Happy reading momsh 😘
Jennie Sarang
Isang magandang umaga ang bumungad sa amin sa araw na ito, paano? Ang dami naming customer.
"Thank you po. Come again ma'am." Nakangiti kong paalam sa customer namin bago bumalik sa may likod para ayusin ang bagong dating na stocks.
Ngunit sa katirikan ng araw nang masira ang mode ko. Napalingon ako sa may pinto ng tumunog ito. Napayuko agad ako nang mapagsino ang tatlong bebe na ngayon lang naligaw sa boutique.
"Look who's here? Dito pala napadpad ang malandi." Agaw atensyong sabi ni Kristal, makalipas ang ilang saglit, alam ko namang ako ang tinutukoy niya pero kalma lang self, hangga't kaya pa magtimpi ka.
"Haha alam niyo ba na may bagong tawag sa anak sa pagkadalaga?" Sabat naman ng minion na si Jessica
"Ano?" Excited na tanong Kristal habang kunwari pumipili ng damit sa rock
"Anak sa pagkalandi." Nagtawanan silang tatlo, siniko ako ni ate Merla na kasama kong bantay rito
"Mas nakakaproud pa rin ang babaeng maaga mang nanganak at least responsable kaysa sa dalaga nga pero ang matris lawlaw na kakapalaglag ng walang muwang na bata sa sinapupunan niya. Hay, kawawa naman... buhay pa pero ang kaluluwa sinusunog na." Di ko mapigilang sabi habang nakatingin kay ate Merla, bigla namang natahimik ang tatlo
"Ay truei yan ne, ang iba riyan kung makapuna pa sa kapwa na may anak na raw pero poporma pa pero ang sarili hindi makita, wala pang anak pero mukha ng kalag, kung manamit kita na lahat ng nasa kaloob-looban." Sabi naman ni ate Merla.(Kalag means kaluluwa)
"Excuse me! Ako ba pinarinigan mo?" Sabat ni Jessica na ikina-irap namin ni ate
"Excuse me din po ma'am, kung tinamaan ka sa usapan namin wala kaming pake! Kung kayo ba nag-uusap nagreact kami? Nag-uusap kami ng opinion namin sa mga nakikita namin, nasa inyong nakarinig kung tatamaan kayo." Sagot ni ate Merla
"Maka-alis na nga rito, ang papangit naman ng paninda pati bantay!" Sabi ni Jessica saka nauna ng lumabas kasunod nag dalawa pa. Naiiling kaming dalawa ni ate Merla.
"Di bale nang walang customer kung ganyan din lang ang ugali." Sabi ni ate buti wala rito si Ante na may-ari nitong boutique.
"Na-inggit lang mga iyan. Huwag mo ng pansinin." Dugtong niya pa, hindi na ako nag comment pa, nasanay na rin akong madalas makarinig ng mga ganyan. Kung maka judge ng kapwa akala mo perpekto. Tse! Linggo-linggo mong nakikitang pumapasok ng simbahan pero paglabas ganon pa rin ang bibig nila...puputak-putak...laging correct.
"Bakit nga ba parang galit na galit sa iyo ang mga iyon?" Nag-aalalang tanong ni ate Merla
"Si Jessica ang ex ni poncio pilatong tatay ng anak ko. Samantalang si Kristal naman ay crush na crush niya naman iyon." Pahapyaw ko
"Aa baka di maka move on." Comment niyang di ko na pinansin.
Bago maglunch time ay may bisita akong dumating.
"Oh! Anong ginagawa mo rito?" Bungad ko sa papasok pa lang sa pinto na si Kieth.
"Iaabot ko lang ito." Sabi niya sabay abot nga ng paper bag na katamtaman ang laki.
"Ano ito? Kanino galing?" Nagtataka kong tanong bago sumilip sa bibig ng paperbag, nakita kong tatlong bag ng Bingo biscuits ang laman.
"Syempre sa akin galing, ako nagbigay diba?" Pilosopo niyang sagot na ikina-inis ko
"Malay ko kung pina-abot lang sa iyo!" Pasuplada kong sagot
"Heto naman di na mabiro. Sige alis na ako." Paalam niya
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Romance1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.