Kabanata 24

180 5 0
                                    

Magpapalit ako ng writing ng style, double point of view per chapter na from here kasi tinatamad akong ang haba ng side nila both ✌
Happy reading momsh😘

Keith Lustre

Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ko, singkulay ng pangdapit hapong ulap na may iba't ibang kulay ang makikita kung saan papalubog na ang araw sa dakong kanluran. Ang sagisag ng nalalapit na oras ng pahinga mula sa maghapong pakikibaka sa buhay.

"Buddy, bayaw!" Masaya kong tawag kay Sam, plano kong ipaalam sa kanya na pumayag na si Jennie na pakasalan ako.

"Oh buddy! Anong bayaw ka diyan! Kasama mo ba si Jennie?" Napakunot-noo ako sa tono ng pagtanong niya

"Oo buddy, baka naroon na sa inyo ngayon, bakit?" Magkasalubong na ang mga kilay ko, bakit parang hindi maganda ang sunod niyang sasabihin?

"Nasa bahay ang papa ni Tili."

"Ano?" Ako lang halos ang nakarinig ng tanong ko

"Sabi ko nasa bahay si Jeffree!" Ulit niya pang sabi

"Narinig ko buddy. Ee bakit narito ka? Hindi mo pa sinapak ang tarantadong iyon?!" Nakakuyom ang palad ko parang gusto kong pumatay ng hayop

"Gagawin ko nga sana kanina pagdating kaso nakaharap ang anak niya. Ayaw ko namang masaksihan ng pamangkin ko ang karahasan kung sakali kaya nagtimpi muna ako. Nakiusap ang gagong maka-usap ang kapatid ko kaya ang plano ko mamaya sa pag-alis niya tatambangan ko ang gagong iyon."

Nagbabaga na ang mga mata ni Sam nang ilahad niya ang plano. Gusto ko ang plano. Mamaya ka lang.

"Tara! Shot muna tayo buddy!" Aya ko na agad niya namang sinang-ayunan.

"Hi Keith!" Napalingon ako kay Engr.

Nakangiti siya sa akin, naalala ko naman ang kalokohan niya nakaraan, tumango na lang ako bago ibinalik ang tingin kay Samuel.

Palalampasin ko na lang iyon total halata namang hindi niya ako type at napagtripan lang, hindi naman sa ano ha? Pero ang tipo niya kasi iyon mga damsel in distress ang drama, mga babaeng naghahanap ng lalaking may pera... Kahit di nila mahal basta may pera ang bulsa titibok na mga mata nila.

Nagsimula na si Sam uminom habang nagluluto ako ng fried chicken, kahit naman naroon ang gagong tatay ni Tili sa bahay nila pupunta pa rin ako, duwag lang ang hindi sisipot sa usapan.

"Umayos-ayos lang talaga si Jennie at baka makatikim din siya sa akin kapag tinganggap niya pa uli sa buhay nilang mag-ina ang gagong iyon." Nanggagalaiting turan ni Sam matapos inumin ang nasa shot glass, hindi muna ako umimik. Sa utak ko pinapatay ko na bugbog si Jeffree.

Damn!

Hindi ako mapanakit pero kapag nakaharap ko ang gagong iyon, baka mas gago ako sa kanya.

Nangangalit ang mga bagang ko sa gigil. Hindi ko mahawakan ang shot glass dahil baka madurog ko sa kuyom ng kamao ko kaya ang ending si Sam lang talaga ang naka inom.

Kailangan kong puntahan si Jennie. Ako lang naman ang mapapangasawa niya kaya kailangan niya ako ngayon.

"Buddy! Punta tayo sa inyo." Aya ko kay Sam

"Ayoko buddy may bubugbugin pa ako."

"Sige ikaw na bahala sa gagong iyon ako na bahala kay Jennie. Baka umiiyak na naman ang mahal ko ngayon."

"Bahala ka. Punta na ako sa daanan." Paalam nitong nauna pa sa aking umalis

Shit! Gusto ko sanang maka-isa man lang ng suntok pero sige ipaubaya ko na lang kay Sam total mas may K siyang gawin iyon. Hindi naman alam ng gago na ako ang mapapangasawa.

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon