakangising sabi sa akin ni Ramael. "Bethany."
Bumaling ako sa kaniya na hindi pa rin makapaniwala. Seryoso? Bahay niya ito? Nakakatakot na bahay na ito... Sa kaniya?!
Lumabas siya mula dito sa loob ng sasakyan at saka dumako siya sa pinto na nasa gilid ko. Binuksan niya iyon saka hinawakan niya ako sa braso hanggang sa nakalabas na ako. "S-saan mo ako dadalhin?" Natatakot kong tanong sa kaniya.
Blangko ang kaniyang ekspresyon nang nagtama ang mga tingin namin. "As what have you heard a while ago, this is my home. And you, as the mother of my future child, you're gonna live here." Malamig niyang sagot sa akin.
I gasped. Parang ayaw magsink in sa isipan ko ang mga pinagsasabi niya. Bakit ba palagi niyang sinasabi sa akin na ako ang magiging nanay ng anak niya eh hindi ko nga siya kilala! HIndi ko rin naman naging boyfriend ito kung makaasta kala mo may nakaraan kami kahit naman no boyfriend since birth pa ako! "Tigilan mo na ako, Mr. B-Black... Babalik na ako sa Cavite." Mariin kong sabi, nilalaban ko ang takot na nararamdaman ko ngayon.
"What have I told you? You are not going anywhere." May bahid na galit nang sabihin niya iyon.
Ramdam ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sa aking braso. Kinaladkad na naman niya ako hanggang nasa tapat na kami ng malaking pinto ng mansyon na ito. Dahan-dahan iyon nagbukas. Hindi mawala ang takot at kaba sa puso ko.
"Welcome home, young master..." Isang matandang lalaki ang sumalubong sa amin. Wait, young master?
Hindi ko narinig na binati ni Ramael ang matanda pabalik. Sa halip ay dumiretso lang siya ng lakad habang patuloy pa rin niya ako kinakaladkad! Aba, bastos din ang lalaking ito kahit sa mga matatanda! Wala man lang galang!
Walang kaming kibuan hanggang sa nakarating kami sa tapat ng pinto. Mas bumibilis ang pintig ng puso ko. Bumuhay din ang kuryusidad sa aking sistema kung ano ang meron d'yan sa loob.
Binitawan ako ni Ramael at nilapitan niya ang pinto. Pinihit niya iyon saka dahan-dahan niyang tinulak iyon. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang loob ng silid na iyon. Madilim, ngunit tanging mga kandila ang nagsisilbing ilaw sa buong silid na iyon. Biglang tumindig ang balahibo ko sa mga nakita ko.
"Welcome to my Dark Room, Bethany." Wika ni Ramael nang humarap na siya sa akin. Malamig na tingin pa rin ang iginawad niya sa akin.
Napasinghap ako, kasabay na napasapo ako sa aking dibdib dahil sa kaba. What the hell...
Ramdam ko nalang kaniyang kamay na aking bewang. Marahas niya akong ipinasok sa sili na mas ko ikinatakot. May malapad na kama sa gitna ng silid na ito, pinapalibutan ng tubig? May maliit daanan upang makarating doon sa magkabilang gilid ng kama na iyon. Kulay puti ang bed sheets pati ang mga unan at kumot...
Tinanggal ko ang kaniyang kamay sa aking bewang. Pilit ko nilakasan ang loob ko na humarap sa kaniya. Nilalabanan ang takot na aking nararamdaman. "Sino ka ba talaga? B-bakit ganito ang nararamdaman ko sa iyo...? Ba-bakit..."
Humakbang siya ng dalawa palapit sa akin. Tinititigan niya ako sa pamamagitan ng kaniyang malalamig na mga mata. "Kilala mo na ako noon pa." Malamig niya tugon sa akin.
Bahagyang kumunot ang noo ko. Ano daw? Kilala ko na daw siya noon pa?
"A-anong ibig mong sabihin?" Hindi ko pa rin maitindihan!
"The man in your dreams, ang lower class man at ang PE teacher... Lahat ng mga iyon ay iisa at ako iyon."
"Alam kong may pinagdadaanan ka... If you don't mind, you can search everything about him."
"I hope it will helps, Beth."
"Incubus."
Natigilan ako nang sumagi sa isipan ko ang tungkol sa napag-aralan at nalaman ko noon. "A-are you... An incubus?" Mahina kong tanong sa kaniya.
Nanatili pa rin na ganoon ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Parang hindi man lang siya nabigla o nasorpresa. "I am." He finally answered.
Nanginginig ang pang-ibabang labi ko, kasabay na panginginig ng kalamnan ko. Para akong kakapusin ng hininga dahil sa aking narinig. "B-bakit... Bakit ako pa ang pinili mo..." Sa pagkatataon na ito ay dumapo na ang tingin ko sa sahig.
Hinaplos niya ang aking pisngi. "I need a woman who can make a cambion with me." Bumagsak ang kamay niya sa aking braso at hinaplos niya iyon.
Muli ko siyang tiningan. "C-cambion?" Ulit ko, naguguluhan.
"A human with some magical or demonic abilities." Diretso niyang sagot.
Napasapo ako sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala. Iyon ang dahilan kung bakit palagi niyang sinasabi sa akin na ako ang magiging nanay ng magiging anak niya?
**
Nag-iisa akong nakahiga dito sa malapad na higaan. Wala si Ramael. Wala akong ideya kung nasaan siya. Maigi na din siguro ito, hindi ko siya kayang harapin. Para kasing hindi pa matanggap ng sistema ko ang lahat ng sagot na kailangan ko. Kahit kailan, hindi sumagi sa isipan ko na magiging ina ako ng sinasabi niyang Cambion. Hindi ko sukat akalain sa dinami-dami ng babae na pwedeng galawin niya ay bakit ako pa? Kung gaano ako natatakot buhat sa nakaraan, mas lalo ako natatakot.
Dahil sa hindi ako makatulog, nagpasya akong lumabas muna sa silid na ito. Maghahanap ako ng paraan para makatakas. Hangga't may pagkakataon pa ako, tatakasan ko siya! Hindi ako pwedeng maging ina ng pinagsasabi niya! Hindi ko matatanggap iyon!
Napadpad ako sa isang silid. Kumunot ang noo ko nang iginala ko ang aking paningin. Puro libro?
Maingat akong pumasok sa loob. Wala naman siguro ang lalaking iyon, ano?
"What are you doing here?" Mariin at malamig na boses na aking narinig.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Lumingon ako. Napasinghap ako nang bumungad sa akin ay si Ramael. Oh shit!
"Are you going to escape from me?" May bahid na galit nang tanungin niya iyon.
Humakbang ako paatras hanggang sa naramdaman ko nalang ang mesa na pala ang nasa likuran ko! "P-please... H-huwag mo nang ituloy ang b-binabalak mo..." Naiiyak na ako!
Inilapit pa niya ang sarili niya sa akin. Ikinulong ako ng kaniyang mga bisig sa magkabilang gilid ko. "Once I marked you, you can't escape, Bethany and you have nothing to do." Namamaos niyang sabi.
"Bakit kasi ako, Ramael?! Bakit hindi mo masagot-sagot ang tanong ko na iyon?! Bakit ako?! Sabihin mo, literal na demonyo ka ba talaga?!" Hindi ko na mapigilang suminghal dahil sa frustrations.
"You wanna know?" Nanatiling malamig ang tingin niya sa akin.
"Oo!"
Bahagyang inilayo ang sarili niya sa akin. Tumingala siya at marahang pumikit. Pinapanood ko lang siya. Hanggang sa unti-unti lumilitaw ang bagay na hindi ko inaasahan! M-may pakpak siya! At itim ang mga iyon! Dahan-dahan ibinalik ni Ramael ang tingin niya sa akin para tingnan ang aking reaksyon.
Parang hindi ako makahinga sa mga nakikita ko. Binuka ko ang aking bibig para kahit papaano ay may malanghap pa rin akong hangin.
Humakbang siya palapit sa akin.
"H-huwag kang lalapit..." Mahinang pakiusap ko. "H-huwag..."
Tila bingi siya. Hindi niya pinapakinggan ang pakiusap ko hanggang sa napadikit na naman siya sa akin. "I can't Bethany."
Pumikit ako ng mariin, kasabay na pagtulo ng aking luha.
"You are the woman who I choose for a long time." Mahinang sabi niya.
Nanatili lang ako umiiyak sa harap niya.
"Bethany..."
"Patayin mo nalang ako, Ramael... Patayin mo nalang ako kaysa dadalhin ko sa sinapupunan ko ang ang bunga na gusto mo..."
"I can't do that. This is your fate and this is my fate." Wika pa niya saka tinalikuran niya ako't iniwan niya ako dito sa loob ng silid na ito.
Napaluhod ako. Mas lalo lumakas ang aking iyak.
**
Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Dahan-dahan akong bumangon. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Medyo masakit ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi. Natigilan ako nang may napansin ako.
N-nasa kama na ako? At bakit nakasuot na ako ng kamison?!
Ang huling pagkatanda ko ay nasa isang silid ako. Sa Library ako... Papaano ako nakarating dito?
"Finally you awake."
Napatingin ako sa may pinto. Si Ramael. He's wearing a three-piece executive suite. Ni hindi niyang inipit ang kaniyang buhok na hanggang balikat.
"P-papaano ako nakarating dito?" Tanong ko sa kaniya.
"Nakatulog ka sa Library, binalikan kita at dinala kita dito sa kuwarto natin." He answered. "Umalis ka na d'yan para makaligo kumain ka na din ng breakfast." Then he left.
No choice ako. Medyo gutom na din ako. May isa pang pinto dito sa silid. Agad kong pinuntahan iyon. Pinihit ko ang pinto at dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Napaawang ang labi ko nang tumambad sa akin ang bath room! Malayong malayo sa bed room!
Nakatiles ito. Black and white ang motif ng bath room niya. Modern ang pagka-interior dito. Sa tingin palang, ang mahal na ng marbol na ito!
Humakbang ako papasok. Parang ang cozy naman sa feeling ang banyo na ito. Malayong malayo sa nararamdaman ko sa bed room ni Ramael, nakakatakot! Kainis.
Nilapitan ko ang isang closet saka binuksan. May mga tuwalya na pwede kong hiramin. Kumuha ako ng isa at dumiretso ako sa bath tub para maligo.
Magtitiis akong makasama ang literal na demonyo hanggang sa matapos ko ang trabaho ko sa kaniya. Pagkatapos no'n, lalayasan ko na siya!
YOU ARE READING
Game Over
Novela Juvenil"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.