Kabanata 20

205 5 3
                                    

Happy reading momsh 😘

Jennie POV

"Inggidlao ako mayad kanimo." I miss you so much He whispered near my ear as he hug me so tight. Naramdaman ko ang malakas na pintig ng puso niya kasabay ng sa akin.

"I can't breathe." Protesta ko kaya niluwangan niya ang pagkakayakap at tiningnan ako sa mata.

"Pakasal na tayo." He stated, hindi na nagtatanong. Napalaki ang mata ko. Nagmamadali Keith?

"Don't you think it's long over due?" Dugtong niya pa

Napahinga ako ng malalim.

"I want to rest Keith. Can't you see? Hilo pa ako galing byahe." Naiinis kong sagot, medyo nagulat pa ang expression niya at dahan-dahan akong pinakawalan at tumabi ng konti para makababa ako ng sasakyan na agad ko namang sinamantala.

Hindi ko alam kung paano ako nakalakad na hindi natutumba. Feeling ko nakalutang ako sa lupa, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, nanlalamig ang mga palad ko habang nanginginig ang tuhod ko sa nervous.

"Pakasal na tayo." He must be out of his mind.

Mabilis kong iginala ang mga mata para hanapin ang anak at nanay ko sa gitna ng nagkukumpulang mga tao. Namataan ko sila sa harap ng mahabang lamesa kung saan nakahain ang maraming pagkain.

"Nay, pwede akong mauna na, masama ang pakiramdam ko, sa bahay na lang ako kakain." Pabulong kong sabi, nagulantang naman siyang napatitig sa akin at kinapa ang noo at leeg ko.

"Naku baka sa jetlag iyan. Oh siya, ipahatid na lang kita kay manong mo."

"Hindi na nay, kaya ko pa." Mabilis kong tanggi bago yumuko para magpaalam kay Estilita

"Baby, mauna na muna sa bahay si mama ha? Sunod ka na lang, may cake ka roon pasalubong ko." Tumango siya sa halos pabulong ko lang ring sabi dahil ayaw kong maka-agaw ng eksena pero ang kuya kong na miss ata ako

"Bunso! Long time no see! Gumanda tayo lalo aa.!" Malakas niyang sabi na ikinatingin sa akin ng mga taong naroon, karamihan sa kanila ay mga lalaki at hindi ko kilala.

Ngumiti ako at yumakap sa kanya saglit, "mauna na ako sa bahay, nahihilo pa ako, ikaw na muna bahala kina nanay. Huwag pakalasing ha?" Pabulong kong bilin na ikinatawa niya

"Ikaw talaga. Sige. May pasalubong ba ako?" Napangiti ako na agad ring nawala ng guluhin niya ang buhok ko

"Meron sana kanina pero di ko na ibibigay." Irap kong tinawanan niya ulit.

"Sige nay, una na ako." Paalam ko ulit bago tumalikod para dumaan sa daanan patungo sa amin, taas noo akong lumakad kahit ramdam ko ang ilang pares ng matang nakasunod sa bawat galaw ko.

"Where are you going? Hindi ka na kakain?" Napahinto ako ng hawakan niya ako sa kamay

"Sa bahay na lang." Maikli kong sagot bago tumingin sa kamay kong hawak niya na agad niya ring binitiwan.

Walang lingon likod akong nagpatuloy. Nang makarating sa dulo ng basakan ay marahan kong hinubad ang heels ko at nakayapak na nagpatuloy.

Dito kasi amin dalawang way ang pwedeng daanan patungo sa bario, una ang sementeryong dinadaan ko noon kapag patungo akong highway at dito kila Keith ang pediroad na pwede nang daanan ng four wheeler patungo naman itong centro ng baranggay kung saan naroon ang elementary school, plaza, baranggay hall at health center na napapaikutan ng maraming kabahayan.

Napahinto ako sa gitna ng tirik na araw ng mamataan ang malaking bahay na ginagawa. Itinakip ko pa sa noo ko ang kamay dahil sa silaw ng sikat ng araw. Sa sobrang laki parang hindi naman bahay ang tawag, halos malapit na itong matapos. Si Keith ba nagpapagawa nito?

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon