Happy reading momsh 😘
Keith Lustre
"Itago niyo na lang ako sa pangalang Toto, binata, at nag-aantay magkaroon ng kasintahan. Ibinalita ko sa mama ko na may nililigawan ako, si Francisca pero ayaw ni mama sa kanya. Maghanap daw ako ng maganda at may pera.
Meron siyang nireto na niligawan ko rin, si Dolly, saglit pa lang ay sinabihan na niya akong sasagutin kinabukasan. Samantala, dinalaw ni Francisca ang mama ko at sinabihan siya ng mama na hindi siya ang gusto para sa akin.
Sa kasamaang palad, ibinalita naman sa akin ni Dolly kinabukasan na sinagot niya na raw ang bago niyang manliligaw kagabi at inilagay na lang daw ako sa waiting list, antayin ko na lang daw na magsawa na siya sa bago niyang boyfriend at ako naman ang ipapalit niya.
Nagalit ang mama ko at sinabing maghahanap na lang daw siya ng bago, ang babaeng maganda, may pera pero walang sayad. Lingid sa kaaalaman niya at binalikan ko si Francisca, ganun na lang ang gulat ko ng itaboy ako at sinabing, bumalik ka na lang kung patay na ang mama mo. Kaya ang ending, zero nag lovelife ko dahil pareho akong nasa waiting."
Napamuni-muni ako matapos makinig ng drama sa radio.
Nakakagago na nakakatawa kung pakikinggan mo ang kwento pero nakakalungkot din kung ilalagay mo ang sarili mo sa bida.
May pagkakapareho kasi kami, nasa...
Waiting.
Hindi ko rin siya masisi, ako naman talaga ang nagkulang, umalis ako noong magsisimula pa lang sana kami pero bumalik ako makalipas ang halos isang taon at wala na siya rito. Hindi ko na napigilan...tulad ng hindi niya ako pinigilan noon.
Naging instant favorite nga sa music list ko itong I Believe ni Jimmy Bondoc.
"Tito Keith!" Napangiti ako ng marinig ang boses ni Tili
"Oh baby! Sino kasama mo? At bat ka tumatakbo? Baka madapa ka."
"Si lola kasama ko." Napalingon ako sa pinanggalingan niya at natanaw nga si Ante Jing.
"Opo ka muna, gusto mo tubig? Hingal na hingal ka." Pansin ko habang nakangiti
"Opo. Tubig please." Magalang niyang sagot bago ako lumapit sa water dispenser ko.
"Keith." Tawag ni Ante
"Mayad na apon Ante. Adin kamo mapakon?" Magandang hapon tita, saan po kayo magpunta? Bungad ko habang inaabot ang kamay para magmano.
"May sasabihin daw sayo si Tili." Napatingin naman ako sa nakangiting bata na tapos nang uminom ng tubig
"Kasi po tito with honor ako. Academic and values award. Gusto ko po sana si lola sa values award at kayo po ang magsama sa akin sa academic award kasi diba kayo naman po nagtuturo sa akin saka po sabi mo noon kung kailangan ko ng papa, tawagin lang kita."
Mahaba niyang paliwanag na ikinatuwa ko, nakangiti ako at handa na sanang sumagot nang may idugtong pa siya,
"Wala po kasi si mama, gusto ko sana kahit si papa na lang..." Malungkot at halos pabulong niyang sagot
"Baby, walang problema sa akin. Masaya pa nga ako at proud ako sa iyo dahil ang galing naman ng baby namin. I'm sure proud at masaya rin si mama mo kapag nalaman niya ang balita, diba lola?"
Masigla kong sabi habang nakaluhod sa harap ng inuupuan ni Tili bago lumingon kay Ante Jing
"Oo, lahat kami masaya para sa iyo kaya dapat mas happy ka. Payag naman si tito Keith sa gusto mo. Diba tito niya?" Balik tanong naman sa akin ni Ante. Unti-unti na ring umaliwalas ang mukha ni Tili at nakangiti na
![](https://img.wattpad.com/cover/185902771-288-k787690.jpg)
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Romance1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.