Kabanata 18

166 6 0
                                    

Happy reading momsh 😘

Jennie Sarang

Nag-aagaw ang dilim at liwanag sa silangan ng lumapag sa ground ang sinasakyan ko.

Napangiti ako kahit kumakabog ang dibdib ko sa sobrang excitement sa pag-uwi. Hindi alam nila mama na ngayon ako darating.

Nagmadali akong sumakay sa public transport para maka-abot sa recognition program ni Tili. Maya't maya akong sumusulyap sa relo ko. Mayang hapon pa naman iyon pero ilang oras pa ang byahe ko.

Lord, pahintulutan niyo pong maka-abot ako sa mahalagang araw ng baby ko please.

Nag-arkila ako ng tricycle at pinadaan sa main road papasok sa amin dahil sa dalawang maleta ang dala ko.

Tinahulan ako ni bantay ng dumating ako sa bahay nila tatay. Mukhang wala ng tao.

"Jennie anak?" Napalingin ako sa boses ng tatay ko.

"Tay!" Nakangiti kong sinalubong si tatay ko para magmano habang binababa ng driver ang gamit ko

"Kaawaan ka ng Dios. Bakit di mo sinabing ngayon ka pala darating?" Himig tampo niyang tanong

"Surprise!" Niyakap ko ang tatay ko bago ko naalalang magbabayad pa pala ako sa driver.

"Kumain ka na ba?"

"Wala pa po. Tingin mo tay makaka abot pa ako sa recognition ni Tili?" Excited kong tanong

"Ay oo. Bilisan mo na lang."

"Kung ganun alis muna ako tay. Maya na tayo magkwentuhan ha? Bye" humalik na lang ako sa pisngi ng tatay ko at iniabot ang box ng red ribbon cake bago bumalik sa tricycle.

"Kuya, sama na ako palabas ulit." Nakangiti kong sabi na agad niya namang tinanguan. "Samahan mo na rin po ng konting bilis kuya para makaabot pa ako." Dugtong ko pa na ikinatawa ng driver

"Salamat kuya. Pagpalain ka po." Nagmamadali kong iniabot ang bayad ko sa arkila ko bago patakbong pumasok sa gate ng school. Walang security guard dahil nasa liblib naman ang school na ito.

"Excuse me po, anong grade na tinatawag?" Tanong ko sa isang parent sa dulo

"Wala pa, nagsisimula pa lang." Sagot nitong ikinaluwag ng paghinga ko

"Salamat po." Magalang ako nagpaalam at humanap ng libreng upuan. Nang makaupo ako'y saka ko iginala ang nga mata ko para hanapin ang mama at anak ko.

Pinagpapawisan ako sa nervous kaya punas ako ng punas ng mukha at leeg ko.

Para akong nakalaklak ng sampong bote ng energy drink sa hyper ko pero bigla akong nanlamig ng mahagip ng mata ko ang isang bulto na katabi ng anak ko.

"So he's back." Pabulong kong sambit, wala namang binabanggit si mama tuwing tatawag ako.

Kung kanina ay excited lang ang pakiramdam ko sa pagkabog ng dibdib ko ngayon nama'y triple na parang nagulat sa sobrang lakas ng kulog na narinig. Feeling ko lalabas na katawan ko ang puso ko sa lakas ng palpitation nito.

He's wearing blue polo, black maong pants and shoes. Why does he look so hot with that?

Kitang-kita ko ang side view niya sa pwesto ko. Una kong napansin ang pag light ng kulay niya. Bakit mukha na siyang mamahalin ngayon? aa baka bigatin ang tatay niya. Infairness ang gwapo niya na ngayon o dati na siyang gwapo ngayon ko lang napansin. Bagay naman pala sa kanya ang mga labi niyang makapal, balanse naman sa mukha niya.

Uminit ang mukha ko ng mapatitig sa dibdib niya pababa. Ang tikas pa rin ng pangangatawan.

Calm down self.

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon