Happy reading momsh 😘
Keith Lustre
It was torture ignoring her for weeks now.
Lalo na't napansin kong malungkot siya.
Hindi nga siya nagpapapansin pero malungkot naman.
Damn pride chicken!
"Sinong kaaway mo buddy? Bakit ang sama ng mukha mo? Hindi ko naman sinasabing hindi masama ang mukha mo, matagal na actually pero mas malala lang ngayon."
Tss. Naiiling akong nagdampot ng bato at ibinato sa harap ko
"Mukha lang concerned kahit hindi naman talaga. I love you too buddy!" Hear sarcasm please
"Yucky buddy!" Nandidiri nitong sagot sabay tapik sa balikat ko, "...so? Anong problema mo?" Tanong niya
"Wala naguguluhan lang ako sa kapatid mo." Sagot ko
"Oh!" Tangi niyang sagot at mukhang nag-isip pa.
Limang minutong nakabibinging katahimikan ang dumaan bago siya nagsalita ulit, "bakit nga ba di mo pinapansin iyon? Nagtatampo ka pa rin ba sa kanya?" Maingat niyang tanong
"Hindi buddy." Iling-iling kong sagot
"Nangako kasi akong kalilimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya at itituring na lang siyang kapatid..."
"Oh? Kaya mo?" Natatawa niyang putol sa sasabihin ko pa sana
"Ulol! Syempre hindi. Nagpapalamig lang ako."
"Pitmalu ka talaga buddy! Isa kang sakalam!" Naiiling niyang sabi. (Malupit, Malakas)
"Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba? Pero bakit parang mas malungkot pa siya kaysa sa akin?"
"Aba'y anong malay ko? Buong buhay ko, hindi naman ako nanligaw."
Tsss.
"Bakit kasi di ka pa magjowa ng may maipayo ka sa akin."
"Wow! Paano ako magjo-jowa hindi naman ako lumalabas ng lungga. Baka mag-away-away pa ang mga babae kung masilayan nila ang kagwapuhan ko." Mahangin nitong sagot na ikina-iling ko.
"Tangna buddy! kahit earthquake free ang Palawan magkakaroon naman ata ng tsunami sa lakas ng hanging dala mo."
"Hahaha hindi ka na inform buddy? Ako nga pala si Habagat!" Sabay alok pa ng kamay niya sa harap ko na animoy nagpapakilala
Sarap sapakin.
Tinaggap ko ang kamay niya't pinilipit
"Tangna ka buddy!" Sigaw niya na ikinatawa ko bago siya bitawan
"Nice to meet you Habagat!" Nakangisi kong sabi habang hinihilot niya ang kamao.
"Pero seryuso buddy. Wala ka bang type sa mga naging classmate natin dati? Diba crush mo noon sa Quince?" Nag-aalala kong tanong kasi alam niyo na baka iba pala ang tipo ni Saming pero mga straight naman dalawa niyang kuya.
"Tsss. Mga babae kasi ngayon mga mukhang gulong. Kung wala kang sasakyan, deadma na." Senti niyang ikinatawa ko
"Oh di bumili ng gulong, ilan ba ang kailangan mo't magregalo ako sa birthday mo ng isa para dagdagan mo na lang."
"Ulol! Sa iyo na lang iyang gulong mo, ikwentas mo baka bagay pa."
Asar niyang sabi.
"Tagay kita." Yaya kong mag-inom
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Romance1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.