Kabanata 31

207 5 1
                                    

Happy reading momshie 😍

Keith Lustre

"Tingin mo myloves mas okay ba kung magpakasal muna tayo sa huwes habang inaantay natin ang preparation ng sa simbahan?" Bigla-bigla ay naging selfish ako. Masama na ba ako? Gustong ipagdamot ang asawa ko agad-agad. Pumayag na rin naman siyang magpakasal na kami, roon na rin naman kami papunta pero as this time I can't wait any longer lalo na't isang threat sa relationship namin ang ex niya na tatay ng anak namin. Ang gulo. Komplikado talaga ng tao.

"Ikaw bahala myloves." Nakangiti niyang sagot na ikinatuwa ng lubos ng puso ko. Inabot ko ang kamay niya't dinala sa labi ko habang nakatuon pa rin sa daan ang mata.

"Hindi naman sa nagmamadali tayo pero parang ganun na nga..." Nakangisi kong sabi na ikinatawa niya

" ...gusto ko lang mapanatag ang loob natin na kahit may imaligid pang extra hindi tayo kinakabahan saka gusto kong iadopt si Estilita."

"Pwede kaya iyon? Sumusuporta naman kasi si Jeffree sa anak niya baka mas gustuhin niyang kunin na lang ang anak ko. I don't think so kung papayag iyon baka mas magcomplicated lang, madamay pa si Tili. Ayaw kong mastress ang anak natin Keith. Siya ang priority ko higit kanino man. Kung hindi naka apelyedo sa kanya at hindi ako naghabol ng sustento noon baka pa may pag-asa ang adoption pero malabo iyan sa ngayon. I'm sure hindi papayag si Jeffree." Sagot niyang ikina-isip ko rin ng malalim.

"We'll take the bridge when we get there. Ico-consult ko sa family lawyer." Pampanatag ko sa loob niya.

"Kailan pala tayo magcivil wed? Magpapaalam ako kila nanay at tatay." Pukaw niya sa pananahimik ko dahil tinitimbang ko nga ang mga bagay-bagay.

"Bukas." Sagot ko, wala naman siyang angal na ikinagagalak ng puso ko sa tuwa. Excited is an understatement because I feel more than that.

Sumama ako sa bahay nila para samahan siyang magsabi kila nanay at tatay na wala namang pagtutol.

"Tay hala! Kung hindi na kayo mapigilan, humayo kayo't magpakarami." Ang mabilis na sagot ni tatay na ikinatawa namin ni Jennie.

"Excited ka na talagang kumain ng lechon?!" Kontra naman ni nanay kaya naalala ko ring tumawag sa lechonan sa bayan, buti na lang naka inquire na ako nakaraan at kinuha ang number nila.

"Okay lang sa iyo nay?" Tanong ni Jennie kaya napatingin din ako sa ina namin.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang papakasalan?" Nakangiti niyang sabi, niyakap ko na lang ang mahal ko mula sa likod dahil napakamot na siya sa ulo niya.

Kinabukasan ay wala na kaming inaksaya pang panahon at tinungo na ang city hall para magpakasal.

"Keith Syd, do you take Jennie Mae to be your lawfully wife, to live together in the estate of matrimony? To love, to honor and keep her; in sickness and in health and forsaking all others, keep yourself only unto her as long as you both shall live?" Tanong ng judge na ikinangiti ko habang nakatitig sa maganda kong asawa.

"I do." I sincerely answered, not taking off my eyes in my beautiful wife.

"Jennie Mae, do you take Keith Syd to be your lawfully husband, to live together in the estate of matrimony? To love, to honor and keep him; in sickness and in health and forsaking all others, keep yourself only unto him as long as you both shall live?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang binibigkas ng judge ang mga katagang iyon.

"I do." Mabilis niyang sagot na ikinahinga ko ng maluwag.

"Keith Syd please hold Jennie Mae's hand and repeat after me," wika ng judge. Hindi ko ini-expect na makakabagbag damdamin ang magpakasal pagkat naluluha akong sumunod sa sinasabi ng judge.

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon