Kabanata 2

983 5 1
                                    

Happy reading momsh😘

Jennie Sarang

Wala pang bukang liwayway ay nasa baba na ako at sinabayan ng gising ang maganda kong nanay.

Habang nagpapakulo siya ng tubig ay nagmix ako ng lulutuin kong pancake para kay Tili. Ganito lagi ang araw ko rito, magluto ng iba't ibang klase ng pancake na magugustuhan ni Tili. It's baby time.

"Magluto ka nay?" Usisa ko dahil naghahanda siya ng casava

"Sinakol. Dalhin ko sa simbahan. Sasama ba si Tili?"

"Aw. Sige po habang naglalaba ako para pag-uwi niyo nakaluto na rin ako ng pananghalian at mag-aral kami bago ako bumalik sa bayan mamayang gabi or bukas ng umaga siguro." Sagot ko tulad ng madalas kong schedule rito. Hindi na ako nagsisimba dahil puro chismis lang inaabot ko sa tuwing lalabas ako kasama ng anak ko. Sasama lang loob ko.

Ang tao talaga likas na mausisa at mapanghusga. Kesyo ang aga ko raw magbuntis. Hello! Bente uno na ako nanganak. Mas maigi na rin ang maagang magbuntis kaysa sa nagchismis sa aking wala pa ngang anak pero warak na ang matris. Balibalita kasi dati na nagpalaglag iyon. Tsk. People.

"Morning Jennie." Bungad ni manong Saming, hindi ko na siya nakita kagabi dahil tulog na ako ng dumating siya galing daw kila lola.

"Morning manong."

"Sarap niyan aa." Sabi niya tinutukoy ang pinaghalo ko ng ingredients; harina, baking, asukal, gatas, tinunaw na margarine, itlog at tubig.

Kailangan kong agahan dahil maglalaba pa ako, sabi ko kasi kay nanay, ako na ang bahala sa labahan ni Tili para di na masyadong mabigat sa part niyang magbantay ng apo. Oras na gumising si Tili hindi iyon titigil hangga't di ko inaasikaso. Namiss din ako ng pobreng bata.

"Hmnn mag-asawa ka na kasi para may magluto rin sa iyo." Tukso ko

"Way kung me magpatol, tay diyang karemo kita ren ngani ang lised pa." Sagot niya, kung may magpatol daw, itong pangit na nga mahirap pa.

Ako kasi kay nanay nakakuha ng magandang genes, silang tatlo kong kuya kay tatay. Hindi naman pangit. Loko-loko lang talaga si manong. Walang self confidence.

"Kung pangit ka na, ano na lang tawag mo kay Kieth?" Sagot kong ikinahalakhak niya. Napangiti na lang ako na agad ding nawala ng sawayin ako ni nanay

"Jennie! Maaga pa ha!" Banta niya agad. Itinikom ko na lang ang bibig ko at ipinagpatuloy ang pagluluto.

Hindi naman umalis si kuya agad, usually kasi maaga siyang pumunta sa dagat para mamingwit kasama niya si Kieth. Inantay niya pang may maluto ako, at kumain habang nagkakape bago nagpaalam.

Nilalagyan ko ng oreo ang gitna ng pancake bilang palaman. Heto lang kaya kong ipambawi kay Tili. Na kaya ako nagtatrabaho para mabilhan ko siya kahit minsan lang ng pagkain na wala rito sa bukid, ng vitamins at gatas niya, ng mga bago niyang damit at kung ano-ano niya pang pangangailangan na hindi maibigay ng magaling niyang ama.

Sinabihan ako ng kaibigan kong si Lyndhel ng dalawang batas na makakatulong daw sa tulad kong SingleMom; ang REPUBLIC ACT NO. 8972 at REPUBLIC ACT 9262 .

Binasa ko iyon at tingin ko ang 9262 ang mas maganda at applicable sa case ko dahil hindi naman patay at hindi rin kami kasal ng tatay ni Tili. Saka magiging responsible ang mga lalaki kung itong 9262 ang i-apply ng single mom. Diablong kiritkirit! Eng swerte sanda mayad! Ang lagay noong sarap dalawa kami, ngayong hirap, mag-isa na lang?

 
Hindi ko naman sinasabing magiging irresponsible ang nasa 8972 kasi special case mga naroon, as is namatayan ng asawa o magulang ng anak ang pwede mag avail ng free skilled training, health program and scholarship. Pero sa mga tulad ko na nangapitbahay lang ang tatay, roon ako sa sigurado. Plano kong gawin iyon ngayong pagluwas kong muli.

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon