Happy reading momsh 😘
Jennie Sarang
I feel so guilty after that hot steamy afternoon.
Nakadepende pa nga ako sa magulang ko tapos naglalandi na naman ako?
Though sure naman akong hindi ako mabubuntis dahil nag pa implant ako noon pagkatapos kong manganak kay Tili at nagsasama pa naman kami ni Jeffree. Malapit na iyon mag expire dahil hanggang 3 years lang ang effectivity noon.
Pero mas na bahala ako when late that night I have this kind of conversation with my daughter.
"Mama, kapag kasing laki mo na ako, manganganak na rin ako, mama na rin ako."
"Huwag muna nak, kapag 30 years old ka na, bago ka mag-asawa." Mabilis at mahinahon kong sagot
"Thirty ka na po noong manganganak ka?" I was caught off guard with that.
"Twenty one anak pero huwag mo akong gayahin dapat 30 ka na. Magtapos ka muna ng pag-aaral, dapat makagraduate ka na ang color ng toga mo black."
"Ayaw ko ng black ma, gusto ko red. Pati panty ko at school uniform ko red." Sagot niya naman dahil favorite niya ang red.
"Anak, sa America lang ang may red na toga, wala iyon dito sa atin, black only in the Philippines." Dios ko! Ang taas pala ng pangarap ng anak ko... Dream impossible dream ba ang motto ni Tili?
Ay wait, meron pala akong nakitang toga na red sa senior high pero sa malayong lugar dito sa probinsya namin. Well, malaman iyan kapag nagbago na ang preferences niya after grade 6. Matagal pa naman iyon.
"Gusto ko seven ako manganak." Balik niya sa topic na gusto niya. Dios ko pong mahabagin, huwag niyo pong pakinggan ang kanyang hiling.
"Anak, hindi pa mature ang matres mo nang 7. Wala ka pang regla sa panahon na iyon." Paliwanag ko bago mabilis na nagdasal.
Lord please give me wisdom right now so I can manage to explain it to my little one correctly.
"Pag twelve ko na lang ako manganak ma." Parang desidido niyang sabi, saan ba nanggagaling ang mga idea niya na ito?
"Anak, bata ka pa sa edad na twelve. Ano naman ipapakain mo sa baby mo sa time na iyon?" Ina-alala ko kung ano mga ginagawa ko noong twelve ako at ang naalala ko lang maglaro ng Chinese garter tapos ang anak ko gusto nang maging mama? Oh Lord! Katok lang. Pwera gaba. Supla malas.
"Lugaw." Hindi na nag-isip pa at agad na isinagot iyon, napangiti ako.
"Naku! Kaya mo na kayang magluto ng lugaw kapag twelve ka na? Baka nga hindi ka pa marunong mag-alaga ng sarili mo sa edad na iyon."
"Kaya ko iyon ma, aalagaan ko baby ko." Determinado niyang sagot, napabuntong hininga ako ng kasing lalim ng Pacific ocean. How come a three years old baby speak about motherhood?
"Hindi ka pa mabubuntis sa edad na twelve, baka nga wala ka pa ring regla sa panahon na iyon." Giit ko
"Gusto ko one, two, three, four, five, six, seven..." Bilang niya habang pinipindot pindot niya ang labi ko na para bagang kinukombinse talaga akong pumayag sa gusto niya.
Naiiling na natatawa na lang ako bago siya nagpalit ng ibang usapan.
"Kapag malaki na mama marunong na mag drive?"
"Opo."
"Malaki ka na mama, marunong ka magdrive?"
"Opo malaki na si mama pero hindi ako marunong magdrive kasi hindi ako nag-aral. Kaya ikaw kapag tinuruan ka, mag-aral ka para paglaki mo marunong ka, huwag mo ako gayahin anak, marami akong hindi nagawa kasi matigas ang ulo ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/185902771-288-k787690.jpg)
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Romance1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.