Happy reading momsh 😘
Keith Lustre
"Lola, bukas pala ng gabi, tutulong muna ako kina Jennie mag bilang at tali ng gulay nila, namamaga raw ang paa ni tatay niya." Banggit ko sa gitna ng hapunan namin
"Sige apo."
"Ok lang ba kayo maiwan dito lola? Sama na lang kaya kayo, tabi na lang kayo ni Tili matulog para di ako mag-alala, wala kang kasama dito."
"Ayos lang ako apo. Malakas pa naman ang Lola mo. Ako pa ba?"
"Tss. Hirap din pala magpalaki ng matanda noh la? Mas matigas na ang ulo." Natatawa kong sabi na ikinatawa rin ni lola
"Ang kaloko-loko ka talagang bata kaw." Sabi niya na nagsimula na namang magkwento ng love story nila ni lolo ko at namana ko raw ang kalokohan ko sa yumao niyang asawa.
"Lola nakainom ka na ba ng Vitamin C mo?" Tanong ko habang naghuhugas ng pingan.
May scurvy kasi si lola, difficiency in mother of all Vitamins, which is the Vitamin C. Hindi kasi kayang mag produce ng katawan ng tao ng Vitamin C at dahil na rin sa katandaan kaya mas madali siyang magkasakit kapag tumigil siyang uminom niyon.
Hindi niya na rin kasi kayang kumain ng mga prutas na mayaman sa Vitamin C dahil wala na siyang ngipin, ayaw niya naman magpapostiso.
"Naka-inom na apo." Mababang sagot ni lola.
"Sige la, pahinga ka na po, susunod na ako."
Minadali kong tapusin ang ginagawa ko sa kusina para makapagpahinga na rin.
I make sure na nasa ayos ang pagkakaipit ng kulambo ni lola bago ko ikinabit ang kulambo ko sa lapag. Immune naman kami sa mga sakit galing sa lamok pero mas maigi na ring nag-iingat. Prevention is better than cure ika nga.
I closed my eyes as soon as I laid my back in my bamboo bed but then, Jennie's beautiful face envision my sight.
Hay, kailan niya kaya ako mapapansin?
Time will come.
Best thing comes to those wait.
And she's the best thing I'd been dreaming and praying since God knows when.
"Tito, kung malaki ang shark, sinong talo?" Tanong ni Tili kinabuksan nang nagawi ako sa bahay nila lolo at lola niya kung saan sila pansamantalang tumutuloy.
"Sinong kalaban ng malaking shark?" Nakakunot noo kong balik ng tanong
"Ang crocodile." Sabi niya na mukhang nag isip pa ng 30seconds
"Baby, hindi sila maglalaban kasi magkaiba sila ng tirahan. Ang shark na malaki na tinutukoy mo diba ang megalodon na napanuod mo? Sa tubig alat iyon nakatira, roon sa ilalim ng ocean samantalang ang crocodile naman sa tubig tabang nakatira, sa ilog, diyan sa mababaw, ang maputik na klase ng tubig na dumadaloy papuntang dagat. So paano sila maglalaban kung malayo sila sa isa't isa. Hindi sila magkakilala baby."
Mahaba kong paliwanag sa imagination niyang malupit, naka tatlong beses niyang itanong at pareho lang ang paliwang ko bago siya tumigil.
"Anak, ginugulo mo na naman si tito? Halika, magpractice tayo magsulat ng name mo." Napatingala ako sa may hagdaan kung saan nakatayo ni Jennie.
What a beautiful scene?!
Wearing her favorite leggings and lose t-shirt. Mula ng maging mama siya naging ganyan na ang fashion sense niya which I found it more sexy than those shorts short or pekpek short as she call it ang suot niya noong wala pa siyang boyfriend.
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Romance1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.