Happy reading momsh 😘
Kieth Lustre
Malamig na ang simoy ng hangin sa ilalim ng puting ilaw ng dilaw na buwan. Hating gabi na at naka-ubos na kami ng dalawang long neck ng empe pero hindi pa kami lasing, naka-inom lang.
"Sam kung mapamasyar ako sa imong lebayen, mapayag ka ra?" Tanong ko sa best friend kong si Samuel. Sam kung manligaw ako sa kapatid mo, payag ka rin?
"Ako ba si Jennie? Ayamo? Eng taman kaw sa akeng mapusturang lebayen?" Napa-iling akong kumuha ulit ng baso para uminom. Bakit? Tinaman ka sa maganda kong kapatid?
"Sino namang hindi tatamaan doon? Maganda na mabait pa.?" Sagot ko sa kanya, tinapik niya lang ako sa balikat
"Good luck buddy. Sinasabi ko sayo ganito ang sagot niya, ang maganda para sa gwapo. Bakit gwapo ka ba?" Ginaya niya pa ung paano magsalita ang kapatid.
"Tapat naman ang puso ko kung magmahal. Marunong naman ako sa buhay, hindi naman siya magugutom sa akin. Mabait naman ako at hindi nananakit." Sagot kong tinawanan niya, sarap sapakin ang kabos (baliw).
"Ang mabait walang butas ang puwet!" Nakakaloko niyang sagot
Naiiling akong tumahimik na. Kung pwede lang turuan ang puso kung sino ang mamahalin, matagal ko ng ginawa.
Elementary pa lang si Jennie Mae Sarang crush ko na iyon. Ahead ako sa kanya ng dalawang taon. Hindi ko lang sinasabi at pinapahalata, ayaw ko kasing mailang siya sa akin.
Makita ko lang ang maamo niyang mukha kompleto na ang araw ko. Maliit lang ang bilugan niyang mukha, gustong-gusto ko ang mga mata niyang masayahin at inosente, matangos ang ilong niya, manipis at pula niyang labi. Ang ganda niya talaga kahit di mag-ayos.
Halos sabay na rin kaming lumaki dahil sa kuya niyang si Samuel na madalas kong puntahan sa bahay nila para makasama mangisda.
Highschool nagsimula akong magparamdam pero wala akong sinasabi kay Jennie, naduduwag akong mabasted.
"Nanliligaw ba si Arnel sa iyo? Huwag mong sasagutin ha? Babaero iyon." Mataman kong bulong sa kanya habang naglalakad kami pauwi, marami kasi kaming kasabay kasama na ang tinutukoy kong Arnel
"Tss. Di ko naman crush iyon...saka lahat naman kayo babaero." Nakahinga ako ng maluwag.
"Ee di mabuti pero hindi ako babaero, ee kayo lang nga ni lola ang babae ko.." palipad hangin ko
After highschool lumipat siya sa dalawa niyang kuya sa syodad na may mga asawa at anak na. Hindi ko siya mapigilan... wala akong karapatan.
"Mag-ingat ka roon ha? Pakakasalan pa naman kita." Seryuso kong bilin na narinig si Sam at tito Berto kaya tinawanan nila ako.
"Pakasal ka na lang mag-isa." Lantaran niya namang sagot, napakamot ako sa batok ko.
Hindi na kami nag-aral na dalawa ni Sam. Siya dahil di niya raw kaya, "mahihirapan lang sila mama at tatay tapos di ko naman kayang suklian ng mataas na grado. Tulungan ko na lang sila rito sa bukid mas makabuluhan pa." Paliwanag niya, medyo mahina kasi sa klase si Sam.
Ako naman dahil wala namang magpapa-aral sa akin. Namatay si mama ko ng ipanganak ako, si tatay hindi kilala ni lola na siyang tumayong magulang ko.
Hindi naman sa pagmamayabang pero kasama ako sa mga nangunguna sa klase namin, with honors din akong nagtapos kaso... Hindi kami naka attend ni lola, sa hospital kami noon dahil may sakit si lola ko.
"Kapungaw da." Sambit ko habang nakatanaw kami sa malayo. Kalungkot din."Ayamo ayy?" Bakit ang tanong niya sa sinabi kong kalungkot naman. Bakit naman?
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Romance1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.