Chapter 28

3K 34 1
                                    

Dapit-hapon na ay pababa ako ng grand staircase nang madatnan ko ang mga butler at maid na may mga dala nang maleta. Including the oldest butler. Kinakausap sila ni Raziel at inaabot nito ang tig-iisang sobre sa kanila. Kumunot ang noo ko na may pagtataka kung anong nangyayari. Kung bakit aalis ang mga iyon.

Mukhang naramdaman ni Raziel ang aking presensya kaya tumingin siya sa aking gawi. Napatigil ako sa pagbaba ngunit nanatili pa rin akong nakahawak sa railings. Mas lalo ako nababahala kung bakit seryoso ang mukha niya, maski ang aura niya ngayon.

Binawi niya ang kaniyang tingin mula sa kaniya at bumaling siya sa mga taong kausap niya. "Mag-iingat kayo sa pag-uwi." Huling habilin niya sa mga iyon.

"Maraming salamat po, Sir Raziel."

Tango lang ang tanging naisagot nito sa kanila. Nang tuluyan nang makaalis ang mga iyon at isinara na ni Raziel ang malaking pinto. Agad ko siyang dinaluhan para kausapin. "Raziel," Tawag ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin.

"A-anong nangyayari? B-bakit bigla ang alis nila?" Hindi ko mapigilang itanong iyon.

Isang maliit na ngiti ang kaniyang iginawad sa akin. "Dahil kailangan, Beth." Sagot niya. "Lilipat na tayo ng lugar. Ngayon din. Kaya mag-impake ka na. Ihahanda ko na ang masasakyan natin."

"Bethany,"

Napalingon ako nang tinawag ako ni Ramael. Seryoso ang kaniyang mukha nang lapitan niya ako. Bigla ako ginapangan ng kaba at takot. "R-Ramael..."

"You need to leave with Raziel. Magpapaiwan kami ni Lucille dito. Susunod nalang kami kapag maayos na ang lahat." Sabi niya. "Hindi natin alam kung anong susunod na hakbang na gagawin ni Flavius, mas maigi kung maging handa tayo."

Napaamang ako. P-pupunta ang nakakatanda niyang kapatid dito? Dahil ba nalaman na niya na nagdadalang-tao na ako? Na nasa sinapupunan ko na ang tinutukoy nilang cambion? Bigla kong naalala ang mga binanggit ni Lucille sa akin tungkol sa mangyayari sa mga cambion.

Napasapo ako sa aking puson. Tiningnan ko si Ramael na may pag-aalala sa aking mukha. "Ang cambion pa rin ba ang habol niya?"

"Unfortunately, yes."

Napalunok ako dahil sa kaba. Ibinaling ko kay Raziel ang aking tingin. Tumango siya sa akin. Parang sinasabi niya na kailangan nga namin gawin iyon. Ibinalik ko ang tingin ko kay Ramael. Dahan-dahan akong tumango bilang pagsang-ayon. Naglakad ako pabalik sa kuwarto ni Ramael para ihanda ang mga gamit ko sa oras na pag-alis namin ni Raziel.

Eksaktong alas syete ng gabi.

"Kailangan sa malayong lugar mong dalhin si Bethany." Turo ni Ramael kay Raziel. "Be sure na hindi kayo natutunton ni Flavius. You can use your power just in case."

"Alright." Sagot sa kaniya ni Raziel.

Bago man kami tuluyang umalis ni Raziel, nilapitan ko si Ramael. Marahan kong idinapo ang aking palad sa kaniyang pisngi para maramdaman siya. Parang kumirot ang puso ko. Sa unang pagkakataon ay iiwan ko siya sa ganitong estado. "Be safe, Ram. Please..." I said, my voice almost broke.

Pumikit si Ramael. Hinawakan niya ang aking kamay na nakadapo sa kaniyang pisngi. "I will, baby. I will." Saka hinalikan niya ang likod ng aking palad. "Everything's gonna be alright. Trust me."

Parang may tumusok na kung ano sa parte ng aking puso nang sabihin niya iyon. Ginawaran ko siya ng isang hilaw na ngiti. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Hihintayin ka namin ng anak mo. Mahal na mahal kita, Ramael."

Ramdam ko ang pagtango niya. "Mahal na mahal din kita... Mahal na mahal ko kayo ng anak natin, Bethany." Namamaos niyang sabi. Dahan-dahan siyang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa aking noo. "Go." Utos niya.

Kahit labag sa aking kalooban na iwan si Ramael dito ay wala na akong magagawa. Susundin ko ang gusto niya. Kung para sa ikakabuti ng aming pamilya.

Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Raziel. Sumakay ako sa backseat. Pagkasara ni Raziel ang pinto ay agad kong sinilip ang kinaroroonan ni Ramael na nanatiling nakatayo sa tabi ni Lucille na malungkot ang tingin. Hanggang sa umaandar na ang sasakyan. Napahawak ako sa bintana. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya.

Palayo na kami nang palayo... Nadudurog ang puso ko.

Napayuko ako at lihim ko kinagat ang aking labi para pigilan kong umiyak ngunit bigo ako. Kusa nang may tumulo na isang butil ng luha. Marahas iyon bumagsak sa aking kandungan. Napasinghap ako upang may malanghap akong hangin kahit papaano.

"I'm sorry, Beth but we think this is the best choice to save you and your child." May bakas na pagsusumao na sambit ni Raziel.

Napabuntong-hininga ako. "Basta maging ligtas lang din siya, panatag na ako doon." Sagot ko. Napahawak ako sa aking tyan. 'Babalikan niya tayo, anak. Babalikan din tayo ng daddy mo...'

**

[ Ramael's POV ]

Nanatili lang kaming nakatayo ni Lucille sa labas ng mansyon. Inaabangan namin ang inaasahan naming bisita at hindi nga ako nagkakamali. Ramdam ko ang malakas niyang aura mula dito.

Unti-unti nababalutan ng usok ang palagid namin. Naniningkit ang mga mata nang matanaw ko ang limang bisita na pinangungunahan ni Flavius palapit sa amin. All of them wearing a cape. Hangang sa huminto sila sa mismong harap namin. Hinawi nila ang hood sa kanila uluhan upang masilayan namin ang kanilang pagmumukha.

Blangko ekspresyon ang nakaukit sa aking mukha. I wasn't feel intimidated by him. Handa ko silang harapin.

"Ramael Black." Nakangising bati ni Flavius sa akin. "Mukhang inaasahan mo ang pagbisita ko..."

I smirked. "Of course. Kilalang kilala kita. You love surprises but unfortunately, I spoiled it."

Nawala ang ngisi sa kaniya mga labi dahil sa aking sinabi.

Hm, hindi ka parin nagbabago, Flavius. Pikon ka pa rin.

Tumikhim siya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Your wife, Bethany was here, right? I heard she's now pregnant. We're here to pay a visit." At pilit ngumiti.

"Huwag na tayo magkalokohan pa dito, Flavius. Alam ko kung anong gusto mong mangyari kaya ka narito. Pero, naunahan na kita. Kahit kailan, hinding hindi mo makikita pa ang asawa ko." Mariing sabi ko.

Kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. "Huwag na huwag mo akong sasagarin, Ramael." Matigas niyang bigkas sa mga salita na kayang binitawan. "Alam mo sa umpisa palang kung bakit kailangan natin ng mga cambion, hindi ba? At talagang pinakasalan mo pa ang ina ng cambion. Hindi ka talaga marunong sumunod sa batas."

"Wala na akong pakialam sa batas na iyon, Flavius. Noon iyon pero iba na ngayon. Hinding hindi ako makakapayag ni dulo ng daliri mo ang hahawak sa asawa ko." Nag-ngingitngit na ako sa galit. Kahit kailan talaga ay hindi kami magkasundo.

Walang sabi na kinuwelyuhan niya ako. "Tingnan natin kung hanggang saan ang katigasan ng ulo mo, Ramael!" At marahas niya akong itinulak.

"Kuya!" Sigaw ni Lucille.

Bumaling ito sa kaniya na may galit sa mukha. "Isa ka pa! Sinong may sabi sa iyong sundan mo ang suwail na ito, ha?! Ano, sa kaniya ka ba kakampi, ha?!" Bulyaw niya kay Lucille. Hindi pa siya kuntento, walang sabi na sinakal niya ang kapatid ko hanggang sa maiangat iyon. Napasinghap ang bunso kong kapatid habang hawak niya ang kamay ni Flavius. "Talagang gusto mo rin makaranas ng hindi dapat, Lucille."

Mabilis akong kumilos palapit kay Flavius. Walang babala na bigla ko ito sinuntok sa mukha kaya nabitawan niya si Lucille. Bumagsak ito sa lupa at nauubo-ubo pa.

"Talagang ginagalit mo ako, Ramael..." Wika pa niya habang sapo niya kaniyang mukha kung saan ko siya nasuntok. Ngumisi siya na parang may binabalak na masama. Itinagilid niya ang kaniyang ulo upang makausap niya ang mga kasamahan niya. "Halubugin ninyo ang buong kagubatan, huwag na huwag kayong titigil hangga't hindi niyo nakukuha ang ina ng cambion!"

Agad kumilos ang dalawa nitong tauhan.

Shit! Hindi nila pwedeng maabutan sina Bethany at Raziel! Sana ay nakalayo na sila!

Hahabulin ko sana sila nang biglang humarang sa dinadaanan ko si Flavius. Ako naman ang sinakal niya!

"Kuyaaa!" Hiyaw ni Lucille. Hindi niya magawang makapalit sa akin dahil hawak-hawak siya ng mga natirang tauhan ng gagong ito! "Ramaeeeel!"

Unti-unti akong inangat ni Flavius. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Gustong gusto na niya ako patayin. Ramdam ko ang mga daliri niya na nag-iiba na ng anyo...

N-no...

Ngumisi siya. "Huwag kang mag-alala, magkikita pa naman kayo ng asawa mo, maghintay ka lang..." Nag-iiba na din ang kaniyang mukha... Parang nanumbalik na sa tunay niyang anyo!

Unti-unti nang tumutubo ang dalawa niyang sungay, mga pangil, pati na din ang mga pakpak niya...

Nagiging kulay pula na ang mga mata niya.

"Matulog ka muna, aking kapatid." At walang sabi na sinaksak ako ng matutulis niyang daliri sa aking sikmura.

Napasinghap ako at bumulwak ang dugo mula sa aking bibig. Natalsikan din siya sa kaniyang mukha ngunit isinawalang bahala niya iyon.

"Ramaeeeeeeeeeel" Malakas na tawag ni Lucille. "Tama na, Flavius!"

"Shut up, Lucille. Kung ayaw mong sumunod sa kaniya." Bulyaw nito ngunit nakatuon pa rin sa akin ang kaniyang tingin. "Sleep dreams, brother."

Nanlalabo na ang mga mata ko. Nanghihina ako.

Alam ko, walang wala ang kapangyarihan na meron ako kay Flavius. Walang wala ako sa kaniya kaya siya ang naging kanang kamay ni Lucifer.

'Raziel... Alam kong maririnig mo ako... Pakiusap... Huwag na huwag mong pababayaan ang mag-ina ko...H-huwag na huwag mong sasabihin kung anong nangyari...'

Dahan-dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata hanggang sa itim nalang ang nakikita ko...

**

[ Raziel's POV ]

Bigo kong pigilan ang pagtulo ng aking luha habang patuloy akong nagmamaneho. Bigla nalang kumirot ang aking puso nang marinig ko ang boses ni Ramael sa isipan ko.

Ginagawa ko ang lahat upang hindi ipakita kay Beth kung anong nangyayari sa akin ngayon. Sinilip ko siya sa pamamagitan ng rearview mirror. Natutulog siya...

'Oo, Ramael. Hinding hindi ko pababayaan ang mag-ina mo. Lumaban ka, pare. Utang na loob lang, hihintayin ka nila kaya huwag na huwag kang susuko!' Humigpit ang pagkahawak ko sa manibela, kasabay ang lihim na pagkagat sa aking labi para hindi marinig ni Beth ang paghikbi ko...

▶▶▶

Game OverWhere stories live. Discover now