Chapter 13

4K 46 4
                                    

Bago man kami tumulak ni Mr. Black or should I call him Ramael (ayaw daw niya ng formality. Tss.) sa Hotel ay tinawagan ko si tita Tilda dahil hindi natuloy ang uwi ko dapat kahapon. Naitindihan naman niya. Wala daw problema. Alam daw niya na masyado daw ako subsob sa trabaho at mga goals sa buhay.

Hindi ko lang din inaasahan na normal na pagkain na kinakain ni Ramael. Seryoso, para talaga siyang tao sa inaakto niya. Ang problema lang sa akin ay ang bahay niya-parang pinabayaan talaga. Tumitindig ang balahibo ko sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang eksenang iyon. Sabay kaming pumunta ng hotel and resort. Medyo nagulat lang din ako dahil pinagbuksan niya ako ng pinto. Wow, may genlteman din sa katawan ang isang iyon.

Sumusunod lang ako sa kaniya habang papasok na kami sa lobby. Binabati siya ng mga empleyado dito pero ni isang beses, hindi man lang siya bumati pabalik! Demonyo nga talaga!

Napapansin ko lang din na halos himatayin ang mga babaeng empleyado sa presensya nitong kasama ko. What the eff, guwapong guwapo na sila sa isang ito?!

Hanggang sa marating namin ang opisina niya. Sumabay sa pagpasok ang sekretarya niya na may dalang tablet, sasabihin siguro ang schedule ng mga meeting or appointments ni Ramael ngayong araw.

"Mr. Black, you have three meetings straight for to--"

"Cancel it." Malamig na sagot ni Ramael sa kaniya.

Napaawang ang bibig ko sa sinagot niya. What? Ikakansel daw?

"You heard me, Megan. Cancel all my appointments for today. My plans changed." Malamig niyang binalingan ang sekretarya niya. "You may now leave."

"Y-yes, sir." Parang nataranta naman siya habang papaalis na siya dito sa opisina.

"And you, the mother of my child." Sa akin naman siya tumingin.

"H-ha?" Parang nabingi naman ako sa sinabi niya! What the--

"Your work starting today, right?"

Aligaga kong hinawakan ang bag kung nasaan ang DSLR ko. "Oo, saan ba ako kukuha-"

"I'll go with you."

"Kahit huwag na..."

"Kinansel ko lahat ng appointment ko para samahan kita, may lakas ka ng loob tumanggi?" Naniningkit ang mga mata niyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano?!" Hindi ko mapgilang mabulalas iyon.

He shrugged. "As what I've said last night, since you we're the mother of my future child, I need to stay close with you."

"Hindi pa naman ako buntis!"

Natigilan ako sa sinabi ko. What the fuck?! Saan ko naman nakuha ang mga iyon?! Napatingin ako sa kaniya. Kita ko na unti-unti sumisilay ang isang gilid ng kaniyang labi hanggang sa tuluyan na itong ngumisi. Sa inaakto niya ngayon parang nasiyahan pa siya sa narinig!

"So, I need to impregnate you first, hm?" Nang-aakit niyang sambit kasabay na paghakbang niya palapit sa akin. Humakbang ako pero pader na ang nasa likod ko! Agad ako kinulong mga braso niya sa magkabilang gilid ko kaya wala na akong kawala! "I just feel like biting your lips and moan for me, Bethany..."

"A-ang landi mong d-demonyo ka..." Hindi ko mapigilang sabihin iyon.

Tumaas ang isang kilay niya na para bang namangha. "W-what...?"

"Malandi ka, sabi ko." Ulit ko pa.

Yumuko siya. Kita ko ang pagkagat niya ng labi na parang pinipigilan niyang matawa. Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin. "Seriously, you called me malandi?" Wait, natawa ba siya? Tumatawa ba ng ganoon ang demonyo!?

"H-hindi ba totoo?" Sabay iwas ko sa tingin niya. Marahan ko siyang itinulak. "Magtatrabaho na ako."

"I'll go with you, Bethany." Sabi niya.

"Kaya ko nga ang sarili ko-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang. "A-anong ginagawa mo?"

Tumingin siya sa akin. "May mali ba sa ginagawa ko?" Nagtataka pa siya sa lagay na iyan!

"Kapag nakita nila tayong ganito, iisipin nilang girlfriend mo ako kahit hindi naman!" Singhal ko sa kaniya. Tinanggal ko ang kaniyang braso sa aking bewang pero bigo ako. Malakas siya!

"I don't care, Bethany. And besides, I'm single. Isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin." Sambit niya at pwersahan niya talaga akong kasama sa paglabas namin sa opisina niya. What the...

Napatingin sa amin si Megan na parang nagulat siya dahil nakapulupot ang braso ni Ramael sa bewang ko habang naglalakad. Sa mukha niya, parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

Hindi lang siya, maski ang iilang nakakasalubong namin na empleyado, ganoon din ang reaksyon.

"Tumigil ka na, Ramael. Pinagtitinginan na nila tayo." Mariin kong bulong sa kaniya. "Kunti nalang talaga, iisipin nilang babae mo ako."

"Babae naman kita simula palang." Mahina niyang sagot.

Tumigil kami sa paglalakad. Halos malaglag ang panga ko sa sahig. "Anong sabi mo?"

"Minarkahan na kita noon palang, ibig sabihin akin ka na. Hindi ba?" Naging malamig na naman ang boses at tingin niya. "Don't argue with me, Bethany. Or else, I'll fuck you. Right here, right now."

Bastos talagang lalaking ito! Kung hindi ka lang demonyo, ipapapulis kita! Hindi man lang uso sa kaniya ang censored words. Jusko!

**

Panay kuha ko ng magagandang shots. Narito kami sa may mini bridge, magandang view dahil makikita ang mismong beach, ang gusali ng hotel. Maganda rin naman ang panahon ngayon kaya tamang tama.

Napatingin ako kay Ramael. Nakahalukipkip lang siya habang mataimtim niya akong pinapanood. Napalunok ako't binawi ang tingin ko. Bakit ganito? Natetense ako! Para akong hihingalin kahit wala naman ako masyaodng ginagawa!

"T-tapos na ako dito..." Kabadong sabi ko. Dahil ang totoo niya, para maputol ang panonood niya sa akin. "Saan pa ang mga facilities ninyo dito?"

"How about restaurants?"

Nasiyahan ako sa aking narinig. "Tamang-tama, gutom na ako." Bulalas mo.

"Wala pang lunch."

Umingos ako. "Eh sa gutom na nga ako, eh. Huwag kang mag-alala, may dala akong pera! May pambayad ako sa resto mo!"

"Alright."

**

Hindi ko akalain na ang sasarap pala ng mga pagkain dito! Ang plano ko naman talaga ay bibili lang ako ng tama lang para sa akin pero ito naman si Ramael, puro mga best sellers ang pinaorder niya. Aligaga naman ang mga chef at mga sous chef sa utos niya. Kahit mga empleyado niya, natataranta dahil sa presensya niya. Wait, ibig sabihin ba ay madalang lang siyang napunta sa resto na ito?

Bago din kami kumain ay ginawa ko pa rin ang trabaho ko. Isa-isa ko kinuhaan ng mga litrato ang mga pagkain. Ilang shots lang naman.

"Do you like it?" Malamig niyang tanong sa akin habang kumakain kami dito sa VIP Room ng resto nila. Ang sosyal talaga ng hotel and resort na ito!

"Yep!" Masigla kong sagot habang ninanamnam ko bawat pagkain na kinakain ko. Oh, heaven! Tumingin ako sa kaniya. "May tanong pala ako..."

"What is it?" Wika niya na hindi nakatingin sa akin dahil abala din siya sa kaniyang pagkain. "Spill it."

Bago man ako magsalita ay inilapat ko ang mga labi ko. "Papaano ka naging ganito kayaman? 'Yung iba, hindi basta-basta makuha ang ganitong success pagdating sa negosyo..."

"Lahat ng mana ko, dito napunta." Seryosong sagot niya. Malamig pa rin. Ni wala akong mabasang ibang ekspresyon sa kaniyang mukha. Hindi tulad kanina...

Hindi an ako nagsalita pa. Patangu-tango lang ako tila kontento sa kaniyang sagot. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain.

**

After namin kumain ay tinapos na namin ang trabaho ko.Sinamahan lang niya ako sa iilang accommodation at facilities ng hotel and resort niya. Ni hindi man lang siya nagsasalita tungkol sa ganito, ganyan. Kumsabagay, siya ang may-ari at hindi tourist guide! Ang tanga mo din naman , Bethany!

Pabalik na kami ng opisina niya nang tumayo ang sekretarya ni Ramael. "S-sir, may bisita po kayo..."

Napatingin ako sa kaniya. Bahagyang kumunot ang noo niya pero may bakas may pagtataka pa rin. "Who?" Malamig at seryoso niyang tanong.

"H-hindi po siya nagpakilala, sir. Lalaki po, eh."

Hindi na nagsalita pa si Ramael. Sa halip ay nilagpasan lang niya ang kaniyang sekretarya at dumiretso siya sa pinto saka binuksan niya ang pinto. Sumunod naman ako.

Nakatalikod ang lalaki nang maabutan namin iyon. Lumingon siya sa amin nang maramdaman niya ang aming presensya. Napaawang ang bibig ko nang napagtanto ko kung sino ang lalaking iyon. Kahit sa loob ng walong taon na nagdaan ay kilala ko pa rin ang mukha na iyon...

"Hey!" Masiglang bati niya kay Ramael.

Muli ko tiningnan si Ramael. Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang kamao. Nakakuyom na iyon. Parang hindi niya nagustuhan ang nakikita niya.

"What are you doing here?" Mariin at galit na tanong ni Ramael sa kaniya.

Mas lumapad ang ngiti niya saka bumaling sa akin. "Because of her."

Natigilan ako. Anong ibig niyang sabihin?

Nilapitan ako ng lalaking iyon at walang sabi na hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Kamusta ka na? Tagal na natin hindi nagkita, ah!" Masayang sabi niya sa akin. Ang mas ikinagulat ko ay bigla niyang akong niyakap. "Namiss kita!"

Dahil doon ay pwersahan niyang hinawakan ni Ramael at tinulak. Hindi pa siya kuntento ay binigyan niya iyon ng sapak sa mukha!

"Don't dare to lay your hands at her!" Bulyaw ni Ramael. "Once you touch her, I will kick your ass outta here, Raziel!"

Dahan-dahan tumayo ang mala-anghel na mukha. Ang akala ko ay papatulan pa niya si Ramael ngunit nagkamali pa ako. Mas lalo pa siyang ngumisi nang nakakaloko. "Hindi ko siya hahawakan pero hindi ko siya pwedeng iwan, Ramael."

Game OverWhere stories live. Discover now