Prologue

14 1 0
                                    

Paalala:

Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda at hindi ito hinango sa totoong buhay. Anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, lugar, at mga pangyayari sa kwentong ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala, at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan o dahilan nang walang pahintulot ng may-akda.

******

□ □ □ ■ □ □ □  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □
 

"Papatayin ko ba talaga siya?" Tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa kwentong sinusulat ko. Ilang ulit ko nang binubura ang scene kung saan tuluyan nga siyang mamamatay ngunit nais ko talagang mamatay siya.

Aish bahala na nga... para maging malungkot din ang ending ng storyang ito. Para iiyak ang mga readers ko.

Magta-type na sana ako ng death scene ngunit biglang tumunog ang switch ng ilaw ko. Napalingon ako doon at napakunot ang aking noo dahil nagspark ito na para bang may tumama mula doon. Lalapitan ko na sana ito ngunit biglang nabasag ang ilaw ko kaya pinrotektahan ko ang aking sarili dahil paniguradong matatamaan ako sa mga bubog nito.

Biglang nagspark din ang computer ko kaya mas lalong napakunot ang aking noo.

Ano ba ang nangyayari? Sira na ba ang kuryente namin?

Nilapitan ko ang aking computer at hinapas ito.

Ano ba yan... kailangan kong tapusin ang kwento ko ngayon.

Sa pangatlong hampas ko ay biglang nagmalfunction ang aking computer at ang tanging lumalabas sa screen nito ay ang distorted na logo ng wattpad.

What the... sira na talaga ang computer ko. 

Hinawakan ko ang screen ngunit naramdaman kong tila ba parang may humihila sa akin papasok sa computer. Muling nabasag ang ilaw ng lampshade ko kaya dahil sa pagkagulat ay nauntog ako sa lagayan ng printer namin since nasa itaas ito ng computer ko.

Hindi ko naman inaasahang didilim ang paningin ko dahil lang sa pagkauntog. Nahulog ang suot kong salamin at nabasag ito. Hindi ko din namalayang unti unti na pala akong nilalamon ng kadiliman habang hawak hawak ang aking computer.

□ □ □ ■ □ □ □

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N:

Hello mga readers! Ikinagagalak kong nagbabasa pa din kayo hanggang sa pangatlong storya ng series ko. At para sa mga hindi pa nakakabasa sa previous stories ng Time Traveler Series ko... wala lang hahaha basahin niyo din iyon after niyong mabasa ito (hindi naman talaga importante sa ngayon ang order ng mga stories dahil iba-iba sila ng mga kwento pero kailangan niyo pa din na basahin ang lahat ng ito kung balak niyong basahin ang pinakahuling kwento ng series na ito)

Time Traveler Series:

1.) One Last Time ( Time Traveler Series #1 )

2.) Eclipse ( Time Traveler Series #2 )

Sana ay mag-enjoy kayo sa panibagong kwentong sinulat ko at sana mapamahal din kayo sa mga characters ko. That's all and sana huwag niyong kalimutang magvote and comment (support me plz.. hahaha)

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon