Kabanata 7

224 5 0
                                    

Happy reading momsh 😘

Keith Lustre

Kasing init ng pang alas dos na sikat ng araw ang init ng laban namin ni Jennie.

Salitan lang kami manalo pero lagi akong nauuna.

"Ako may pangit sa iyong paningin, ganda mo'y mapapa sa akin din." Bulalas ko nang 7 vs 6 na ang score.

"Huwag ka munang magdiwang. Let the cards speak." Sagot niya na seryusong binabantayan ang barahang inilalabas ko.

"Akin ang swerte ngayon, wait ka lang." Kompyansa kong saad, gusto kong subukan ang sinasabing swerte kapag nabuo raw ang solitaire...tingnan natin kung totoo.

"Masyado kang madaya. Hindi dinadaan sa sugal ang pagkapanalo."
Nasa himig niya ang pagkadisgusto sa pustahan namin.

Daig ng matiyaga ang matalino at kung matalino man ang matching nalilinlang din. Sabi nga kung di madala sa santong dasalan, idaan mo na sa santong paspasan.

"May pulitiko nga na nagbotohan na tabla pa rin, diba toss coin o bunutan na lang ang huling option nila." Paliwanag ko

"Kung sakaling manalo ka rito hindi pa rin ibig sabihin niyon na nanalo ka na sa puso ko."

Bahagya akong natigilan sa pahayag niya.

"I have a life time to make you fall for me Jennie. Liligawan pa rin kita. At least may mga karapatan na ako sa iyo bilang boyfriend pagkatapos nito." Masigla kong sabi sabay tong its ako sa huli niyang tapon.

Pinagkiskis ko ang dalawang palad ko, "para swerte, malungkot matulog kapag natalo." Sabi ko na ikinatawa niya

Nang tingnan ko siya'y malamlam ang mata niyang nakatitig sa akin,"I wonder why all these time you still have the guts to woo." Mahina niyang turan.

Napalunok ako ng laway.

"There's nothing more beautiful than the way the ocean refuses to stop kissing the shoreline no matter how many times it's sent away. This world is made out of sugar. It can crumble so easily. But don't be afraid to stick your tongue out and taste it."

Pabulong ko ring sabi, napabuntong hininga siya saka nagbalasa ulit.

"Kung ipagkatiwala ko ba ang puso ko sa iyo, ano ang kaya mong gawin?" Tanong niya habang namimigay ng cards.

"Wala namang perpekto... Normal sa buhay ang umangat at bumagsak, ang makipag-away at makipagbati, ang di maintindihn at intindihin, ang magsungit at maging mabait...alinman sa mga iyon, ang sigurado ko lang hindi kita iiwan.

This is who I am, take it, wala kang choice to leave it. Dahil tulad ng alon sa dagat, umalis man siya, babalik at babalik siyang muli sa shoreline, it's not the thought that count kung ilang beses kang iniwan but the beauty you see every time na binabalikan ka."

Madamdamin kong sabi, I hope she get my message well.

Napakagat labi ito habang seryusong nagpapatuloy ang laban namin.

"Please don't bit your lips Jennie, it's tempting."

Inirapan niya naman ako.

"Anong tempting ka riyan, nag-iisip ako!" Masungit niyang sabi na ikinatawa ko.

Napasuntok ako sa hangin ng maka tong its akong muli.

"Last one myloves." Masaya kong sabi

Kasayahang unti-unting nalusaw nang sunod-sunod ang panalo niya.

Napakamot ako ng batok ng mag all 9 ang score.

At tulad ng paggulong ng buhay, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon