Kabanata 3

397 6 0
                                    

Happy reading momsh😘

Keith Lustre

"Yoohoo buddy! Saan si my loves?" Agad kong tanong kay Sam na busy magpanday.

"Naroon sa bahay nila, pinapatulog si Tili." Sagot niya namang hindi man lang ako nilingon.

"Sige, gapangin ko muna." Sabi kong ikinahalakhak niya

"Feeler mo buddy!" Sigaw nito habang pasipol-sipol akong nagpatuloy sa bahay kubo ni Jennie myloves. Kapag ako sinagot niya, higit pa sa bahay kubo ang kaya kong ipatayo. Hindi ko pa lang sinisimulan, kasi diba? Pagawa ako ng bahay na sementado tapos wala naman pala akong maii-uwi roon ee di nasayang lang.

Napangiti ako ng masilayan siya mula sa malayo habang nakahiga sa papag at busy magbunot ng buhok sa kili-kili, sakit niyan sa leeg.

"Ako na riyan." Alok ko ng makalapit, bahagya pa siyang nagulat pero umirap lang rin pagkatapos na akala mo hangin lang ako. Snatch na lang ang diskarte ko para maagaw ang tweezer sa kamay niya.

"Akin na nga iyan!" Nakakunot noo niyang sabi

"Ako na nga magbunot. Akin na." Ilang segundo pa siyang tumingin lang sa mukha ko bago itinaas muli ang braso.

"Paano pala kung isang araw biglang may magpakilala sa iyong anak mo. Anong gagawin mo?" Tanong niya habang seryuso akong magpangbunot ng dapat bunutin.

"Imposs..." Sabi kong hindi natuloy dahil inuhan niya ako

"Impossible iyon kung virgin ka pa. Ang tanong virgin ka ba?" Nagulat at napahinto ako saglit habang nakatingin sa kanya. Napalunok ako ng wala sa oras.

"H-hindi na ako virgin pero sigurado akong wala akong nataniman ng pakwan. Maingat kaya ako." Sagot ko kahit si Mariangpalad lang naman nakadevirginize sa akin, kung inaantay niya ba naman ako ee di parehas pa kami virgin.

"Gumagamit ka ng condom? Diba may hindi rin naman safe iyon? Pwedeng maglick kung di maayos ang pagkakalagay o pwedeng mabutas." Dugtong niya pa, nakahinga ako ng maluwang na inakala niyang hindi na nga ako virgin.

"Wala pa nga." Sigurado kung sagot bago nagpatuloy sa ginagawa.

"Paano nga kung isang araw may bumalik sa mga babae mo? Kieth? Naalala mo pa noong gabing may nangyari sa atin? May naiwan ka kasi sa akin, surprised! Anim na taon na siya!" Madrama niyang salaysay na ikinatawa ko

"Hahaha kung mangyayari man iyon, ee di tatanggapin ko. Anak ko ee.. wala namang kasalanan ang bata, karapatan niyang kilalanin kong anak, karapatan niyang makilala ako at responsibilidad ko siya." I stated impossible possibility.

Ilang minuto siyang nanatiling tahimik, hindi ko tuloy alam kung mali ba ang nasabi ko.

"Kabila na." Usal ko ng makatapos akong di pa rin siya umiimik. Lumipat naman siya ng pwesto. Maputi at mabango ang armpit niya parang ang sarap tulugan.

"Anong oras ka pala babalik?" Usisa ko kapagkuwan

"Hmmn bukas ng madaling araw. Gusto kong tabihan si baby ko." Malungkot niyang sagot

"Pwede ka naman kasing hindi na magtrabaho, kaya ko namang tustusan si Tili." Sabi ko

"Hindi mo kasi naiintindihan Kieth... Wala na akong tiwala sa mga lalaki ngayon. Paano kung katulad ka rin nila? Mag invest na naman ako ng feelings at effort ko tapos iiwanan mo rin kami ni Tili. Kawawa naman ang anak ko. Okay na sa akin na tito ka niya, huwag mo ng pangaraping maging tatay niya." Masakit niyang sabi

"Paano mo malalaman kung katulad nga nila ako kung di mo ako susubukan? Try me Jennie. Ilang taon na tayong magkakilala, ngayon mo pa ako pagdududahan? Saka kilala naman ako ng mga kuya mo at tatay mo. Ano? Ano pang gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang." Nahihirapan kong sagot, napalunok siya at parang iiyak na kaya sinaway ko agad.

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon