Chapter 30

2.9K 38 3
                                    

Tumigil ang karwahe sa isang madilim at nakakatakot na lugar. Kahit na umaapaw na ang takot at kaba ay pilit kong tatagan ang aking sarili. Hindi lang pala sa akin at kay Ramael. Para na din sa magiging anak namin.

"Labas!" Sigaw sa akin ni Flavius sabay hatak niya sa akin palabas ng karwahe.

Halos masubsob ako sa lupa dahil sa paghila niya sa akin. Napatingala ako sa matayog na gusali na nasa aking harap. I-itim na kastilyo?

May lumapit sa amin na paniguradong mga tauhan ito ni Flavius at mahigpit nila akong hinawakan sa magkabilang braso ko. Panay kabog ng aking dibdib dahil sa takot habang papasok kami sa naturang gusali na iyon. May iba't ibang nilalang din ang mga nakakasalubong namin, ngunit karamihan talaga ay mga demonyo. Halos magkadabali-bali ang mga leeg nila dahil sa tingin nila sa akin.

Pinili ko nalang na ibaba ang aking tingin, hindi ko sila kayang tingnan. Lihim ko kinagat ang aking labi para maibsan ang mga negatibong pakiramdam pati ng aking isipan.

May mga naririnig akong iyakan at hiyawan. A-ano bang meron sa lugar na ito? Mas lalo ako natatakot...

"Tama naaa...."

"Aaaahhhh!!"

"Pakiusap, tama naa....."

"Huwaaaagggg...."

"Maawa kayo sa amin!"

Ilang beses na akong napasinghap dahil sa aking mga naririnig. Tanging mga kandila na nakadikit sa pader ang nagsisilbing gabay namin sa daan. Hanggang sa tumigil kami sa isang malaking pinto na yari din sa bakal. Binuksan ng bantay iyon at pumasok. Halos wala na akong makita...

Walang sabi na hinagis ako sa sahig. Napasapo ako sa aking tyan. Natatakot ako na baka malaglag ang anak na nasa aking sinpupunan. Natatakot akong mawala ang anak namin ni Ramael...

"Dito ka mananatili hanggang sa manganak ka, Bethany." Nakangising sabi sa akin ni Flavius.

Hindi ko magawang sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Nagtataas-baba ang aking dibdib dahil sa takot, para akong kakapusin ng hininga dahil doon. Pinapanood ko lang siya kung papaano niya ako tinalikuran hanggang sa lumabas sila sa madilim na silid na ito.

Nang magsara ang pinto ay inayos ko ang aking upo at sumandal sa pader. Muli kong hinawakan ang aking tyan. Hinihamas-himas ko ito. Pumikit ako ng mariin. 'Huwag na huwag mo akong iiwan, anak, ha? Kumapit ka lang sa akin hanggang sa makauwi tayo, kasama na ang daddy mo...' Sa isip ko.

"Bakit hawak-hawak mo iyan?"

Napatingin ako sa aking gilid nang may narinig akong boses ng isang babae. Dahil sa sinag ng buwan na umagos sa silid na ito sa pamamagitan ng maliit na bintana ay naaninag ko ang isang babae. Kasing edad ko lang siya. Maputi pero maputla. Bakas sa mukha niya ang hirap at nanghihina na.

Bumaba ang tingin sa kaniyang tyan. Medyo malaki na ito.

"Cambion din bang dinadala mo?" Tanong niya.

Tahimik akong tumango bilang sagot.

"Mukhang kakabuntis mo palang." Sabi niya na hilaw ngumiti. Napasapo din siya sa kaniyang tyan. "Dalawang buwan na ito at ilang araw na din ay manganganak na ako..."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. "D-dalawang buwan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Siya naman ang tumango. "Ganyan din ang reaksyon ko noong nalaman ko na ganoong kaiksi pala kapag ipinagbubuntis mo ang cambion..." Napatingin siya sa isang bagay na nasa aking kamay. "K-kasal ka?"

Inangat ko ang aking kamay. Bahagya akong napangiti nang makita ko ang bagay na sumimbolo sa pagmamahal ko kay Ramael. "Oo, kasal ako sa incubus... Ang ama ng dinadala ko..."

Lumipad ang kaniyang palad patungo sa kaniyang dibdib. Bakas sa kaniyang mukha na hindi makapaniwala. "S-seryoso ka d'yan? P-pinakasalan mo ang demonyo?"

Muli akong tumango.

"Hindi ako makapaniwala..." Rinig kong buliong niya. "Imposible."

Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. "A-anong ibig mong sabihin?"

Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata. "Hindi pwedeng mahulog ang incubus sa tao. Sa mortal na tulad natin..." Seryoso niyang sabi. "Dahil mabigat na parusa ang maghihintay sa kanila."

Nagsukatan kami ng tingin. Wala akong makapang salita upang sagutin iyon. Ni magtanong ay hindi ko magawa.

"Nakita mo ba ulit ang ama ng dinadala mo?" Tanong niya ulit.

Tumango ako.

"Anong hitsura niya?"

"P-putol na ang mga sungay niya... S-sugatan siya... Sira-sira ang mga p-pakpak niya..." Nanginginug kong sagot. Bumuhay na naman ang pangungulila sa aking sistema. Anumang oras ay maiiyak na naman ako. Lalo na't naalala ko na naman ang hitsura ni Ramael kanina.

"Totoo nga ang sinasabi nila..." Muli niyang sabi.

"A-ano bang ibig mong sabihin? H-hindi ko maitindihan..." Nanghihina kong sabi.

Gumapang siya papunta sa akin para makatabi niya ako. "Kamatayan ang parusa sa kanila."

Nang sabihin niya iyon, parang tumigil ang mundo ko. Parang tumigil ang nasa paligid ko. Parang ilang beses na sinaksak ng punyal ang puso ko, kahit sa ibang parte ng aking katawan. "H-Hindi..." Ang tanging lumabas sa aking bibig. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang limang salita na iyon. "H-hindi totoo iyan, diba?" Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata.

Seryoso pa rin ang kaniyang mukha saka bumaling sa akin. "Totoo iyon." Saka tumingin siya sa kawalan. "Kaya hindi ko sinabi sa incubus ko kung ano ba talagang nararamdaman ko sa kaniya."

**

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ng babaeng kasama ko dito. Kailangan kong makatakas dito! Hindi nila pwedeng patayin si Ramael! Hindi siya pwedeng mawala. Nangako ako sa anak namin na babalik kami sa mundo ko para magkakasama-sama na kami. Para mabuo na ulit ang pamilya namin.

Sumagi sa isipan ko noong pumunta kami sa Camiguin. Na binigyan niya ako ng bouquet ng mga rosas...

"I will love you until the last rose fades, baby. Always remember that."

Oo, Ramael. Palagi kong tatandaan iyon... Walang araw na hindi ko makakalimutan ang mga katagang iyon.

"Years will pass and you will old, but my love for you will never, ever change, Bethany."

I burst out in tears. Napayuko ako. Mahina kong sinusuntok ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Hindi ko matatanggap. Kaya ba ganoon ang mga sinasabi niya noon? Dahil alam niya na hahantong sa ganito? Na isang araw mawawala siya? Na isang araw , hindi ko na siya makakasama at makikita pa?

"Ramael..." Mahina kong tawag sa kaniyang pangalan kahit na alam ko ay wala siya dito. 'Ramael... Alam kong maririnig mo ako... Nalaman ko... Nalaman ko ang totoo... B-bakit nagsinungaling ka sa akin? Bakit? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Bakit...'

Pumikit ako ng mariin kahit na walang humpay ang aking iyak. Bigo man ako makuha ang sagot niya. Alam kong nasasaktan siya.

'Please, huwag mo akong iwan... Huwag mo kaming iwan ng anak mo...'

-

[ R A M A E L ]

'Please, huwag mo akong iwan... Huwag mo kaming iwan ng anak mo...'

Pumikit ako ng mariin nang marinig ko ang boses ni Bethany. Parang pinipiga ang puso ko nang marinig ko ang iyak niya. Para akong sinaksak ng ilang beses. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahikbi. Napayuko ako.

Baby, I'm sorry. I'm sorry if I didn't' tell you the truth. I'm sorry... Ang tanging gusto ko lang ay iligtas ko kayo ng anak natin.

Hindi ko magawang lumaban. Dahil nanghihina na din ako. Sa tuwing nagbibigay ako ng apeksyon sa kaniya, kaakibat nun ay nababawasan ang aking kapangyarihan na meron ako.

"Ramael..."

Kahit na nanghihina ay pinipilit ko pa ring inangat ang aking tingin. Napaawang ang bibig ko nang makita ko siya. Kitang kita ko kung papaano siya naiiyak sa aking kalagayan. Niyakap niya ako. Mas lumakas ang kaniyang hikbi. "Kung malakas lang ako, magagawa kitang iligtas, kuya..." Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin.

Nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko rin magawang yumakap sa kaniya pabalik dahil sa kadena na nakakabit sa aking magkabilang braso at mga paa.

"Please, lumaban ka, kuya..."

"I... Can't... Lucille..." I said between my cries. "Alam mo kung anong kapalit sa bawat ipinapakita ko kay Bethany... At ito na iyon... Please... Iligtas mo ang mag-ina ko... Habang wala pa si Raziel... Kailangan nilang umalis sa impyerno... My child didn't deserve this kind of cruel life."

Kumalas siya ng yakap sa akin. Basang-basa na ng luha ang mukha niya. Tumango siya. "S-sige, kuya... Ililigtas ko siya... Pero, lumaban ka... Para sa mag-ina mo... Pakiusap..."

Hindi ko magawang sumagot. Instead, I give a smile.

"Babalik ako, kuya. Babalikan kita. Ikaw naman ang ililigtas ko sa oras na nagawa kong iligtas sina Bethany at ang anak ninyo. Pangako ko iyan..." Saka pinunsan niya ang mga luha.

"T-thank you, L-Lucille..."

Umiling siya. "Saka ka magpasalamat kapag nagawa ko na kayong iligtas, kuya. Hm?" Then she give me a peck kiss on my forehead. "I love you, kuya. Mahal na mahal kita... Ikaw lang ang nagparamdam sa akin na kapatid mo ako kahit na ganito kasama ang mundo sa atin..."

Pumikit ako at mas ngumiti.

"I'll be back, kuya." She said before she leave.

Nang mag-isa na ako, ay napayuko ulit ako. Sa unang pagkakataon, humiling ako sa Diyos. Sa Diyos ng langit. "Please keep them safe..."

Game OverWhere stories live. Discover now