Happy reading Momshie 😘
May mga pangyayari sa buhay natin minsan kung saan umaabot ang turning point, iyon bang kailangan mong mag U turn kasi bigla mong narealize na mali pala ang tinatahak mong landas.
Parang switch ng ilaw ang pagsulpot ni Jeffree sa tindahan ko ng araw na iyon, tulala lamang akong nanunod na binubugbog siya ng asawa ko hanggang sa halos hindi na humihinga, salamat na lang at may dumaan na grupo ng kalalakihang pauwi na galing trabaho, sila ang umawat kay Keith.
Naliwanagan ang isip ko ng mga bagay-bagay. Hindi kaya masyado akong unfair sa kanya... Hindi ko man lang pinakinggan ang paliwanag niya dahil lagi ko siyang tinataboy. Ano nga bang nangyari sa kanya at bakit gusto niya kaming balikan?
Kung nagkataon kaya na hindi ako na inlove kay Keith, hindi ba matutuwa ako na bumalik siya?
Mabuti na lang nainlove ako, hindi tuloy ako natutuwa sa kanya ngayon, kunsabagay mula pa noon."Mukha kang worried myloves, are you worried about him?" Nabalik ako sa kasalukuyan sa tinig niyang may himig ng pagkainis. Napangiti ako at pinisil ang palad niya habang nakatingala sa kalangitan na may nakikislapang mga bituin at sinag ng buwan.
"Oo nag-aalala ako pero hindi para sa kanya." I rest my head in his shoulder. Kumalma naman ang katawan niya sa narinig.
"Ano naman ang inaalala mo?"
"Naalala mo ang tanong mo sa akin noong gabi ng kasal natin?" Sinilip ko saglit ang mukha niya, maliwanag naman sa kinauupuan namin dahil sa ilaw ng solar sa labas ng bahay.
"Napag-isipan mo na?" Pabulong niya ring balik ng tanong
"Naisip ko lang, na babalik at babalik si Jeffree para guluhin tayo. I saw his determination that day Keith. Ayaw kong maapektuhan tayo lalo na ang anak natin. Kung lilipat tayo ng lugar mas mapapanatag ako.
At kung lilipat tayo ng lugar mas maigi kung matupad natin ang mga pangarap natin, ikaw para tuparin ang pangarap mong maging doctor. Ako sana, gusto kong tumulong kina daddy mo, gusto kong magtrabaho sa business niyo habang nag-aaral ka, ayaw kong mahati ang puso mo in the process kaya ako muna ang aalalay kay daddy mo, para magamit ko rin ang pinag-aralan ko noon at kapag natupad mo na ang pangarap mo, kung isa ka ng ganap na doctor at gusto mo nang tumulong sa business then you can start with it, I'll be with you all the way... besides, I'm your significant other.
At the same time, pwede rin nating matupad ang pangarap ng anak natin, naalala mo ang togang pula?" Mahinahon kong paliwanag, saglit pa siyang parang nagulat pero unti-unti ring umaliwalas ang mukha at ngumiti kalaunan. Yumakap ako sa baywang niya at ginawaran niya naman ako ng magaang halik sa labi.
"Iyan ba talaga ang gusto mo?" Masuyo niyang tanong, nasilip ko rin sa mga mata niya ang pag-asa.
"Pangarap kong magtrabaho sa corporate world. Don't you think it's too late for me to explore and experience the business world?"
"Of course not. Walang late basta usaping pangarap. Kahit uugod-ugod ka na kung talagang gusto mo magiging successful ka. Parang sa pag-ibig lang iyan, age doesn't matter."
Napangiti ako, oo nga naman, ang iba nga lola na nagpupursige pang mag-aral at makapagtapos, ako pa kaya na bata pa naman ako. It's not too late to give it a try.
"Paano ang kasal natin?" Tanong niya makalipas ang ilang saglit na pananahimik ko
"Pwede naman tayong magpakasal habang inaantay natin ang mga kailangan nating papel para makalabas, magchange of location lang, I am thinking of Rizal province. Ang alam ko maraming magagandang church doon. Tingin mo?"
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Roman d'amour1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.