Happy reading momshie 😍Jennie Sarang
Tahimik lamang akong nakikinig sa usapan ng magpamilya habang nakatuon ang paningin ko sa magandang tanawin sa labas. Kalong- kalong ko sa harap si Estilita katabi si Keith na siyang nagdadrive.
"Kailan ang kasal niyo Jennie?" Mabilis akong napalingon kay tita Ella saka tumingin kay Keith na siyang sumagot.
"In between of last week of October or first week of November tita, wala pang exact date, depende po sa availability ng simbahan."
"Saang simbahan?" Sunod nitong tanong pero sa akin nakatingin dahil nakalingon akong muli sa kanya
"May mga titingnan pa kami tita, may tatlong simbahan kaming pagpipilian." Sagot pa rin ni Keith, nakakahalata na akong mapapanis ang laway ko buong byahe mabuti na lang at tumunog ang cellphone ko.
Tawag mula sa nanay ko na agad kong sinagot, "nay."
"Ag abot don indong bisita ni Keith?"
Dumating na ang bisita niyo ni Keith
"Opo nay, actually on the way na kami, malapit na sa bahay ni Keith." Sagot ko
"Aw, tah? Ano imong seleng? Mayad da?"
Ano sa tingin/palagay mo, mabait din?
"Mayad da medyo. Sige nay, nandito na kami." Putol ko sa mga sasabihin niya pa, nakakahiya naman sa mga kasama namin.
Hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nila lalo't nakarating na rin kami sa bahay ni Keith.
"Pagpahingahin mo muna sila myloves, tutulong rin muna ako kay nanay sa bahay." Agad kong sabi kay Keith nang makapasok na sa bahay niya ang pamilya niya.
"I'm sorry about kanina. Nakalimutan ko kasi itanong sa iyo nakaraan kung okay lang sa iyo kaya hindi ko pa sinabi sa kanila besides tingin ko kasi hindi naman importante iyon sa kanila."
Pabulong niyang sabi sa akin, malapit kami sa sasakyan dahil hindi na ako sumama sa loob ng bahay. Hawak-hawak niya ang baywang ko at bahagyang pinipisil ang laman ko roon.
"I know how proud you are para tawagin at kilalaning tatay ni Tili pero ayaw kong sa iba pa nila malaman, maigi nang alam nila mula sa simula, they can judge me all they want. I don't care. I just want to be honest with myself. Ayaw kong magsimula na may inililihim ako at palagay ko naman importante iyon, parte iyon ng pagkatao ng anak ko."
Paliwanag ko rin ng side ko. He lick his lower lip kaya roon natuon ang pansin ko.
"I'm so sorry. I will be more careful next time." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Medyo dismayado ng konti dahil gustong matikman ang namumula niyang labi pero isinantabi ko na rin muna ang naiisip na kalandian dahil may mga bisita pa.
"Okay na iyon. Sige na. Magpaalam muna kami." Aya ko sa kanya papasok sa kanila, si Tili naman ay naglalaro na sa labas ng bahay ni Keith.
Never minding people around her. How I miss the beauty of being a child: problema mo lang kung paano ka tatakas sa mama mo na di makatulog sa hapon dahil mas gusto mong maglaro lang nang maglaro.
Keith Lustre
"Tita, mauna po muna kami ni baby ko sa bahay, tulungan ko lang si nanay roon." Paalam ni myloves kay tita Ella na nagmamasid sa bahay ko
"Sama na ako. Gusto kong makilala ang nanay mo. I heard so much about your family from Keith before." Maligaya nitong tugon
"Hindi na po kayo magpapahinga?" Nagtataka namang tanong ni Jennie
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Romance1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.