Kabanata 26

176 6 0
                                    

I don't know kung gaano ito kahaba ang WHM but I would like to say my thanks sa nag-aabang at nagvote ng kwentong ito, hindi ko ine expect na may abangers ako for some reasons hindi ako confident na maganda ang akda ko basta I just write my heart out.
Naantig po ang puso kong may nagbabasa na at nagvo-vote pa, oo hindi ganun karami pero parang piso ang value niya - hindi mabubuo ang isang milyon kung walang piso. Special thanks to JozielCaliguid  bluejm22  at sa mga silent reader ko, wala man kayong paramdam pero naapreciate ko po ko  iyan.  Marami pong salamat.


Happy reading momsh😘

Keith Lustre

Full moon is shining together with zillion stars up in the sky. Ang sarap sanang magstar gazing kasama ni myloves para may kayakap ako sa malamig na simoy ng panggabing hangin kaso si tatay ang gustong makipagstar gazing ngayon, gusto ng one on one, heart to heart talk.

"Natanong ko na ito dati pero ngayon mas seryuso ako, tanggap mo ba talaga ang dalaga ko kasama ng dalaga niya?" Naka eye-to-eye contact talaga kami ni tatay parang gusto kong matawa sa eksena namin pero pinigilan ko't mahirap ng magamitan ng bagong hasang itak.

"Tanggap ko po sila tay, buong-buo. Buo po ang loob ko sa pagtanggap sa kanila. Mahal ko po ang dalaga niyo at kung merong tinatawag na mother's instinct ang mga babae meron din pong father's instinct sa akin, magaan po ang loob ko sa dalaga ng dalaga niyo..." Napangiti ako sa ginamit na term ni tatay parang lumalabas dalawang dalaga ang gusto ko, kalupit!

"...sino naman pong hindi maaaliw sa magiliw niyong apo. Bibo na, mabait pa. Hindi niyo po ba na feel ang sincerity ko sa kanilang mag-ina nitong mga nakaraang taon?" Pangungonsensya ko na ikinatawa niya

"Haha syempre feel ko, kaya lang naman kita kinaka-usap ngayon dahil action without words is useless, paano kung nag-aassume lang pala ako, ee di napahiya pa ako ng piso sa judgement ko sa mga kilos mo. Oh siya, madaliin mo na ang kasal ng makatikim naman ng letchong baboy."

Napahalakhak ako sa huli niyang turan bago niya ako niyakap

"Aasahan kong aalagaan mo sila tulad ng kung paano kita nakitang lumaki. Proud ako sa iyo anak. Hindi lahat kayang tumanggap ng may extra. Busilak ang iyong puso." Naluha kami pareho sa madamdaming turan ni tatay habang tinatapik niya ang balikat ko

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon