Kabanata 30

195 3 0
                                    

Happy reading momshie 😍

Kieth Lustre

Kinausap ako ng tatay ko kinabukasan bago sila bumalik dahil marami pa raw silang kailangang gawin. Business as usual.

"Akala ko wala kang namanang katangian sa akin dahil hindi ka naman lumaking kasama ako but I guess it runs in the blood huh!" Simula niya habang nagkakape kaming dalawa sa kusina, tulog pa sila mommy at Chinky sa guests room.

"Ano pong ibig niyong sabihin tay?"

"Pinagdarasal ko noon na sana nabuntis ko ang mama mo para balikan niya ako pero hindi nangyaring binalikan ako kaya nang dumating si Ella napunan niya ang kakulangan ko... ang pangungulila ko sa mama mo. Noong pakasalan ko si mommy mo, nagdadalang tao na siya kay Chinky. Tinuring kong parang sarili kong sperm ang kapatid mo anak."

Nakikinig lang ako sa kwento niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko na malaman na hindi ko totoong kapatid si Chinky, hindi naman big deal sa akin. Siguro mas tumaas lang ang tingin ko sa tatay ko, hindi niya man nagampanan ng mas maaga ang tungkulin niya sa totoo niyang anak at least nakabawi siya sa isang batang nagngangalang Chinky.

Every little one deserves a big heart.

At iyon ang ibibigay ko kay Estilita. Ang kaibihan lang namin ng tatay ko wala akong anak sa ibang babae, kung meron man akong gustong anakan, si Jennie myloves lang iyon.

"Myloves, free raw sa Friday afternoon si Mrs. Tompson, siya ang ni-recommend ni mommy na wedding organizer. Okay ka ba sa Friday?" Tanong ko habang kumakain kami ng dinner.

"Ayos lang. Kailan pala natin bibisitahin ang simbahan? Sabi mo may tatlo tayong option?"

"Ay oo. Kailan ang free mo?"

"Sa Friday morning na lang para isang buong araw tayong busy para sa kasal."

"Alright."

"Teka nga, akala ko ba surprise mo ako bakit kasama ako?" Bigla niyang tanong

"Parang mas maganda kasi kung may opinion ka sa mga bagay-bagay sa kasal natin, ayaw mo talaga ma involve?"

"What if, sabihin ko lang mga gusto ko tapos ikaw na bahala? Parang mas exciting iyon ee, tapos mas mai in love pa ako sa iyo sa araw ng kasal kasi wow! Beyond excellence ang surprised mo." Medyo na pressure ako sa gusto niya pero sige kung doon siya masaya.

"Sige. Ano ba ang gusto mo?"

"Ahmm gusto ko ng black and pusha ang theme tapos sa dress hindi revealing, kung maari hanggang siko ang sleeve tapos hanggang paa ko ang haba. Sa bisita ang malalapit lang sa atin. Sa venue ng reception kahit saan. Sa kasal kahit anong simbahan, as long as okay sa iyo, okay na rin iyon sa akin. I trust you naman. Sa food siguro pwede na akong sumama mag test taste at syempre kasama mo rin ako sa pre nuptial photo at sa iba na mga kailangan ako."

"Anything else?"

"Naalala ko nga pala sabi mo kay mommy, in between ng last week of October and first week ng November ang kasal? Kawawa naman ang magpeprepare ng kasal myloves, pa holiday iyon ng undas, make it before last week of October na lang."

"Okay. Noted. Meron pa?"

"Hmmnn. Isipin ko muna, sabihan lang kita kung meron pa." She said and I smiled. I hug her from behind.

"I can't wait to be called your husband myloves." I whispered

"With God's will, we'll get there. Soon." She positively added.

Pinanggigilan ko ang baywang niya ikinatawa niya and we end up tickling each other. We rolled on the floor as laughter echoes inside my house.

"Ayyyy hahahahaha tama na Keith. I can't breathe na." suko niya kaya niyakap ko na lang siya mula sa likod. Our spooning position awaken the heat but I don't want to spoiled our moment. I can wait. My junior can wait.

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon