Happy reading momsh 😘
Jennie Sarang
Feeling guilty for what I've said, hindi ako mapakali sa bahay simula ng panuorin ko siyang mabilis na lumisan sa pamamahay namin.
Ilang beses ko na bang binasted si Kieth pero ngayon lang siya nag walk out.
Mabigat ang loob kong itinuloy ang pagluluto. Mas importante sa ngayon ang ilalaman ko sa tiyan ng anak ko kaysa sa drama niya.
"Hala sis! Nagtampo na si Keith. Sino magdrive ng top down papuntang bayan mamayang madaling araw? Kausapin mo iyon mamaya ha?"
Halata ang pag-aalala ni kuya sa boses niya, hindi kasi siya marunong mag drive. Natruama noong bata pa sa mountain bike ni tatay.
Tumango lang ako kahit di ko alam kung ano ang sasabihin ko roon sa tao.
"Tili, anak, halika ka na, kakain na." Tawag ko sa anak ko
"Tili!" Ulit ko pero wala pa ring sagot, nagsandok muna ako ng kanin saka muling tinatawag si Tili pero wala pa ring sagot
"Tili naririnig mo ba ako?" Sigaw ko na
"Bakit mama?" Balik sigaw niya rin
"Halika ka na, kakain na." Sabi ko sa mababa ng boses bago kuha ng mangkok para naman magsandok ng ulam pero nakatapos na akong magprepare ng table wala pa ring Tili na dumating.
"Tili isa! Paabutin mo ng tatlo, may tama ka na." Banta ko bago pinalipas ulit ang ilang sandali pero wala pa rin.
"Dalawa! Makikita mo talaga ang hinahanap mo nak, sinasabi ko na sa iyo." Naiinis ko nang sabi
"Tili, galit na si mama mo! Kain na!" Tumulong na si kuya Sam pero wala pa rin kaya umakyat na ako sa kwarto.
"Maria Estilita!" Nanggagalaiti ko ng tawag, natataranta namang kumilos si Tili ng makitang galit na ako at inaabot na ang pamalo sa taas kung saan ko tinatago.
"Kanina pa ako tumatawag diba? Anong sinabi ko sa iyo noon?" Galit kong sabi sa kanya
"Lumapit agad kapag tinawag ni mama." Takot nitong sagot
"Oh bakit di ka lumalapit?"
"Ee kasi ayaw ko."
"Anong gusto mo? Itong pamalo? Ha?" Umiling siya
"Hala dapa!" Utos ko
"Ayaw ko mama." Umiiyak niyang sagot
"Dumapa ka na habang tatlong palo pa lang ang ibibigay ko kung ayaw mong doublehin ko at gawing anim." Banta ko pa rin pero mas lalo lang umiyak ng malakas.
Pero dahil ayaw kong lumabas na sinungaling baka ma imitate niya pa kaya pinilit ko siyang mapadapa sa unan at binigyan ng nararapat na parusa.
"Uulit ka pa." Tanong ko na agad namang umiling kahit puro na luha ang mukha
"Sagot!" Highblood na ako.
"Hindi na mama." Sagot nito kaya tumayo ako at ibinalik ang pamalo sa taguan ko bago kumuha ng towel at pinunasan ang mukha niya habang umiiyak pa rin.
"Bakit ka pinalo ng mama mo?" Tanong ko sa malumanay ng boses
"Kasi makulit ako." Agad niyang sagot
"Anong kinulit mo?" Usisa ko pa
"Hindi ako lumapit agad noong tinawag ako ni mama."
"Tah? Sa susunod na tawagin ka ni mama magpabingi-bingi ka pa?" Tanong ko pa, umiling naman ito at tumahan na sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Romance1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.