Thank you for voting WHM
enasojHappy reading Momshie 😘
Kieth Lustre
"May mga gusto ka bang hindi mo pa natutupad myloves? Maliban sa pakasalan ako..."nakangisi kong tanong habang papasok kami sa bahay namin na konting-konti na lang tapos na.
"Gusto? As in pangarap? Mga pangarap na lang ni Estilita, yon na lang ang pangarap kong di pa natutupad." Igimaa ko siya pa upo sa sofa.
"Talaga? Ano naman ang pangarap ng anak natin?"
"Hmmm gusto niya raw mag-aral na ang uniform niya pula at kapag naggraduate siya pula ang toga. She loves red, you know."
"Talaga?! Wow! Sa abroad pala iyon, so roon tayo habang nag-aaral siya?"
"Hindi. Dito lang siguro, dito lang siya mag K-12 after na lang pwede na siyang mag independent doon kung saan niya gusto at kung kaya niyang mag-aral sa ganun. Mamaya nangarap siya ngayon tapos di pala niya kaya, basta kung ano gusto niya support lang ako."
"Tayo myloves. Support lang tayo." Giit ko, nalulungkot ako kasi madalas parang di ako kasama sa pangarap niya mabuti't pumayag na siyang magpakasal sa akin.
"Kieth?"
"Hmnnn?" Nakayakap ako sa kanya habang nakahiga kami sa sofa na may plastic pa, narito pa rin kami sa pinapatayo naming bahay
"Diba mag-aabroad ka para pag-aralan ang negosyo niyo?"
"Sana... pero gusto ko sanang kasama kayo roon. Ayaw kong malayo tayo sa isa't isa. Ayaw mo talagang sumama?"
"Iniisip ko kasi si baby natin, baka di niya kayanin abroad..."
"Mas maganda nga myloves na bata pa siya mamold, saka mas madaling matuto at mag adjust ang bata kaysa sa matanda na. Baka nga mas madali pa siyang maka cope up sa bagong environment natin kung sakali kumpara sa akin."
Isipin ko pa lang na spoken 'n dollars si Tili na excite na ako.
"Sige, kausapin ko siya. We can compromise naman." And that made my day.
"Seryuso natin myloves parang gusto kong binyagan tong sofa bed na ito." Hinampas niya ako sa braso
"Sira! Antayin mo munang makasal tayo. Mamaya mabuntis na naman ako tapos di pa tayo kasal magbago pa ang isip mo't iwanan kami, edi kawawa naman ako, disgrasyada forever." Nalungkot ang boses niya sa huli niyang sinabi
"Sinong nagsabi sa iyong iiwanan kita?" Naiinis kong sabi
"Huwag mo akong itulad kay Jeffree, gago iyon ako gwapo na gentleman pa." Dugtong ko pa
"May sinabi ba akong tulad ka ni Jeff?"
"Wala pero I can read between your lines myloves. Don't you trust my love for you? I said I love you and I never lie. At kapag nagmahal ako, isa lang. Ikaw lang." Pagdidiinan ko
"Sorry myloves... nagmahal ka kasi ng dalang-dala na at hindi dalaga pa. Pasensya na, nagmahal, nasaktan at natuto lang." Naalarma naman akong umiyak na siya
"Hey! Please don't cry. Tahan na. I'm so sorry. Hindi na kita pipilitin. Aantayin ko ang honeymoon natin huwag ka lang umiyak."
"Sira!" Nakangiti na niyang sabi pero malungkot pa rin ang mga mata. I am fully aware of her insecurities.
"Nanghihinayang akong isang suntok lang ang naibigay ko kay Jeffree ngayong nakikita ko kung gaano kabasag ang self esteem mo dahil sa ginawa niya. Ano bang kasalanan mo roon at ganun na lang ang ginawa niyang pananakit sa iyo?
![](https://img.wattpad.com/cover/185902771-288-k787690.jpg)
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Romance1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.