Kabanata 1

877 11 0
                                    

Happy reading momsh 😘

Jennie Sarang

Malakas ang malamig na simoy ng hangin ng dapithapon sa kabundukan ng Sitio Marikit sa Baranggay Bagong Silang.

Napayakap ako sa jacket ko habang tahimik kong binabaybay ang matitirik na daan papasok sa kinatatayuan ng bahay mula sa highway. Sabado ngayon at bukas ang day off ko kaya kahit gabihin ako sa daan ay tinitiis ko na lang.

Excited akong makarating sa bahay, isang linggong pangungulila na naman ang matuling nagdaan sa buhay naming mag-ina.

Hinihingal akong napatigil sa paglalakad, malapit na ako sa lugar na kinakatakutan ng karamihan, puro puno ng kawayan kasi ang nakahilera sa tabi ng daan at nakakatakot pakinggan ang tunog ng nagsisipag-untugang kawayan kapag ganitong malakas ang hangin.

Naalala ko pang tumatakbo kami noon tuwing dadaan kami rito. Paniwalang-paniwala kami sa mga multo noong bata pa pero ngayong isa na akong ina...awa ng Dios wala naman akong nakita pang multo kundi multo lang ng kahapon.

Kahapong gusto ko ng itago sa baul.

Nang makakuha muli ng lakas ay nagpatuloy ako sa aking paglalakbay gamit ang ilaw ng aking cellphone.

Konting tiis na lang.

Malayo-layo rin kasi kami sa kabihasnan. Walang motor dahil basakan ang madadaanan at sa pilapil lang kami tumatawid. Wala ring tricycle na pumapasok sa pediroad, hindi kasi ito ang kalsadang madalas gamitin, doon sa kabila.

Kung meron man, ang mga may ililibing o may dadalawin sa bagong tayo na sementeryo ng baranggay. Dati kasi wala pa, nakikilibing lang ang mga taga rito sa kabilang baryo pero dahil dumarami na rin ang tao at namamatay taon-taon ipinagbawal na ng kabilang sementeryo ang maglibing pa roon ang mga taga Bgy. Bagong Silang.

Nasanay na lang din akong dumaan sa sementeryo. Iniisip ko na lang, hindi naman nanakit ang patay na. Mas nakakatakot pa nga ang mga buhay pa, kasi reality check mas may kakayahan naman talaga silang manakit kaysa roon sa nakahimlay na. Kwentong barbero lang naman ang mga multo na iyan.

Nang sa wakas ay matanaw ko na ang bahay, nakasindi na ang lampara dahil hindi naman ito abo't ng kable ng kuryente.

Malayo pa'y naririnig ko na ang sagutan ng maglola, "lola, saan nagpunta si lolo kahapon?" Tanong ni Tili

"Sa hospital, magbisita kay lola na may sakit." sagot naman ng mama ko

"Bakit may sakit?"

"Di ko alam."

"Bakit di mo alam?"

"Kasi malayo ang bahay nila."

"Bakit malayo ang bahay nila?"

"Kasi roon sila nakabili ng lupa nila."

"Bakit doon sila nakabili ng lupa nila?"

"Dahil doon may bakante."

"Bakit doon may bakante?"

"Hahaha bakit ba ang kulit mo? Hahaha" napangiti rin akong naririnig ang usapan ng maglola. Nasa stage na kasi si Tili na tanong nang tanong. Minsan hindi lang nakakaubos ng sagot kundi pati pasensya sa sobrang kulit magtanong.

Nakahinga ako ng maluwag. Feeling ko hindi ako pagod sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Maria Estilita, my baby Tili. Ipinangalan ko siya kay lola ni Kieth na nagpaanak sa akin, dahil nga malayo kami sa kabihasnan kaya di na umabot sa hospital.

Tumahol agad si bantay ng makitang may papalapit pero agad ding tumigil ng mapagsino ako at iwinagayway ang kanyang buntot. Sinimulan ko ng akyatin ang ilan ding baitang bago marating ang bungad ng bahay. Nasa mataas na parte ng burol kasi ang kinatitirikan ng bahay nila mama.

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon