Kabanata 16

204 3 0
                                    

Happy reading momsh 😘

Keith Lustre

Naiiling akong nagbaliktanaw sa kapusukan namin ni Jennie.

Ipinagpatuloy ko ang paglakad patungo sa pinapagawa kong bahay. Halos nangangalahati na rin ito.

"Magandang hapon sir Keith!" Bati ng ilang mangagawa, ngumiti lang ako at tumango saka nagpatuloy sa maliit na bahay kung saan naglalagi si Engr.

Nakikipagkwentuhan ako sa kanya kapag maluwag siya sa work load.

"Oh Kieth!" Bungad niya

"Busy ka?" Tanong ko agad

"Medyo lang." Turo niya sa tambak na papeles sa ibabaw ng lamesa, tumango ako at umupo sa isang stool sa harap niya

"Kumusta naman kayo rito?" Tanong ko

"So far, so good naman." Sagot nito kahit nakatingin na sa mga papel

"Alam mo kung di ko lang alam na may inaantay ka, iisipin kong nanliligaw ka. Wala ka bang ibang pwedeng dalawin diyan?" Nakasimangot nitong sabi

"Whoa! Sige, aalis na ako, binisita ko lang naman ang bahay ko baka kasi umuwi na ng mahal ko." Paliwanag ko pa na ikinapula ng buong mukha niya. Napangisi akong tumayo na.

"Antayin mo na lang na tumawag ako kung may kailangan pa rito." Sabi pa niya, ngayon lang ako nakaramdam na pinapalayas ako at walang balak pabalikin. Naiiling akong lumabas ng pinto.

May dalaw siguro si Engr. Cresen, araw-araw naman akong dumadalaw pero minsan lang din ako makipagkwentuhan ng matagal madalas katulad lang nito mangungumusta lang ako sa pinapatayo kong bahay.

May mali ba roon? Wala ba akong karapatan sa ganon?

Tssss. Palitan ko kaya Engr?

"Oh buddy ba't magkasalubong ang mga kilay mo?" Tawag sa akin ni Saming na kasama sa mga gumagawa ng bahay ko. Gusto niya raw ng extra income. Sino ba naman ako para ipagkait iyon?

"Shot tayo?" Aya kong agad niya namang sinang-ayunan. Parehas kami niyan, hindi umaayaw sa grasya, maliban sa babae syempre.

"Baka naman may gusto sa iyo si Engr kaya ganun? Ayaw ka niya munang makita kasi baka nahuhulog na siya kaso alam niyang di mo sasaluhin kaya ganun ang inasal?" Komento ni Saming nang kulitin niya akong magkwento.

"Ewan ko buddy! Basta ako si Jennie ang gusto ko."

"Lupit talaga buddy!"

"Syempre! Payo kaya iyan ng tatay mo! Lupitan mo ang pag-ibig mo Keith, sinisigurado ko sa iyo, liliwanag ang buhay mo dahil masusungkit mo ang tala." Mimic ko pa sa boses ni Uncle na ikinatawa ni Sam

"Tay, hindi na ba talaga babalik si Jeffree?" Kahit kinakabahan ay sinimulan ko nang makipag argumento sa tatay ni Jennie

"Hindi na raw babalik ang himaupak na iyon. Bakit mo naman natanong?"

"Kasi kung hindi na talaga siya babalik, gusto kong pakasalan si Jennie tay." Matapat kong sabi

"Wow buddy! Kasal agad? Diba pwedeng manligaw muna?" Kontra ni Saming sa gilid namin

"Advance akong mag-isip." Mabilis kong sagot sa kanya saka ibinalik ang tuon kay Uncle.

"Payag po ba kayong maging manugang ako?" Dagdag ko pa, uminom muna siya ng brand niyang gen dahil empe sa amin ni Sam bago niya tinapik ang balikat ko

"Seryuso ka ba riyan? Desidido ka na sa desisyon mo?" Balik tanong niya

"Naniniwala po akong ang pag-ibig ay parang ulan, dumarating ito kung kailan di mo inaasahan. Minsan may babala pero madalas wala. Babagsak siya sa iyong wala kang pagpipilian kundi ang tanggapin at magpasalamat sa pagpapalang ginantimpala." Matalinhaga kong sagot, tumango-tango naman si Uncle

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon