Chapter 21

3.7K 51 4
                                    


Abala ako sa pagkukuha ng litrato ng dalawang models na nasa harap ko ngayon. Panay sigaw ko din sa kanila para makuha ko ang pinakabest na pose at portrait. Mabuti naman at sumusunod sa akin ang models sa mga instructions ko. Narito kami sa isa sa mga white beach resort sa Camiguin. Masasabi ko lang ay napakaperfect ng lugar na ito para sa shoot. Natural ang ganda nito, hindi na kailangan ng digital background o edit pa.

"Okay, take a break!" Sigaw ko sa kanila.

Sumunod naman ang iilang staff. Agad nilang nilapitan ang mga model para bigyan ng robe at tubig pati na din ng retouch. Napatingin ako sa direksyon kung nasaan si Ramael. Prenteng nakaupo sa sun lounge, nakatingin ng diretso sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. Para bang nasisiyahan siya sa nakikita niya. Sinuklian ko din siya ng ngiti, humakbang ako palapit sa kaniya.

"Nabobored ka ba?" Tanong ko sa kaniya saka umupo ako sa kaniyang tabi.

"Nope, kung ikaw lang din naman ang pinapanood ko." Malumanay niyang tugon. Kinuha niya ang bote ng mineral water sa kaniyang tabi. Binuksan niya iyon at inabot sa akin. "Here, I know you're thirsty."

Mas lalo lumapad ang ngiti sa aking mga labi. Tinanggap ko ang tubig. "Thank you." Ininom ko iyon.

"Ganoon pala ang trabaho mo. Mahirap." Aniya.

Tumingin ako sa kaniya pagkatapos kong uminom. "Sanay na din naman ako. Kaya wala nang kaso sa akin iyon." Sagot ko.

Ngumuso siya habang nakatingin sa akin. "After work, you need to take some rest. Naasikaso ko na din ang accommodation natin sa Hotel sa resort na ito. You need to gain some energy." Sabi niya na may mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi.

"Eh di balewala rin ang magpapahinga ko kung papagurin mo lang din naman ako." Wika ko at tumawa.

"I can wait until we come back in Manila." He said.

Naiwan sa Batangas sina Raziel at Lucille. Si Lucille na daw muna ang bahalang mamahala ng Hacienda Virginia habang si Raziel ay nasa mansyon pa rin. Gusto pa nga sana sumama ni Raziel pero ayaw ni Ramael. Malaking istorbo daw kaya wala na din magawa ang pobre. Haha.

Nakilala na din ng mga kaibigan ko si Ramael. Noong una ay hindi sila makapaniwala na may boyfriend na ako. Lalo na guwapong guwapo sila sa kasama kong ito, maliban nga lang kay Jasmine, bato ang puso n'on, eh. Napakisamahan ni Ramael ang mga kaibigan ko kahit na maiingay ang mga iyon lalo na si Shayne. And of course, I don't tell about his secret. Lalo na ang pagkamatay ni William. Masyado na siyang sensitibo.

Napakilala ko na din siya kay tita Hilda. Tulad ng reaksyon ng mga kaibigan ko, unang napuna ni tita ang kaguwapuhang taglay ni Ramael. Hindi maiwasan ang pagiging usisera ng tiyahin ko kaya panay interview niya kay Ramael, hindi ko malaman kung kinikilatis niya ba o ano. Buti din ay hindi nairita si Ramael sa inasal nito. But I know, he's trying his best para hindi niya ipakita sa mga taong nasa paligid ko ang bad side niya.

"Habang pinapanood kitang magtrabaho, napapaisip ako kung papatigilin ba kita o hindi." Biglang sabi niya.

Napatingin ako sa kaniya, nagtataka.

"Kailangan mo talagang magbilad sa araw. Pinagpapawisan ka na habang kumukha ng mga litrato sa mga models mo." Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Kapag nabuntis na kita, bawal ka nang magtrabaho. Alagaan mo nalang ang anak natin."

Napaawang ang bibig ko. Hindi makapaniwala. I can't imagine na maririnig ko ang mga bagay na ito sa isang Ramael Black! Parang hindi siya demonyo, eh. Parang tao na kung kumilos at magsalita! Lalo na kung mag-isip!

"I was head over heels with you, baby. That's why." Nakangiting sabi niya.

I gasped. Oo nga pala, nababasa pa rin niya ang iniisip ko! Kaloka! Nakalimutan ko pa! Jusme!

**

Pagkatapos ng shoot ay nagpahinga na ang buong staff. Kami naman ni Ramael ay dumiretso na sa kuwarto kung saan kami nagcheck in. Presidential suite pa ang kinuha niya. Sinasabi ko na nga sa kaniya kahit sa regular room nalang but he insist. Gusto niya daw ako maging komportable. Wala na rin akong laban, nabayaran na din niya ang kuwarto na iyon bago ko tanggihan iyon. Pabihirang lalaking ito...

"You need to take a cold shower, baby. Masyadong mainit sa labas." Sabi ni Ramael. "I'll prepare it for you."

"Kahit ako na..."

Pero bigo ako. Pumasok na siya sa banyo at rinig ko ang shower. Ngumuso ako saka umupo sa gilid ng queen-sized bed. Naiiling ako. Hindi ko akalain na ganito ang boyfriend ko. Talagang ginagawa niya ang pangako niya... Babaguhin ang sarili niya para sa akin. Ilang araw palang naman naging kami pero binubuhos niya ang pagmamahal na meron siya sa sarili niyang paraan. Wala naman akong nakikitang problema doon, siguro dahil ganoon din ang nararamdaman ko para sa kaniya. Unang boyfriend ko, literal na demonyo pa. But I don't mind it. Basta masaya kami pareho.

"Stop thinking sweet things, baby! I got some butterflies on my stomach again!" Biglang sigaw ni Ramael mula sa loob ng banyo.

Natawa ako sa sinabi niya. Napahiga ako sa kama. Dinaan ko nalang sa tawa ang kahihiyan na inabot ko!

Lumabas si Ramael sa banyo na may ngiti sa kaniyang mga labi. Tumigil ako sa pagtawa nang may nakita akong bagay sa isang kamay niya. Bumangon ako. Tumabi siya sa akin.

"This is for you," Sabi niya sabay abot niya sa akin ang bouquet!

Namamanghang tinanggap ko iyon. Tumingin ako sa kaniya. "Anong ginagawa ng bouquet d'yan sa banyo?" Saka tumawa ulit.

Napakamot siya sa kaniyang batok. "Damn, wala naman kasi akong alam kung saan ko iyan itatago. Para hindi mo agad makita." Sagot niya.

Inilipat ko ang tingin ko sa bouquet na hawak ko. Eleven real red roses and... One artificial rose in the center of the bouquet? Muli kong tiningnan si Ramael, humihingi ng kasagutan.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan niya ang likod ng aking palad. "I will love you until the last rose fades, baby. Always remember that." Masuyong sabi niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Bigla nalang bumilis ang pintig ng aking puso. Ramdam ko nalang ang pagwawala na kung ano sa aking tyan. May halong kiliti na bumabalot sa aking pagkatao! My goodness, mukhang maraming binaon na sweet bones si Ramael!

"I love you." Hindi ko mapigilang sabihin iyon sa kaniya. Dahil din sa hindi ko na rin makontrol ang aking emosyon ay niyakap ko siya. "I love you, the father of my child."

I heard him chuckled. Ginatihan niya ako ng yakap. "Mas mahal kita, Bethany." Anas niya sa aking tainga.

Kinagat ko ang aking labi. Kinikilig ako. Ugh! "Because of that, I wanna do bad things with you, Ramael..." May halong lambing at mapang-akit kong sabi.

Kumalas siya ng yakap sa akin. Binigyan siya ako ng isang hindi makapaniwalang tingin. Maya-maya din ay sumilay ang isang nakakalokong ngisi. "You're such a tease, baby. Don't be like that." Namamaos niyang sabi. Halatang nagiging mapang-akit na iyon. "Remember this, baby. I might break this bed so fucking hard instead I'm breaking your heart. And don't worry, I'll make your panties wet, not your eyes."

Namilog ang mga mata ko sa mga sinabi niya. "Ramael!" Suway ko sa kaniya.

"Why? I'm just telling the truth..."

Naiiling ako habang natatawa. Bakit pa ba ako magtataka? This guy is a demon! Kaya asahan mo na din na hindi rin magaganda minsan ang lumalabas sa bibig niya!

"You're a pervert-gentleman." Iyan nalang ang naging komento ko.

Ikinulong ni Ramael ang mukha ko sa pamamagitan ng magkabilang palad niya. Ramdam ko ang init sa mga iyon. Nagtama ang mag tingin namin. Seryoso niya akong tiningan. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. Napakaperpekto. Parang wala kang makikitang mali doon. Bawat parte doon ay tinatandaan ko...

"I love you, Ramael..." Mahinang saad ko.

Hindi man niya magawang sagutin iyon ay sinunggaban niya ako ng halik sa aking mga labi. Mapusok. Tila sabik na sabik niyang maangkin ang mga labi ko. Tila may sariling pag-iisip ang mga kamay ko, dumapo ang mga palad ko sa kaniyang batok. Pilit ko tugunan ang mga halik niya na iginagawad niya sa akin.

Kusang sumusunod ang katawan ko sa nais niya... Dahan-dahan niya akong hiniga sa malapad at malambot na kamang ito hanggang sa umibabaw na siya sa akin, hindi niya pa rin magawang tigilan ang mga labi ko.

Para akong kakapusin ng hininga, hindi dahil sa ginagamit niya ang kapangyarihan niya sa akin kungdi sa mabilis gumalaw ang mga labi namin. Parang naghuhulian kami pero mukhang siya ang nagtagumpay dahil kinagat niya ang pang-ibabang labi ko bago man tuluyang naghiwalay ang mga labi namin.

Muli nagtama ang mga tingin namin. Pareho kaming hiningal. Lumipat ang mga palad ko sa magkabilang pisngi niya. Pareho kaming napangiti.

Pumikit si Ramael at idinikit niya ang noo niya sa noo ko. "Parang hindi ko na kilala ang sarili ko, Bethany... Nababaliw na ako sa iyo..." Mahinang sabi niya.

Pumikit din ako. I want to feel him. I want to stay like this with him... I know he can read what's on my mind. Kaya hindi ko na magawang isaboses ang mga iyon.

"This is not the right place to do this, Bethany." He said.

Marahan kong idinilat ang mga mata ko. "W-what do you mean?" Anas ko.

Bahagya niyang inilayo ang mukha niya sa akin. Tiningnan niya ako ng diretso sa aking mga mata. "We will do that thing in a memorable place for us..." He answered. "I want you to be remembered, Bethany. Last night, I'm dreamed, you're wearing a white dress with a flower crown. Pareho tayong nangako sa isa't isa..."

May tumulo na isang butil ng luha at marahas iyon umagos hanggang sa tumulo iyon sa bed sheet. Parang pinipiga ang puso ko sa aking narinig. Dahil ba iyon sa tuwa o ano?

Hinawi niya ang takas kong buhok at pinunasan niya ang aking luha sa pamamagitan ng kaniyang hinlalaki niyang daliri. "Yes, baby. Kahit na literal na demonyo ako, ito ang unang beses na nangarap na ikasal, sa tao pa... Sa isang tulad mo. Kahit magkaiba pa tayo, gusto rin maranasan ang mga bagay na ginagawa din ng mga tao..."

Lihim ko kinagat ang aking labi. Ayokong mapahagulhol sa harap niya. "Hihintayin ko ang araw na iyon, Ramael..." Saka ngumiti ako.

Pareho kaming pumikit. Ramdam ko ang mga labi niya sa noo ko.

"Years will pass and you will grow old, but my love for you will never, ever change, Bethany." Masuyo niyang sambit.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala akong makapa na tamang salita para sagutin iyon. Nagkahalo-halo ang emosyon ko. Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga bagay na ito sa kaniya. Pero iisa lang ang nasisiguro ko, ang pagmamahal niya. Kahit na sabihin nating hindi naging maganda ang first encounter namin, hahantong pala kami sa ganito...

Sunod naman niyang hinalikan ang aking mga labi. It's a light kiss. "I'm so inlove with you, baby. You are my breath, my every heartbeat, Bethany." 

Game OverWhere stories live. Discover now